"Chikinini ba 'to?!"
Napatingin si Yoongi sa tinuturo ni Jimin sa leeg niya, napakunot ang noo ni Yoongi ng makita niya iyon.
"Obvious ba?"
"I told you not to leave hickeys Yoongi!" Singhal ni Jimin habang pinagpapatuloy nya ang pagtingin ng chikinini sa leeg niya, nagdadasal na sana matanggal agad iyon at iniisip na rin kung papaano nya matatakpan iyon.
"Sorry, okay? Tangina, nagka-girlfriend ka lang english speaking ka na." Singhal rin ni Yoongi sa kanya.
"Kaylan ba ako nawalan ng girlfriend?" Sarkastikong tanong ni Jimin ng binitawan niya ang maliit na salamin para harapin si Yoongi.
"Last week, gago." Ani Yoongi.
Napairap nalang si Jimin ng kinuha niya ang damit nya na nakakalat lang sa kama, "Kalimutan mo na yung kagabi Yoongi, lasing tayo okay?"
Napakunot ang noo ni Yoongi, "Ako lang ang lasing kagabi Jimin." Aniya.
Natahimik si Jimin at ayaw ng makipagtalo, ang totoo niyan wala namang nangyari sa kanila kagabi. Pagkatapos ipakilala ni Jimin si Maureen, yung bagong girlfriend niya ay dinala nya ay nagpaalam agad siya dito naihahatid na niya si Yoonji at pumayag naman agad ito.
Si Yoonji na inis na inis sa buhay dahil may girlfriend na naman ang kaibigan niya ay gumawa siya ng paraan, yes. Sinasadya niya na lagyan si Jimin noon para maghiwalay sila ng bago niya, pumayag naman si Jimin dahil hindi naman niya narealize na iyon yung dahilan ni Yoongi.
Bakit pumayag si Jimin? Di ko rin alam, siya tanungin nyo.
Lalabas na sana ng kwarto si Jimin ng biglang nag-inarte si Yoongi.
Ayaw talaga niya ng ideya na may girlfriend si Jimin, sa totoo lang kaya walang tumatagal kay Jimin na girlfriend ay dahil iniisip nilang may relasyon silang dalawa ni Yoongi, kahit noong lalaki pa siya. Dahil literal na inaagaw ni Yoongi ang oras ni Jimin sa mga babae nito.
"So aalis ka na? Uunahin mo pa girlfriend mo kaysa sa akin?" Bitter na sabi ni Yoongi, "Akala ko ba bros before hoes, dude!" Sigaw ni Yoongi kaya naman natigilan si Jimin.
"Hindi yan, bros and no homos tayo, Yoongs." Napabuntong hininga si Jimin, "And pussies before besties." Giit nito.
Natahimik si Yoongi bigla pero ang totoo niyan ay nanggigil na siya, pakiramdam niya ay tinalikuran siya ni Jimin dahil sa babae na panigurado namang sa bar lang niya nakilala. The fuck.
"Ahh, Jimin!" Biglang may naisip si Yoongi kaya napatigil na naman si Jimin.
"What?" Bored na tanong ni Jimin.
"Kung gusto mo pwede kitang tulungan para hindi mahalata ng girlfriend mo 'yan chikinini mo." Ani Yoongi bago siya tumayo sa pagkakaupo niya sa kama, napatingin si Jimin sa damit ni Yoongi kaya naman napangiwi ito.
"Wait-- wala ka bang suot na bra?" Tanong ni Jimin dahil napansin niyang medyo nakabakat iyon sa damit ni Yoongi.
"Wala akong suot na bra kasi wala na rin namang babakat--" Biglang natigilan si Yoongi sa pagsasalita at halos mamula ang buong mukha niya sa ginawa ni Jimin.
Hinawakan ulit iyon ni Jimin kaya mabilis na napayukom ang kamao ni Yoongi, ramdam niya na mayroon ulit siya, nararamdaman niya.
Pero bakit, kaylan at papaano?!
Bago pa niya masagot ng tuluyan ang mga tanong sa isip niya ay mabilis niyang sinapak ng malakas si Jimin sa mukha.
