Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

45

6.4K 422 424
                                        

Tulak-tulak ni Yoongi ang cart kung saan naka-upo si Yoori at panay naman ang lagay ni Jimin ng mga pagkain, nasa mall sila ngayon para mamili ng mga gamit para mamayang gabi. New year kasi at naisipan ni Jimin na sa bahay na lang mag-celebrate kasama si Yoori at si Yoongi.

Kahit kontra si Yoongi dun dahil gusto niyang pumarty at magpakalasing ay wala siyang magawa kundi sumunod sa gusto ni Jimin lalo na at may obligasyon rin siya sa kapatid niya, dahil kapag may nangyaring masama dito ay goodbye sustento na siya.

"Ano pang gusto mong kainin mamayang gabi?" Tanong ni Jimin habang nakahawak siya sa baywang ni Yoongi.

Nakapoker face lang ito sa kanya bago niya padabog na inalis ang kamay ni Jimin sa baywang niya, "Kanina ka pa hawak ng hawak sa akin ha, nakakahalata na ko." Napipikon na sabi nito.

"Bakit bawal ka bang hawakan? Ang init naman ng ulo mo." Piniga ni Jimin ang ilong ni Yoongi kaya naman mas lalo itong napikon, kaya pinaghahampas niya ito ng wallet niya sa harap ni Yoori na pinapanuod lang silang dalawa na nag-aaway.

"Tama na Yoongi, nakakahiya, ang daming tao." Pagpigil ni Jimin dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao, kung hindi lang talaga sila pinagtitinginan ay hindi talaga titigil si Yoongi.

"Ikaw Yoori, anong gusto mo pang gusto mo para mamayang gabi?" Tanong ni Jimin kay Yoori.

"Fireworks..." Mahinang sabi ni Yoori.

"Gusto mong kumain ng fireworks?" Sarkastikong tanong ni Yoongi kaya naman siniko siya ni Jimin, dahil sa ginawang paniniko ni Jimin ay naasar na naman si Yoongi kaya pinaghahampas na naman siya nito pero panay lang ang pigil ni Jimin kay Yoongi habang nginingitian niya si Yoori.

"Sige bibili tayo, pero paputok lang, yung safe lang." Ani Jimin kaya't tumango na lang agad si Yoori.

"Ikaw baby, gusto mo bang mapaputok mamayang gabi?" Bulong ni Jimin kay Yoongi habang nakangisi.

Napapikit si Yoongi sa sobrang inis sa binulong ni Jimin, gusto niya talagang sakalin si Jimin sa mga oras na 'to pero hindi niya magawa dahil sa dami ng tao.

"Patay ka sa akin Park Jimin pag-uwi, sasakalin talaga kita." Banta ni Yoongi.

"Ohh." Napangisi lalo si Jimin, "Gusto ko yun." Bulong pa nito bago niya tinulak ang cart at inosenteng nakipag-usap kay Yoori. 

Kung papaano magpalit ang ugali ni Jimin dipende sa kung sino ang kaharap niya ang pinakahinahangaan ni Yoongi, kitang kita niya kung gaano kaplastic ang kaibigan niya.

Pero ang totoo niyan ay marunong lang talaga makisama at maki-ayon si Jimin, grabe lang talaga mag-isip si Yoongi.

Naiwan si Yoongi na nakatayo sa pwesto niya habang pinagmamasdan niya si Jimin na kausap si Yoori habang namimili sila ng mga pagkain. 

"Mukha syang tatay... magiging magaling siyang tatay pagnagka-anak na siya..." Bulong ni Yoongi sa sarili niya habang pinagmamasdan niya kung papaano mapatawa ni Jimin si Yoori sa simpleng gesture lang.

Biglang bumalik sa huwisyo si Yoongi nang marealize niya ang sinabi niya, "A-Ako rin naman magiging magaling rin akong tatay kapag n-nagkaanak na ko." 

Napakamot si Yoongi sa sarili niya, "A-Ano ba 'tong pinag-iisip ko." 

Biglang natigilan si Yoongi nang may biglang lumitaw na lalaki sa harap niya, napakunot ang noo niya at napatingin siya kay Jimin na abala pa rin sa pamimili ng mga groceries.

"Anong kaylangan mo?" Matapang na tanong ni Yoongi.

"Miss, a-ano kasi..." Napansin ni Yoongi na namumula ang mukha nito, mukhang mas bata ng kaunti sa kanya ang binata.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon