"No."
Biglang natahimik ang lahat nang marinig nila ang sagot ni Yoonji, nawala rin ang ngiti sa labi ni Jimin, pati si Yoori ay hindi rin inexpect ang isinagot ni Yoonji.
"I'm sorry pero hindi pa pwede, ang bata pa natin, naiimagine mo ba na senior high school pa lang tayo? Hindi pa tayo nagka-college Jimin." Giit pa nito.
Lumakas ang bulong bulungan ng mga tao bigla, si Hoseok ay napakamot sa batok niya dahil hindi niya rin inakalang magiging ganto ang sagot ni Yoonji.
"H-Hindi naman ibig sabihin nito magpapakasal na tayo, I-I mean makakapaghintay pa naman, kahit after natin maka-graduate tsaka tayo magpakasal." Paliwanag ni Jimin, hindi pa rin tumatayo sa pagkakaluhod niya.
"Hindi nga kita boyfriend Jimin eh."
Natahimil ulit bigla ang mga tao, ramdam na ramdam nila ang sakit nung salita ni Yoonji kay Jimin.
"Ouch." Ani Jin, nagulat si Hoseok dahil hindi niya alam na nasa gilid na pala niya si Jin, kanina lang kasi ay may kaaway pa ito sa may malayo.
"Ang saket nun!" Dagdag pa ni Jin, napatango naman si Hoseok pero nag-aalala siya kay Jimin.
"Hindi naman natin kaylangan na nun Yoongs, mas okay ako na diresto engage na 'to para siguradong akin ka na—"
"Hindi ako gamit Jimin! Hindi mo ako pwedeng pakasalan dahil lang kaylangan mo ng ipapakilala sa magulang mo!" Sigaw ni Yoonji, nagbulungan na naman ang mga tao.
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin, "okay fine!" Tumayo si Jimin sa pagkakaluhod niya at kinuha niya ang kamay ni Yoonji para ibigay sa kanya ang box.
"A-Alam mo ba na ikaw yung gusto ko noon pa lang? Bago pa magsimula yung gulo na 'to? Bago yung araw ng birthday mo?!" Giit ni Jimin.
"Hindi mo ba naisip na kung bakit kita hinalikan nung araw na yun? Bakit ang clingy ko lagi sayo? Bakit ayaw kong nagkakahiwalay tayo? Bakit lagi kong ginagawa lahat para sa'yo? Di mo ba naisip yun? Na kahit pinagtatabuyan mo ko minsan kasi gusto mo mag isa hindi pa rin ako umaalis? Kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin noon!" Sigaw ni Jimin kaya naman natahimik ang lahat.
Nanunuod lang lahat ng tao sa kanila, "si Yoonji at Yoongi..." napatingin si Jin kay Hoseok nang bigla itong magsalita, "mag-isa lang sila di ba?" Tanong ni Hoseok na naging dahilan kung bakit napako si Jin sa kinatatayuan niya.
Hindi makasagot si Jin pero baka ang gulat sa kanyang mukha.
Napabuntong hininga na lang si Hoseok bago ito natawa ng mahina, "ang tagal bago ko marealize."
"P-Paanong..." hindi matuloy tuloy ni Jin ang sasabihin niya.
"Kay Jimin... narealize ko kay Jimin nung nagkausap kami nung gabing pinapunta ko siya sa inyo."
"Wait, what?!" Nagulat si Jin, "sino nagsabi sa'yo na magpapunta ka sa bahay namin?"
Natawa na lang ng mahina si Hoseok, "gusto ko lang mapatunayan sana kaso nalilito pa rin ako kung paano sila naging iisa."
Napabuntong hininga na lang si Jin, "ipapaliwanag ko na lang sa'yo kapag nagkaroon ng pagkakataon." Anito.
Napangiti naman si Hoseok bago nila binalik ang tingin sa eksena ng dalawa.
"Pinilit kong tingnan ka noon ng katulad lang ng pagtingin mo sa akin noon, kasi natatakot ako, alam kong malaki yung magbabago sa atin, alam ko rin hindi matatanggap ng mga magulang ko, pero sumugal pa rin ako eh..." nanghihinang sabi ni Jimin.
"Oo... natatakot ako, pero eto na yun!" Ani Jimin.
"Hindi na ako takot sa sasabihin ng ibang tao—"

BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?