73

4.1K 307 206
                                    

"So it means you're gay?" 

Napatingin si Yoongi at Hoseok sa lalaking sumigaw, napatingin rin lahat ng estudyante sa lalaking yun. Akala ni Yoongi ay hindi iyon sasagutin ni Hoseok pero nagulat siya nang maramdaman niya ang kamay ni Hoseok na bumaba sa kamay niya.

"Yes, i'm gay." Tumingin ulit si Hoseok kay Yoongi, "for him, only." 

Napalunok si Yoongi dahil ngayon lang siya naintimidate sa tingin ni Hoseok sa kanya. 

Nagtilian ang mga babae dahil sa kilig, kahit nanghihinayang sila dahil yung isa nilang crush ay nagkakagusto rin sa isa pa nilang crush pero hindi rin nila masisi ang sarili nila kung bakit sila kinikilig dahil literal na dalawang gwapong estudyante ang naghaharutan sa harap nila ngayon.

"Nakakahinayang naman pero at least ang lakas ng loob niyang i-announce yun sa buong school, ang cool niya." Bulong ng isang babae sa kanyang kaibigan.

Napatingin si Jennie doon bago siya napatingin sa pinsan niyang si Jin na nakaupo habang tutok na tutok sa biglang pagtatapat ni Hoseok sa harap ng maraming tao.

Nang mapatingin sa kanya si Jin ay nakita niyang may nangingilid itong luha. 

"I-I think i'm gay too..." Mahinang sabi ni Jin sa kanya.

Napalunok si Jennie, pati ang tatlo niyang kaibigan ay napatingin rin kay Jin dahil sa sinabi nito.

"I'm gay." Pag-uulit pa ni Jin, mas sigurado kumpara kanina.

"Wow..." Wala sa sariling sabi ni Jennie, "That's- that's nice, di kami aware, nakakagulat." Dagdag pa ni Jennie.

"I know right." Sabi ni Jin bago siya bumalik sa panunuod sa dalawang nasa stage.

Pagharap ni Jin sa stage ay humarap agad si Jennie sa mga kabarkada niya, "Obvious naman." Bulong ni Jennie.

Naghagikgikan silang apat bago bumulong si Jisoo, "silang lahat naman."

Mas lalong lumakas ang tawanan nilang apat bago nila binalik ang tingin sa dalawang nasa stage. 



Nakaupo si Jimin sa toilet habang nakayuko at nagpipigil ng hikbi, hindi niya alam kung bakit nagiging emotional siya sa mga gantong bagay, alam naman niya sa sarili niya na eto yung pinili niya kaya naasar siya sa sarili niya kung bakit hindi niya magawang magpigil ng emosyon.

"Jimin..."

Napatigil si Jimin sa paghikbi at napatingin sa buong paligid niya kahit nakakulong siya sa cubicle, hindi niya alam kung saan nanggaling yung boses or naghahallucinate lang ba siya.

"Jimin, si Taehyung 'to." 

Hindi sumagot si Jimin para isipin ni Taehyung na hindi siya yun, mas lalo siyang nagpigil ng hikbi at hindi gumawa ng ingay.

"Nasa katabing cubicle ako, alam kong ikaw 'yan Jimin, nakita kitang pumasok." Sabi ni Taehyung.

Hindi pa rin nagsalita si Jimin dahil malamang ay papalabasin siya nito tapos makikita niyang namumula ang mata niya, magagalit na naman lalo yun kay Yoongi, kahit ang totoo niyan siya naman talaga may mali.

"I'm sorry Jimin." 

Napakunot ang noo ni Jimin dahil bigla na lang itong nagsorry.

"Hindi ko masasabi 'to sa'yo ng harapan, kaya i'm sorry."

"Bakit ka nagsosorry?" Nagsalita na rin sa wakas si Jimin.

"Kasi ako yung nag-suggest na gawin mo  yun, gusto ko talaga na maghiwalay kayo ni Yoongi." Pag-amin ni Taehyung.

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon