"Alam kong may alam ka Seokjin."
Napataas ang kilay ni Jin habang nakatingin kay Yoongi na nakatayo sa harap ng bahay niya habang basang basa sa ulan, kulang na lang ay biglang lumabas ang aegis at kumanta para mas lalong maging madrama ang eksena.
"Well, hello rin sa'yo Yoongi. Ang tagal mong hindi nagpakita sa school tapos pupunta ka dito na basang basa sa ulan at bigla na lang magsasabi ng 'alam kong may alam ka Seokjin' sa akin na para bang close tayo?" Sarkastikong tanong ni Jin.
"Tigilan na natin to, alam kong may alam ka, alam kong alam mong hindi ako nawala ng matagal."
"And so?" Napahalukipkip si Jin, nagtataka sa biglang pagsugod ni Yoongi.
"T-Tulungan mo ko..." Naging soft ang mukha ni Yoongi kaya naman mas lalong napataas ang kilay ni Jin, naging interesado siyang bigla.
"O-Oh my gosh! Y-Yoongi?!"
Napalingon bigla si Yoongi at Jin sa babaeng sumigaw, nakita nila si Jennie na nakahawak sa bibig niya habang gulat sa presensya ni Yoongi, "Basang basa ka ng ulan, oh my god! Pumasok ka muna sa loob, kukuha lang ako ng tuwalya."
Nagtatakbo bigla si Jennie papunta sa banyo, napairap sa kawalan si Jin bago siya walang nagawa kundi papasukin sa loob si Yoongi, pero sa loob-loob ni Yoongi ay nagpapasalamat siya sa pagdating ni Jennie dahil kanina pa talaga siya nilalamig sa labas, hindi man lang siya pinapapasok ni Jin.
Bumalik si Jennie na may hawak na tuwalya at mainit na kape, "Magkape ka muna." Aniya bago niya iabot yung tuwalya.
"Salamat." Mahinang sabi ni Yoongi, nahihiyang tumingin sa mata ni Jennie dahil sa dami ng atraso niya dito.
"Kaylan ka pa nakabalik dito? Ang tagal mong nawala, wala man lang nakakaalam kung saan ka nagpunta, ano bang nangyari--"
"Jennie!" Sigaw ni Jin, nagulat si Jennie kaya naman halos mapatalon siya sa pwesto niya. "Pumasok ka muna sa kwarto mo, may pag-uusapan lang kami ni Yoongi."
"Bakit? Bawal ba kong sumali--"
"Ano kasi Jennie, may pagkaprivate kasi yung pag-uusapan namin ni Jin." Sabat ni Yoongi para umalis na ito, ayaw rin naman niya na may iba pang makaalam ng sikreto niya bukod kay Jimin, Jungkook, at pwede rin si Jin.
"O-Okay..." Mahinang sabi ni Jennie bago siya naglakad patungo sa kwarto niya, nang masigurado nilang dalawa na nakapasok na si Jennie sa kwarto niya ay agad napahalukipkip si Jin.
"Anong sinasabi mong alam ko?" Panimula nito.
"Alam kong alam mong--"
"Kanina mo pa sinasabi 'yan, diretsuhin mo ako tutal sabi mo naman alam mong alam ko." Giit ni Jin.
"Alam kong alam mong--"
"Ano ba?!" Sigaw ni Jin.
"Patapusin mo muna kasi ako!" Sigaw pabalik ni Yoongi kaya naman natahimik na lang si Jin.
"Alam kong alam mong ako at si Yoonji ay iisa." Mahina pero mariin na sabi ni Yoongi.
Napataas ang kilay ni Jin at napailing, "Hindi ko alam." Mahinahong sabi nito kaya naman napasinghap ng malakas si Yoongi.
"Alam mo!" Giit ni Yoongi.
"Okay? So what kung alam ko?" Tanong ni Jin.
"Ibig sabihin alam mo kung paano ako naging babae at bumalik sa pagiging lalaki?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.
Napahinto saglit si Jin at para bang nagprocess pa sa utak niya ang sinabi ni Yoongi hanggang sa unti unting nanlaki ang mata nito at napahawak sa bibig niya sa sobrang gulat.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?
