"Nasan si Hobi?!"
Napatigil pareho si Jin sa paghuhugas ng pinggan habang si Jennie naman ay napatigil sa pagsubo ng kanyang kinakain na pizza sa lakas ng sigaw ni Yoongi pagpasok pa lang nito ng bahay.
"Who the fuck is Hobi?" Tanong ni Jin bago niya pinasadahan ng tingin si Yoongi mula ulo hanggang paa, "at bakit mukha kang natatae?"
"Si Hobi! Si Hoseok!" Sigaw ni Yoongi.
"Kaylangan ba talagang sumigaw? I mean duh!" Dagdag pa ni Jennie bago niya pinagpatuloy ang naudlot niyang pagsubo ng pizza dahil sa eksena ni Yoongi.
"Nasan si Hoseok?!" Tanong pa ulit ni Yoongi.
"Malamang nasa bahay niya, bakit dito mo hinahanap? Bahay ba niya 'to?" Inis na tanong ni Jin bago siya nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.
"Don't tell me pinauwi mo siya?" Galit na tanong pa ulit ni Yoongi bago siya sumugod kay Jin sa kusina.
Napairap sa kawalan si Jin, "hindi ko siya pinauwi Yoongi, umuwi na siya dahil gabi na at dahil iniwan mo siya dito para puntahan yung lalaki mo."
"What?! Anong lalaki?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.
"Si Jimin, lalaki mo." Sagot naman ni Jin.
"Hindi ko siya lalaki." Dipensa ni Yoongi, bored na napatingin sa kanya si Jin kaya naman napangiwi si Yoongi, "okay fine! Pero hindi ko siya lalaki, he's my... he's my f-friend, you know." Medyo awkward na palusot ni Yoongi.
"Here we go again, friendzoning each other, maganda 'yan Yoongi, deny niyo lang dalawa hanggang sa makabuntis ulit si Jimin." Sarkastikong sabi ni Jin.
"Nuh-uh! Remember hindi kay Jimin ang dinadala ni Kiki, ayy! Wala nga pa lang dinadala." Napatingin pareho si Jin at Yoongi sa sala kung saan nakapwesto si Jennie dahil sa bigla nitong segway.
"Pero it's not about Jimin okay? Where the fuck is Hobi?!" Sigaw ni Yoongi ulit kaya napairap si Jin.
"Kaylan pa naging Hobi ang pangalan ni Hoseok?" Inis na tanong ni Jin.
"Kanina lang, nag-isip ako ng cute na nickname na bagay sa kanya." Nakangiting sabi ni Yoongi kaya naman binigyan siya ni Jin ng nagdududang tingin.
"Why are you so obsess with Hoseok?" Nandidiring tanong ni Jin.
"I'm not obsess!" Giit ni Yoongi, "naiinis lang ako kasi pinaalis mo siya ng bahay na hindi pa ako nakakauwi, sinabi ko ba sa'yong pauwiin mo siya ha? Ang sabi ko pakainin mo lang siya."
"God! Yoongi!" Singhal ni Jin naiirita na sa inaarte ni Yoongi, "umuwi siya kasi umalis ka ng 10 ng umaga, wala kang sinabi sa kanya kung mag-stay dapat ba siyang mag-stay dito o hindi, at idagdag mo pang umuwi ka na ng 10 ng gabi!" Dirediretsong sabi ni Jin sa sobrang inis.
"Then papuntahin mo siya dito." Utos ni Yoongi bago ito nag-cross arms.
Mabilis namang pinunasan ni Jin ang kamay niya bago siya napahawak sa baywang niya na para bang ready na siyang makipag-sagutan kay Yoongi.
"At bakit ko siya papapuntahin dito?" Galit na tanong ni Jin.
"Kasi gusto ko." Giit ni Yoongi kaya napabuga ng hangin si Jin.
"Well, first of all Yoongi wala kang karapatang utusan ako, pangalawa ay hindi mo boyfriend o asawa si Hoseok na pwede mong papuntahan kung kaylan mo gusto, at pangatlo hindi ako tumatanggap ng bisita dahil magmamadaling araw na." Ani Jin.
Napatitig si Yoongi sa kanya ng ilang segundo kaya naman napakunot ang noo ni Jin dahil mukhang wala sa sarili si Yoongi.
"B-Bakit hindi pwedeng pumunta dito si Hoseok?" Tanong pa ulit ni Yoongi.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanfictionSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
