Ang tagal bago magbreaktime tapos ayaw magpalabas ng prof nila, kaya naman nang matapos ang klase ay iniwan na niya si Hoseok sa classroom at nagtatakbo sa pinakamalapit na banyo ng lalaki.
Nagmamadali niyang binuksan ang zipper ng pantalon niya at nang magsimula na siyang umihi ay pakiramdam niya ay nabunutan na siya ng tinik.
Paglingon niya sa gilid niya ay napadouble look pa siya dahil si Jimin ang katabi niya. Mabuti na lang at hindi bumaba ang tingin niya dahil baka isipi nito na ang weird niya. Nagkatinginan silang dalawa bago sila sabay na nag-iwas ng tingin sa isa't isa.
"Bakit hindi ka pumasok sa 1st subject?" Tanong ni Yoongi.
Medyo nabigla si Jimin dahil hindi niya inexpect na kakausapin siya nito.
"Na-late ako ng gising." Simpleng sagot ni Jimin.
"Ah, bago yata yun. Lagi kang maaga sa klase eh."
"Oo nga eh."
Nang matapos si Jimin ay sinarado na agad niya ang zipper niya at naglakad siya sa may sink para maghugas ng kamay.
"Balita ko kay Hoseok ka daw nakatira ngayon?" Ani Jimin habang nakatingin siya sa repleksyon ni Yoongi sa salamin.
"Oo, kakalipat ko lang" Sagot ni Yoongi bago niya sinarado rin ang zipper niya ng makatapos na siya, naglakad rin siya patungo sa sink, para sana maghugas ng kamay pero biglang pumasok si Hoseok sa banyo.
"Nandyan ka lang pala Yoongi, kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Hoseok bago siya lumapit kay Yoongi at inakbayan ito.
"Uy Jimin, hi!" Ngumiti si Hoseok sa kanya at ngumiti naman pabalik si Jimin pero halatang pilit lang iyon.
"Di pa ko nakakapaghugas ng kamay Hoseok." Ani Yoongi kaya naman agad napabitaw si Hoseok kay Yoongi, natawa naman ng bahagya si Yoongi dahil sa naging reaksyon nito kaya sinubukan niyang hawakan si Hoseok pero mas lalo lang itong lumalayo.
"Yak! Yoongi naman, mahal kita pero maghugas ka muna ng kamay." Natatawang sabi ni Hoseok.
Hindi na nabigla si Yoongi sa sinabi ni Hoseok dahil matapos nitong umamin sa kanya ay masyado na itong naging open sa kanya lalong lalo na tungkol sa pagkakagusto nito. Although walang nakakaalam noon bukad sa kanya, kay Hoseok, kay Jin, at ngayon ay pati si Jimin dahil nasa tabi lang nila ito.
Naghugas ng kamay si Yoongi kaya naman agad umakbay si Hoseok sa kanya. "Anong lulutuin natin mamaya pagkauwi?" Tanong nito.
"Kahit ano na lang, mamimili ka ba mamaya?" Tanong ni Yoongi habang pinupunasan niya ang kamay niya.
Wala naman ito sa dalawa kasi pakiramdam nila normal lang yun sa magkasama sa bahay na magtanungan ng kakainin mamaya pero kay Jimin iba ang dating noon, kaya naman kahit kanina pa siya tapos maghugas ng kamay ay nanatili muna siyang nakatayo sa pwesto niya para makinig sa usapan ng dalawa.
Hindi niya rin alam kung bakit niya ginagawa yun.
Pero may nararamdaman siya at hindi maganda yung nararamdaman niya.
Kasi masakit.
"Mamimili tayo mamaya-- oh! Jimin!" Napatingin si Hoseok kay Jimin. "Sama ka sa amin mamaya, magluluto kami ni Yoongi, punta ka sa amin! Alam mo naman yung apartment ko di ba?" Pag-aya ni Hoseok.
Napatingin si Yoongi kay Jimin, pinipilit niyang maging casual dito kaya tumango na lang si Yoongi na para bang sumasang-ayon siya sa suggestion ni Hoseok pero ngumiti lang ng pilit si Jimin.
"May gagawin kasi ako mamaya, baka hindi ako makapunta, sige mauna na ko." Nagmamadaling lumabas si Jimin ng banyo kaya naman nagkatinginan si Hoseok at Yoongi.
