Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

14

9.9K 650 1.5K
                                        

"Bakit ka galit? Titi ka ba?"

Napairap si Yoongi bago akmang lalagpasan si Jimin ng hawakan sya nito sa braso.

"Bakit ayaw mong sagutin kung saan ka galing?" Galit tanong nito, napataas ng kilay si Yoongi bago siya napatingin sa galit na galit na si Jimin.

"Gahd, Jimin! Galing lang ako kila Taehyung!" Inis na sagot ni Yoongi.

"Kila Taehyung? As in Taehyung na best friend ko?" Tanong ni Jimin.

"Ako ang best friend mo." Napairap sa kawalan si Yoongi, "at oo, may iba ka pa bang Taehyung na kilala?"

"Bakit naman napunta ka dun?"

"Ano namang pake mo?" Medyo naiinis na si Yoongi kakatanong ni Jimin.

"Kasi dito ka nakatira sa condo ko, natural na mag-alala ako sa'yo! Ayaw mo pang sagutin tawag at mga text ko." Aniya.

"Alright, alright." Pagsuko ni Yoongi, "Naalala mo group project kay Mrs. Song? Yun ang dahilan kung bakit ako nakila Taehyung, tinapos naming lahat ngayon plus! Hindi lang ako ang nandoon, marami kami." Giit nito.

Napa-"tsk" nalang si Jimin bago nya tinalikuran si Yoongi pero bago sya tuluyang makapag-walk out ay bigla syang napahinto.

"Kumain ka na ba? Kapag hindi pa may pagkain dyan sa kusina." Ani Jimin bago tinuloy ang pagwowalk out.

Napabuntong hininga nalang si Yoongi bago nya sinarado ang pinto at pumunta sa kusina para tingnan ang pagkain kahit ang totoo ay kumain na siya kila Taehyung, napabuntong hininga ulit si Yoongi ng makita nya yung niluto ni Jimin na halata mong pinag-effortan ng sobra.

Napabalik ang tingin niya sa kwarto kung saan padabog na pumasok si Jimin kanina, bago siya napakibit balikat nalang at naupo.

Kinain niya yung niluto ni Jimin kahit na busog na busog na siya at... hindi masarap yung lasa.

Nang matapos siyang kumain ay pumasok na siya sa kwarto, napatingin sya sa buong paligid pero wala si Jimin, nakarinig sya ng bumabagsak ng tubig kaya alam na nyang naliligo si Jimin.

Natigilan si Yoongi sa pag-upo sa kama ng makita nyang nakabukas ang maliit na notebook.

8.) Go home early. No. Fucking. Excuses.

Napairap si Yoongi sa kawalan ng mabasa nya iyon.

Napatingin si Yoongi sa kabubukas lang na pinto sa banyo, kaya naman mabilis nyang kinuha yung damit nya at yung napkin nya dahil sya naman ang sunod na magshashower.

"Nakakain ka na?" Tanong ni Jimin kay Yoongi.

Napa-angat ang tingin ni Yoongi kay Jimin, kaya naman biglang natulala ang dalaga *ehem* dalaga ng makita nya yung basang basa na katawan ni Jimin.

Nakatapis lang sya ng tuwalya kaya naman kitang kita nya ang bawat pagbagsak ng mga tubig sa *ehem* abs nito.

"Ang sarap." Mahinang sabi ni Yoongi.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Jimin dahil sa biglang salita ni Yoongi.

"A-Ang sarap nung niluto mo." Namumulang sabi ni Yoongi.

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon