"J-Jimin, bakit ang tigas-tigas mo?"
Tanong ni Yoongi sa kawawang poste sa daan, bigla niya itong niyakap sa sobrang kalasingan niya bago siya humagulgol ng malakas, buti nalang at kokonti lang ang mga dumadaan.
Ang ilang nakakakita sa kanya ay hindi siya pinapansin habang ang ilan naman ay lumalayo sa kanya dahil sa pag-aakalang may sira ito sa utak.
"Jimin!!!" Sigaw niya habang siya nagtatalon sa pinaghahampas ang poste kahit siya lang rin naman ang nasasaktan.
Pagkatapos niya itong paghahampasin ay yinakap na naman niya ang walang muwang na poste.
"Sorry na Jiminieeee, bati na tayoooooo." Nag-iinarteng sabi niya sa poste habang hinihimas-himas pa ito.
"Sige na bati na tayo." Sagot ni Jimin.
"The fuck?!" Biglang napabitaw si Yoongi sa poste at napaurong ng malakas.
Dahan-dahan lumapit muli si Yoongi sa poste at tinapik niya iyon ng mahina "J-Jimin?" Pagtawag niya pero hindi na iyon muling nagsalita.
"Hay nako..." Napabuntong hininga nalang si Jimin habang pinapanuod niya si Yoongi.
"Jimin! JIMIIIIIIIIINNN!" Sigaw ni Yoongi bago niya niyakap ulit ang poste kaya naman napa-facepalm nalang si Jimin.
"Yoongi! Eto ko sa likod mo!" Sigaw ni Jimin bago siya lumapit sa mas nakakatanda sa kanya.
Mabilis naman tiningnan ni Yoongi ang likod niya, as in yung likod niya. Pero hindi niya makita-kita iyon kaya naman napaikot-ikot na siya.
"Shit, hyung!" Sigaw ni Jimin bago niya pinigilan si Yoongi bago pa ito tuluyang tumumba.
"J-Jimin?" Naguguluhang tanong ni Yoongi ng makita na niya ang talagang si Jimin.
Nakahawak ito sa baywang niya at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito sa kanya, pero hindi iyon masyadong napapansin ni Yoongi dala na rin ng pagkalasing niya at sa pagkahumaling niya sa tapang ng amoy ng binata sa puntong natatalo nito ang amoy ng alak sa kanya.
"Let's go home." Halos pabulong ng sabi ni Jimin kay Yoongi.
Biglang napalunok si Yoongi sa hindi malamang dahilan, siguro ay dahil sobrang lapit ni Jimin sa kanya? Hindi niya alam, basta ang alam niya lang ay hindi siya makahinga kapag malapit si Jimin sa kanya.
"Jimin..." Biglang lumayo si Yoongi kay Jimin ng medyo mahimasmasan na siya.
Napabitaw sya sa pagkakahawak niya sa baywang nito, napabuntong hininga nalang si Yoongi bago niya tiningnan ng diretso sa mata si Jimin.
"Magiging lalaki na yata ulit ako." Pag-amin ni Yoongi kay Jimin.
Nagkatitigan silang dalawa ng ilang segundo, pareho silang nagtatantsahan sa reaksyon ng isa't isa hanggang sa naguluhan si Jimin.
"And so? Hindi ba iyan yung gusto mo?" Nagtatakang tanong ni Jimin.
"Oo nga, pero kasi..." Hindi alam ni Yoongi yung sasabihin niya.
Pagod na napangiti si Jimin sa kanya bago niya inakbayan si Yoongi para pilitin itong pangitiin, "Ayos lang 'yan..." Aniya.
"Siguro medyo nasanay ka na sa pagiging babae mo lalo na at..." Pilit na umubo si Jimin para dagdagan ng drama ang pagkakasabi niya. "Nakakapamboso ka." Dagdag pa nito.
"Hindi ako nangboboso." Giit ni Yoongi.
"Sure." Hindi naniniwalang sagot ni Jimin.
"Seryoso ako!" Mas mariin na sagot ni Yoongi.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