"Inaaway mo ba si Jimin?" Tanong ni Hoseok kay Yoongi.
"Bakit ko naman aawayin si Jimin? Baka stress lang yun sa pagiging soon to be tatay." Sabi ni Yoongi bago niya pinunasan ang kamay niya sa uniform ni Hoseok, agad nanlaki ang mata ni Hoseok at tinulak siya nito.
"Yoongi!" Sigaw ni Hoseok sa sobrang gulat niya kaya naman natawa ng malakas si Yoongi at nagsimula ng magtatakbo palabas ng banyo para takasan si Hoseok.
Pero habang tumatakbo siya ay nakita niya sa peripheral vision niya na hinila ni Jungkook si Jimin patungo sa locker room kaya napahinto siya. Nang maabutan siya ni Hoseok ay napatingin lang rin sa kanya ito dahil napansin ni Hoseok ang nag-aalalang mukha ni Yoongi kaya hinanap niya kung saan ito nakatingin pero wala naman siyang makita.
"Hoseok mauna ka na sa room, may pupuntahan lang ako."
"Bakit?" Tanong ni Hoseok.
"Basta, susunod na lang ako." Sabi ni Yoongi.
"Okay..." Sabi ni Hoseok bago nagsimulang maglakad patungo sa classroom.
Dahan-dahang pumasok si Yoongi sa locker room para tingnan kung nandoon nga ba si Jimin at Jungkook, walang masyadong tao kaya napakunot ang noo ni Yoongi.
Hanggang sa nakarinig siya ng malakas na kalabog at sigaw. Mabilis na nagtatakbo si Yoongi para hanapin ang dalawa.
"Tangina Jungkook! Ano bang ginagawa mo?" Sigaw ni Jimin habang tinutulak niya si Jungkook papalayo sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Yoongi nang makita niya ang eksena.
"Jungkook! Huwag! Ano ba! Tigilan mo na 'to!" Sunod-sunod na sigaw ni Jimin habang pilit siyang pumipigla kay Jungkook tinutulak siya sa mga locker habang hinahalikan nito ang leeg ni Jimin.
Kaya naman mabilis na nagtatakbo si Yoongi para itulak niya papalayo si Jungkook kay Jimin na halatang naguguluhan sa nangyari.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Yoongi kay Jimin.
Kahit naguguluhan si Jimin ay tumango lang siya, napatingin silang pareho kay Jungkook na nakangiti sa kanilang dalawa.
"Jungkook! Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng rape sa ginawa mo?" Sigaw ni Yoongi kay Jungkook kaya naman agad itong naguluhan.
"Rape? Tinanong ko siya kung pwede ko siyang halikan." Sabi ni Jungkook kaya naman napakunot ang noo ni Jimin.
"Dude, akala ko binibiro mo lang ako, malay ko bang seseryosohin mo?" Inis na sabi ni Jimin kaya naman napairap sa kawalan si Yoongi bago niya tiningnan ng masama si Jimin.
"Believe me, akala ko nagbibiro lang siya." Giit ni Jimin kay Yoongi na halatang hindi natutuwa sa ginawa ni Jimin.
"Pumayag ka naman pala." Mapait na sabi ni Yoongi bago ito naglakad papaalis.
Napasinghap ng malakas si Jimin dahil hindi niya inexpect na sasabihin ni Yoongi yun, kaya naman tiningnan niya ng masama si Jungkook. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ni Jimin kay Jungkook.
"Pumayag ka, kasalanan mo pa rin yun." Giit ni Jungkook.
"Pero sinabi mo lang yun, akala ko nagbibiro ka lang." Inis na sabi ni Jimin.
"Ang problema kasi sa'yo pumapayag ka sa lahat ng sinasabi sa'yo tapos kapag kakaharapin mo na yung consequences, magtataka ka." Sumbat ni Jungkook kaya natahimik si Jimin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jimin kay Jungkook pero nginitian lang siya nito.
"Ang ibig kong sabihin kumilos ka mag-isa, hindi yung nagpapakatuta ka sa mga sinasabi sa'yo ni Taehyung." Deretsahang sabi ni Jungkook bago niya nilagpasan si Jimin, sinasadya niyang banggain ito sa braso bago naglakad palabas ng locker room.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?