Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

81

6.2K 282 742
                                        

"Papatayin talaga ako ni Yoongi kapag di ako nakauwi agad."

Nagmamadaling binuksan ni Jimin ang bahay nila. Mabuti na lang ay malapit na siya nang magchat sa kanya si Yoongi, pagpasok ni Jimin ay nagmadali agad siya sa tumakbo patungo sa kwarto ni Yoongi, pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang mahimbing itong natutulog kaya naman nakahinga na ng maluwag si Jimin.

Mabuti naman at nakatulog ito, kahit papaano ay mababawasan ang galit nito sa kanya paggising nito.

Akmang lalabas na si Jimin nang kwarto nang bigla siyang nakarinig nang pag-ubo, nakahawak na si Jimin sa doorknob pero hindi niya iyon magawang buksan dahil naestatwa siya sa kinatatayuan niya.

Napalunok siya bago siya dahan-dahang napalingon kay Yoongi.

Halos tumigil ang tibok ng puso niya nang makita niya si Yoongi na gising na, mukhang nagising pa yata niya.

Kaya naman alam na ni Jimin na mas dumoble na ang galit nito sa kanya, kung nagalit ito na nawala siya nung magising ito kanina, mas lalong matindi ang galit nito ngayon dahil nagising pa niya sa pagkakatulog.

"I-uhm, h-hi baby." Awkward na bati ni Jimin bago siya umayos ng pagkakatayo nang makita niyang wala man lang reaction si Yoongi.

Nakatingin lang ito sa kanya nang malamig, kaya naman hirap na hirap siyang napalunok na para bang may malaking bato na nakabara sa lalamunan niya ngayon.

"I-Ilalagay ko lang sa k-kusina yung b-binili kong mga p-pagkain para sa'yo." Awkward na sabi ni Jimin bago siya mabilis na lumabas sa kwarto at naglakad patungo sa kusina, pagdating niya sa kusina ay mabilis niya itong binagsak sa lamesa bago siya napasabunot sa buhok niya.

Napagalit na naman niya si Yoongi, ano nang gagawin niya?!

Panay ang lakad ni Jimin, pabalik balik lang siya dahil nagpapanic na siya at wala siyang maisip na paraan para pagaanin ang loob ni Yoongi.

"Anong ginagawa mo?"

Napatigil si Jimin sa paglalakad at napalingon kay Yoongi na mukhang hindi naman nagagalit pero mas lalo lang kinabahan si Jimin dahil hindi naman niya nahuhulaan kung kaylan nasa punto na si Yoongi na malapit na siyang patayin nito at kung normal lang ba talaga ang ekspresyon ng mukha niya.

"I-I uh-- I-I... uhm, ipagluluto sana k-kita ng pagkain--"

Hindi natuloy ni Jimin ang sasabihin niya nang maramdaman niyang niyakap siya ni Yoongi, pero hindi pa rin nawala ang takot sa kanya dahil iniisip niya na baka may kutsilyo pa lang hawak si Yoongi sa likod niya at sasaksakin na pala siya nito.

"Nakakainis ka..." Mahinang sabi ni Yoongi pero hindi nakasagot si Jimin dahil kinakabahan pa rin siya, kaya naman napahiwalay muna ulit sa yakap si Yoongi bago niya tinignan si Jimin na mukhang natatae.

"Okay ka lang?" Tanong ni Yoongi bago niya hinawakan ang mukha ni Jimin gamit ang dalawang kamay niya para salatin ang temperatura nito, nagtataka si Yoongi.

Habang si Jimin naman ay nakahinga na ng maluwag nang makita niyang walang hawak na kahit ano si Yoongi kaya naman mabilis niya itong niyakap pabalik.

"Akala ko papatayin mo na ko." Halos nanghihinang sabi ni Jimin.

"Baliw, syempre hindi kita papatayin edi mawalan ng ama yung anak ko." Kalmadong sabi ni Yoongi, napataas saglit ng kilay si Jimin, edi kung hindi pala sila magkakaanak ay baka napatay na talaga siya nito.

"Binibiro lang kita..." Anito bago hinawakan ang kamay niya kaya nanlaki ang mata ni Jimin.

Pakiramdam niya ay may kaylangan sa kanya si Yoongi dahil biglang bait ito sa kanya, kaya naman pinanliit niya ito nang mata, nang mapansin ni Yoongi na pinanliliitan siya ng mata ni Jimin ay agad niya itong hinampas sa braso.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon