Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

35

7.2K 504 829
                                        

"Pagkatapos mong i-lock yung pinto patayin mo na rin yun ilaw." Ani Yoongi habang naghuhubad ng bra.

Napalunok si Jimin bago siya tumango at pinatay ang ilaw pagkatapos niyang i-lock ang pinto. Dahan-dahang nahiga si Yoongi sa kama habang nakatingin kay Jimin.

Tinaasan siya ng kilay ni Yoongi bago nito tinuro ang space ng kama sa tabi niya. Dahan-dahang lumapit si Jimin habang bumibilis ang tibok ng puso niya, pagkaupo ni Jimin sa kama ay biglang tumalikod si Yoongi sa kanya kaya naman natigilan si Jimin.

"Pakipatay na rin yung lampshade, goodnight." Ani Yoongi.

"Wait, what?" Gulat na tanong ni Jimin.

"Sabi ko patayin mo na rin yung lampshade." Dagdag pa ni Yoongi habang umaayos siya ng pwesto siya para makahimbing ng tulog.

"Akala ko ba may gagawin tayong bagay para maging masaya?" Tanong ni Jimin.

"Oo nga, eto yun! Kapag hindi ka masaya matulog ka para makalimutan mo yung lungkot, pagkagising mo kapag hindi ka ulit masaya matulog ka ulit, ganoon lang yun." Paliwanag ni Yoongi bago tuluyang pumikit.

"Hayss, ang sarap talagang matulog ng walang bra." Sabi pa niya bago siya mag-inat at kinuha ang unan sa harapan ni Jimin para gawing dantayan.

Disappointed na tiningnan ni Jimin si Yoongi. Napairap nalang ito sa kawalan bago niya pinatay ang lampshade at wala ng nagawa kundi ang mahiga nalang rin sa tabi ni Yoongi. 

Magkatalikuran sila ng higa, as usual. Pero pagkagising nila magkayakap na ulit sila, as usual. 

Pero this time hindi makatulog si Yoongi, habang si Jimin ay ngayon lang naramdaman ang pagod sa katawan niya kaya naman mabilis siyang nakatulog.

Si Yoongi ay hindi mapakali sa mga bagay-bagay, hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya sa mga nangyayari, pero hindi niya alam kung saan siya nalilito kaya mas lalo siyang nalilito.

Naramdaman niya ang kamay ni Jimin sa baywang niya kaya naman napahinga siya ng malalim. Naramdaman niyang mas lalong humihigpit ang yakap nito kaya naman bahagya niyang nilingon pero nakita niyang tulog na tulog ito.

Inalis niya ang kamay ni Jimin sa baywang niya. Hindi niya kasi alam kung papaano titigil yung mabilis na tibok ng puso niya, napapamura na siya sa isip niya dahil hindi na niya macontrol ang nararamdaman niya, pulang-pula ang kanyang mukha at parang sasabog na siya dahil nagkakabuhol-buhol na ang nasa isip niya.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at tiningnan niya ang chat sa kanya ni Jungkook, nabasa niya na sinasabi nito na siguraduhin na niya ang nararamdaman niya, pero no shit. Ayaw niya lang talagang tanggapin na parang nagkakacrush na siya kay Jimin.

Nang makita niyang biglang nag-online si Jungkook ay mabilis niyang chinat iyon.

Min Yoonji: boy, tulungan mo ko.

Jeon Jungkook: 1 am nagpapatulong ka? Saan? Kung about sa midnight boner yan di kita matutulungan, i'm straight.

Jeon Jungkook: oh shit, babae ka nga pala.

Min Yoonji: GAGO! 

Jeon Jungkook: just kidding.

Min Yoonji: magkatabi kasi kami sa kama ni Jimin ngayon

Jeon Jungkook: di ba lagi naman?

Min Yoonji: hindi iba ngayon

Jeon Jungkook: bakit iba?

Min Yoonji: basta iba!

Jeon Jungkook: pano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin

Min Yoonji: mabilis tibok ng puso ko ngayon

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon