"Saan ka pupunta Yoongi?"
Napatingin si Yoongi kay Hoseok, binusuhan ng guilt si Yoongi nang makita niya ang naguguluhang ekspresyon ng mukha nito, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ni Yoongi ngayon, pakiramdam niya isang maling desisyon niya lang mawawala na lahat ng gusto niya.
Kaya naman agad siyang lumapit kay Hoseok at hinawakan ang kamay nito.
"Listen-" natigilan si Yoongi sa sarili niyang sasabihin kaya hinigpitan na lang niya ang pagkakahawak niya sa kamay ni Hoseok, "I'm sorry, i'm really sorry, kapag may nagawa man akong mali or gagawin pa lang na mali."
"What?" Mas lalong naguluhan si Hoseok pero hindi na alam ni Yoongi kung paano siya mag-eexplain.
"Mag-eexplain ako later pero baka may nagawa na akong mali, mapapatawad mo pa ba ko?" Tanong ni Yoongi.
"I don't know, depende." Sabi ni Hoseok.
Napabuntong hininga na lang si Yoongi, "I'm really sorry, pero kaylangan ko na umalis."
Tumango na lang si Hoseok bago niya pinanuod si Yoongi na nagmamadaling lumabas ng bahay. Ilang segundong nakatingin lang si Hoseok sa pinto kung saan lumabas si Yoongi bago siya napatingin sa pagkain na niluto nilang tatlo.
Napakibit balikat na lang, "at least solo ko 'tong pagkain na 'to."
Nang makasakay si Yoongi sa taxi ay mabilis niyang tinawagan ulit si Jin, nakailang tawag pa siya bago ito tuluyang sagutin.
"Bakit?" Naiiritang tanong ni Jin.
"Totoo bang hindi kay Jimin yung anak ni Kiki?" Tanong ulit ni Yoongi.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala? Sinundan nga ni Jennie si Kiki at nakita niya yung ama nung bata na nakikiusap kay Kiki na makipagbalikan sa kanya pero ayaw ni Kiki dahil si Jimin na ang aako nung bata." Paliwanag ulit ni Jin.
"Okay, okay, sinisigurado ko lang." Ani Yoongi, "Siguraduhin mo lang na tama 'yang chismis mo ah."
"Kaylan ba ko nagpakalat ng chismis na hindi totoo?" Sarkastikong tanong ni Jin.
"Malay ko, chismis nga eh." Ani Yoongi. "Pupuntahan ko si Jimin ngayon sa bahay."
"What? Agad agad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jin, "Ano namang gagawin mo? Kokomprontahin mo siya?"
Nang makita ni Yoongi na nasa tapat na siya ng building nila Jimin ay agad siyang nagbayad at lumabas ng taxi, dirediretso siyang naglakad hanggang sa magsalita ulit si Jin.
"Seryoso Yoongi, nasan ka ngayon?" Naguguluhang tanong ni Jin.
"Nasa tapat na ng pinto ni Jimin." Ani Yoongi.
"Seriously?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jin.
Pagbukas ng pinto ni Yoongi-- dahil may susi siya ay bumungad sa kanya si Jimin na nakaupo sa sofa, maraming bote ng alak ang nakakalat sa sahig, napaisip agad si Yoongi kung paano nakainom ng ganun karami agad si Jimin samantalang ilang oras lang naman ang pagitan bago siya sinundan ni Yoongi.
"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ni Jin.
"Magpapakababae." Tipid na sabi ni Yoongi.
Agad nanlaki ang mata ni Jin nang marinig niya yun, napaalis pa siya ng cellphone niya sa tenga para tingnan kung si Yoongi ba talaga ang kausap niya bago niya binalik ang cellphone sa tenga niya nang makita niyang si Yoongi nga yun.
"You serious bro?" Sarkastikong tanong ni Jin.
"Yeah." Nagkatinginan si Yoongi at Jimin.
Medyo nanlaki ang mata ni Jimin nang makita niya si Yoongi pero iniisip ni Jimin na naghahallucinate lang siya sa sobrang kalasingan kaya nakikita niya ang binata.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
