"Bakit ayaw mo maghubad?"
Nilubog ni Yoongi ang nguso nya sa tubig bago siya nagbuga ng hangin doon para maglobohan ang tubig.
"Kasi naiilang ka kamo di ba kapag nakahubad ako." Sagot ni Jennie.
"Ayos lang naman sakin Jennie kahit maghubad ka na ng damit, gusto ko maging komportable ka kaya hubarin mo na yan." Giit ni Yoongi.
"Mas gusto kong maging komportable ka kaya hindi ko 'to huhubarin."
"Ayos nga lang! Maghubad ka na!"
"Hindi ayos eh! Naiilang ka nga kaya hindi ako maghuhubad. Naiintindihan ko naman Yoonji, wag kang mag-alala. Dapat maging komportable ka kasi bisita kita." Aniya habang dahan-dahang tumatabi sa akin para maglublob na rin sa bath tub.
Napanguso nalang ako. Badtrip naman.
Tahimik lang kami habang nakalublob kami sa bath tub, walang nagsasalita sa aming dalawa, hanggang sa bigla nalang siyang nagsalita para basagin ang katahimikan.
"Sa tingin mo may pag-asa akong magustuhan ng kapatid mo?" Tanong ni Jennie kay Yoongi.
Muntik ng masamid si Yoongi sa sarili nyang laway bago siya napatingin kay Jennie na natawa sa reaksyon ni Yoonji sa sinabi niya.
"What? Ganoon ba kaimposibleng magustuhan ako ng kapatid mo?" Natatawang tanong ni Jennie.
"No..." Mahinang sagot ni Yoongi.
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Jennie dahil hindi niya narinig ng maayos ang sinabi ni Yoonji sa kanya.
"I mean di naman ganoon kaimposibleng magustuhan ka ni Yoongi, baka may gusto na yun sa'yo matagal na." Paliwanag niya.
"Uhh, pero never pa kaming nag-usap. Lagi siyang lumalayo kapag nakikita niya ako, para bang ayaw niya sa akin--"
"Baka nahihiya kasi gusto ka rin niya." Diretsahang sagot ni Yoonji kahit alam niyang delikado ang ginagawa niya, dahil baka hindi na siya bumalik sa pagiging lalaki, wala rin namang saysay kung papaniwalain niya si Jennie na may gusto siya dito noong lalaki pa siya.
"Lagi akong nagpapansin sa kanya pero hindi pa rin niya ako napapansin." Napabuntong hininga si Jennie, "Bakit ang manhid ng kapatid mo?"
Napakagat sa labi si Yoonji dahil hindi niya alam kung anong sasagot niya, kung titingnan ang eksena ay pinagtatanggol niya ang sarili niya.
Gusto niya sanang sabihin kay Jennie na pareho lang silang manhid pero hindi niya magawang sabihin iyon, para bang may pumipigil sa dila niya.
"Naalala ko noong nagpadala ako ng confession letter sa kanya, hindi man lang siya sumagot, napakarude niya!" Biglang binalibag ni Jennie ang toy duck niyang nakalutang sa tubig.
"W-What?" Nagtatakang tanong ni Yoongi kasi wala naman siyang natanggap na kahit anong confession letter.
"Sobrang effort kong makipagkaibigan kay Jimin noon, kinain ko na lahat ng hiya ko at kaba ko para lang ipabigay yung sulat na yun kasi matagal ko ng gusto si Yoongi pero pakiramdam ko isinawalang bahala niya lang yung nararamdaman ko, kahit man lang sana sinabi niya sa akin na hindi niya kayang suklian yung nararamdaman ko pero yung hindi man lang siya nagreply sa akin--"
"Wait, wait, wait! Kanino mo pinabigay?" Tanong ni Yoonji na nakapagpatigil sa pag-burst out ni Jennie.
"Kay Jimin." Napayuko nalang si Jennie.
Natigilan si Yoongi, kay Jimin?
Biglang nagflash back sa utak ni Yoongi yung araw na... nakita niyang may inabot si Jennie kay Jimin na letter bago ito nagtatakbo papalayo sa kanilang dalawa.
Sinundan ni Yoongi ng tingin si Jennie dahil pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga, simula sa pagkakahawi nito ng buhok niya para mai-ipit sa likod ng tenga niya at ang magalang na pagyuko nito sa kanila bago ito nagtatakbo ng mabilis sa sobrang hiya.
"Bro, ano yan? Bakit may inabot sa'yong ganyan si Jennie? Para saan yan?" Curious na tanong ni Yoongi habang pilit niyang tinitingnan ang tinatago ni Jimin na sobre sa likod niya.