"Ow, shit." Sigaw ni Jimin habang nakahawak sya sa baba niya.
"Kapag nagkablack eye ka sabihin mo sa girlfriend mo na nakipag-away ka, iisipin niya pasa lang rin 'yang chikinini mo, ayos ba?" Sarkastikong sabi ni Yoongi.
"Okay, okay, ouch." Sabi ni Jimin habang hindi pa rin makatingin ng ayos kay Yoongi.
"Gusto mo dagdagan ko pa para mas kapani-paniwala?" Tanong ni Yoongi bago siya umamba ulit ng panibagong suntok pero mabilis na umiwas si Jimin.
"Tama na, tama na." Ani Jimin habang inaayos niya ang pagkakatayo nya.
"Lalabas na ko, magluluto lang ako ng pagkain tapos aalis na ko, pupuntahan ko si Taehyung ngayon." Sabi ni Jimin at tumango lang si Yoongi, nang makalas na si Jimin sa kwarto ay mabilis na nagtatakbo si Yoongi papunta sa banyo at mabilis niyang hinubad ang damit niya.
"Oh shit, oh shit, oh shit." Paulit-ulit na sabi ni Yoongi habang tinitingnan niya ang dibdib niya..
"Puta, eto na naman siya."
Nakila Taehyung ngayon si Jimin, pagkatapos niyang ipagluto ng pagkain si Yoongi ay umalis agad siya sa bahay, nakayuko lang ngayon si Jimin sa lamesa ni Taehyung habang busy naman sa pagbabasa ng libro ang kaibigan niya.
"What's your point, Jimin?"
"Yun na nga Taehyung, kaya ako nag-girlfriend ay para hindi isipin ni Yoongi na may gusto ako sa kanya." Giit ni Jimin bago niya inuntog ang sarili niya sa lamesa pero agad rin siyang nagsisi dahil nadagdagan na naman ang pasa niya sa mukha, sabog pa nga ang nguso niya at may black eye pa siya tapos ngayon mukhang sabog pa noo niya, hays.
"Bakit naman natatakot kang maisip ni Yoongi na may gusto ka sa kanya?" Tanong ni Taehyung bago niya binaba ang librong binabasa niya para harapin si Jimin na mukhang lugmok na lugmok sa buhay niya.
"May gusto ka ba sa kanya?" Diretsahang tanong ni Taehyung na naging dahilan para matahimik ng saglit si Jimin.
"Syempre wala!" Sigaw ni Jimin.
Napataas ang kilay ni Taehyung, "Nagkikita pa ba kayo ni Yoongi? Akala ko ba wala na siya? Paano niya malalaman na may girlfriend ka at importante pa ba yun?" Naguguluhang tanong nito.
Hindi nalang kumibo si Jimin dahil baka mamaya niyan ay mahuli pa siya ni Taehyung na iisang tao lang si Yoongi at Yoonji, mahirap pa naman at matalino si Taehyung...
Pero hindi rin eh, baka kapag nalaman ni Taehyung yun ay pagtawanan lang niya si Jimin dahil iisipin ni Taehyung na sobrang imposible ng sinasabi ni Jimin kaya naman hindi rin siya maniniwala na si Yoongi at Yoonji ay iisa.
Iyon ang nasa isip ni Jimin tungkol kay Taehyung.
Pinagmasdan ni Taehyung ng mabuti ang kaibigan nya na mukhang hindi talaga makakaget-over sa kakaisip sa ginawa niyang paggigirlfriend para lang mapagtakpan yung pagiging maalaga niya masyado kay Yoongi.
"For example, naging babae si Yoongi. Sa tingin mo magiging kayo?" Out of nowhere na tanong ni Taehyung na naging dahilan para mapatingin agad sa kanya si Jimin.
"H-Hindi ko alam, h-hindi siguro." Nauutal na sagot ni Jimin.
"Bakit mo natanong Taetae?" Tanong ni Jimin habang pinagmamasdan niya ang kaibigan niya na muling ibinalik ang atensyon sa binabasa niyang libro.
"Wala naman, napapaisip lang ako kung bakit si Yoongi..."
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?