Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin si Yoongi kung bakit hindi siya pinapansin ni Jennie.
Kanina kasi ay nakasalubong niya ang dalaga at hindi man lang siya nito pinansin kahit tinawag niya, maski sila Lisa ay naiilang rin sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagtaka. Napakamot nalang siya sa ulo nya bago siya maglakad patungo sa classroom.
Kakatapos lang kasi ng break time at mag-isa lang siyang kumain dahil nga may bagong girlfriend na naman si Jimin, pero alam niyang hindi rin iyon magtatagal dahil paniguradong kukunin niya ulit ang atensyon nito. Pinagbibigyan lang nya ng konti yung babae.
"Hi..." Napatingin siya kay Hoseok na bigla nalang sumulpot kung saan man.
Shit! Eto na naman siya. Sa isip-isip ni Yoongi.
Awkward na ngumiti si Yoongi bago niya pasimpleng nilagpasan si Hoseok pero mabilis siyang hinawakan nito sa braso, pabebe siyang humarap dito kahit ang totoo niyan ay gusto na niyang sipain ito papalayo sa kanya.
Magkaibigan kasi sila kahit papaano ni Hoseok dati, kaya hindi siya komportable na dinidiskartehan siya nito.
"Uhm, may kagrupo ka na sa project natin sa literature?" Tanong niya sa akin kaya naman napaisip ako.
"Si Jimin--"
"Hindi yun, yung isa? Yung play." Aniya.
"Ahh, wala pa." Sagot ko sa kanya, magkaroon man ako ng kagrupo hindi ako aarte potek nila. Taga-hawak lang ako ng back drop lagi.
"Gusto mo sumali sa grupo--"
"Hi Hoseok, Hi Yoonji."
Bigla kaming natigilan ni Hoseok sa pag-uusap ng biglang pumagitna sa amin si Jimin, naramdaman kong umakbay siya sa akin bago niya ako hinila ng kaunti papalayo kay Hoseok, nakita ko ang pasimpleng pagtingin ni Hoseok sa kamay ni Jimin na nakahawak sa akin bago napataas ng konti yung kilay niya.
Ngumiti siya sa amin dalawa, "Nandyan na pala si Ma'am." Ani Hoseok bago siya naglakad papunta sa upuan niya.
Bored kong tiningnan si Jimin bago ko mabilis ng inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin at padabog akong naupo sa upuan ko.
Simula ng magdiscuss ang teacher namin, di ako nakikinig sa kanya dahil masyadong malayo ang takbo ng utak ko, tuwing natitingin lang siya sa akin ay tumatango ako para kunware ay naiintindihan ko ang sinasabi niya. Dalawang oras ang nakalaan na oras sa subject na 'to para ngayong araw.
Kaya naman ng nasa kalagitnaan ay nagkukwento nalang siya ng talambuhay nya na naging dahilan kung bakit mas dumami ang nakikinig kumpara kanina nung nagtuturo siya. Napairap ako sa kawalan.
Anong pakialam ko kung nagbreak sila ng boyfriend niya dati dahil magpapari ito? Mas lalong anong pakialam ko kung pinagpalit agad siya ng boyfriend niya sa bestfriend niya isang linggo pagtapos nila magbreak.
Pero magturo man siya o magkwento ng buhay niya ay parehong hindi rin naman ako nakikinig so bahala na si batman.
"Ma'am may assignment po tayo!" Biglang sigaw ni Taehyung.
Sabay kaming napalingon ng mabilis ni Jimin sa nagsalita. Aba puta--
"Bakit niya pa binanggit?!" Inis na tanong ko pero sinigurado kong ako lang ang nakarinig noon.
Akala ko ay makakaligtas na ako, wala akong assignment kaya patay na ako.
"Thank you Taehyung, buti pinaalala mo. Muntik ko ng makalimutan." Sabi ni Ma'am bago siya naupo harapan.
Tiningnan niya ang kanyang wrist watch bago siya ngumiti, "May 30 minutes pa tayo." Aniya.
Tiningnan ko rin ang relo ko at nakita kong 10 minutes nalang bago ang sunod na subject, anong 30 minutes?!
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?