"W-Wala 'to." Sagot ni Jimin.
"Ano nga 'yan, sus! Mamaya niyan tinatraydor mo na ko, nililigawan mo na si Jennie kahit alam mong may gusto ako sa kanya. Makakatikim ka ng suntok sa akin, ahas ka." Pabirong sabi ni Yoongi pero sa mga oras na yun iniisip ni Jimin na totoo yung banta na yun.
"L-Love letter yata 'to." Sagot ni Jimin kaya naman natigilan si Yoongi.
"H-Hah?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi.
Kahit na mahilig silang dalawa ni Jimin sa babae at kung sino-sino ang mga nakakalandian niya ay isa lang talaga yung babaeng gusto niya, at si Jennie Kim yun.
Pinakita ni Jimin kay Yoongi ang ang hitsura ng sobre, bukod sa mga sticker na hearts na kulay pink ay halata mo ng love letter ito dahil sa maliit na naka-cursive na 'From: Jennie' at may nakadrawing pa ulit na heart sa gilid noon.
"Pinapabigay ni Jennie sa'yo?" Mahinang tanong ni Yoongi.
"Hindi, pinapabigay ni Jennie kay Taehyung." Anito.
"Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi, narinig naman niya yung sinabi ni Jimin pero ayaw magsink in sa utak niya kaya gusto niyang maulit iyon.
"Pinapabigay ni Jennie kay Taehyung-- pero kung gusto mong basahin, eto..." Inabot ni Jimin yung kay Yoongi pero tinanggihan ni Yoongi.
"Gago, di ako masokista. Bakit ko naman babasahin pa yan." Inis na sagot ni Yoongi.
Napakagat sa labi si Jimin bago siya napatingin sa likod kaya naman napatingin rin si Yoongi doon, nakita niya si Jennie na nakatago sa likod ng pintuan. Malayo sa kanila kaya hindi niya maririnig ang pinag-uusapan nung dalawa.
Napairap nalang sa kawalan si Yoongi bago niya hinila si Jimin papuntang canteen.
"Gagong Jimin yun ah!" Sigaw ni Yoongi bigla.
"Hoy, wag mo namang sabihang gago si Jimin." Giit ni Jennie.
"Bakit pinagtatanggol ba mo yun." Iritadong sabi ni Yoongi habang nakayukom na ang kamao niya niya pero hindi kita dahil nasa ilalim iyon ng tubig.
"Mabait naman kasi talaga siya, kumpara sa class president namin mas mabait talaga si Jimin. Sobrang maalalahanin rin niya." Paliwanag ni Jennie.
"He's not like that, sa school lang siya ganyan pero gago talaga yun sa totoo lang." Sagot ni Yoongi, hindi niya sinisiraan si Jimin, nagsasabi lang sya ng totoo.
Alam naman ni Yoongi na masyadong mabait ang tingin ng mga tao kay Jimin, pero kapag magkasama silang dalawa at silang dalawa lang. Ibang iba ito.
"Hindi naman, ang bait nga niya eh. Kaibigan ko rin si Jimin, ano ka ba! Kaya alam ko ugali niya." Paliwanag ni Jennie.
"Bahala ka nga, maniwala ka sa gusto mong paniwalaan." Sagot ni Yoongi habang nakahalukipkip na siya sa ilalim ng tubig.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawang pagsisinungaling sa kanya ni Jimin, ano namang mapapala niya kung magsinungaling siya di ba? Bakit di niya sinabi na para sa kanya iyon at hindi para kay Taehyung.
"Alam mo minsan naiisip ko, sobrang maaalalahanin ni Jimin. Noong kinabukasan nga pagtapos kong ipabigay yung letter sa kanya ay pumunta agad siya sa akin at humingi ng tawad sa akin."
"Sus!" Hindi nalang makapagsalita si Yoongi kasi kahit ano mang oras ay sasabog na siya sa galit.
"Actually, ayos lang naman sa akin na hindi ako nagustuhan ni Yoongi. Tanggap ko naman na yun." Sagot ni Jennie.
"Akala ko kaya ka nakikipagkaibigan sa akin ay dahil gusto mong tulungan kita sa kapatid ko." Nagtatakang tanong ni Yoongi.
Napangiti si Jennie sa kanya.
"Parang ganoon pero hindi eksaktong ganoon." Natatawang sabi nito kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi.
"Magpapatulong ako sa'yo para sa kaibigan mo..."
Mas lalong naguluhan si Yoongi.
"...kay Jimin, crush ko si Jimin."
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
أدب الهواةSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?