Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

30

8K 490 439
                                        

"Dude papunta ng sex 'to eh."

Napatingin ng masama si Jimin sa isang lalaking nanunuod ng live sa facebook, nasa labas pa sila Yoongi at hirap makalabas si Jimin dahil sa dami ng taong nagsiksikan sa pintuan dahil pinapanuod sila, lasing na lasing na ang karamihan at nakakarindi rin ang lakas ng musika na mas lalong nakakapagpagalit kay Jimin.

Hindi siya mapakali at hindi niya alam kung saan siya dadaan, hindi naman siya katangkaran kaya halos matapakan na siya ng mga tao.

"Bwisit! Bwisit!" Sigaw ni Jimin habang hinahawi niya ang mga lasing na lasing na tao, kanina nga na may tinulak siyang isang lasing na lasing ay bigla itong tumama sa dingding kaya nakatulog nalang bigla.

Nang tuluyan ng makalabas si Jimin ay mabilis niyang hinanap si Yoongi, nakita niya itong nakasandal sa gilid habang nakikipag-make out kay Jennie.

Base palang sa galaw ng dalawa ay halata mo ng lasing na lasing ang dalawang ito, napakunot ang noo ni Jimin dahil hindi naman madaling malasing si Yoongi, pwede nalang kung sinagad na talaga nito. Kaya lang sa ikli ng oras na nawala sya ay hindi naman siguro ganoon kadami ang nainom niya, di ba?

"Yoonji!" Sigaw ni Jimin pero hindi siya narinig nito dahil sa ingay ng musika at ingay ng mga nagkakantyawang tao.

"Aish!" Mabilis na nagtatakbo si Jimin patungo dito bago niya hinila sa braso si Yoongi papalayo kay Jennie.

Sabay-sabay na na disappoint ang mga taong nananunuod, lahat sila ay iniisip na KJ si Jimin pero as if namang may pakialam si Jimin sa iiisipin ng mga tao sa kanya, simula nung naging class president siya tanggap na niyang KJ ang tingin sa kanya ng mga tao.

Halos matalisod si Yoongi sa lahat ng dinadaanan niya, kaya naman parang hinihila nalang talaga siya ni Jimin dahil hindi na siya makapaglakad ng ayos sa sobrang pagkahilo. 

Napatigil si Jimin sa paglalakad ng marealize niyang wala na siyang hinihila dahil naiwan na niya si Yoongi na nakahiga. Mabilis niya itong binalikan bago niya binuhat para maidala patungo sa kanyang kotse.

Hingal na hingal si Jimin maisandal na niya si Yoongi sa kotse niya, ngayon ang kaylangan nalang niyang gawin ay buksan ang kotse at ipasok si Yoongi doon.

Pero natigilan siya ng biglang nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan ng maramdaman niyang nasa loob ng white shirt niya ang kamay ni Yoongi. 

Dahan-dahan siyang napatingin doon bago siya napatingin sa lasing na lasing na si Yoongi na dalawang ibang ginawa kundi hipuan siya.

"Really Yoongi? Really?" Sarkastikong tanong ni Jimin.

Kung normal na araw lang 'to ay baka kinakatuwa pa niya ang ginagawang panghihipo sa kanya ni Yoongi pero hindi eh, lasing ito. Tsaka naiinis pa rin siya sa ideyang nakipaghalikan ito kay Jennie. As in inis na inis talaga siya.

Mabilis niyang inalis ang pagkakahawak ni Yoongi sa kanya at akmang ipapasok na ito sa kotse niya ng bigla siynag hilahin ni Yoongi.

"Saglit lang Jiminie, maya na tayo umuwi please?" Pabebeng sabi nito kaya naman napapikit ng mariin si Jimin bago niya hinawakan ang kamay ni Yoongi na pumipigil sa kanya.

"At bakit mamaya pa tayo uuwi?" Tanong ni Jimin.

"Gusto ko... Inom... Party... Sayaw... Ikaw." Wala sa sariling sabi ni Yoongi kaya naman biglang natigilan si Jimin.

"A-Anong gusto mo?" Pag-uulit pa nito para marinig ng ayos.

"Gusto ko sayaw ikaw." Parang bata ng sabi ni Yoongi habang pinaglalaruan ang hem ng white shirt ni Jimin.

Mabilis na napangiwi ang binata sa sanabi ni Yoongi.

"Tss, uuwi na tayo." Inis na sabi nito bago niya sapilitang pinasok sa loob si Yoongi, bago siya nagmamadaling umikot para makapasok naman siya sa kabila. 

"Ayaw! Ayaw!" Parang bata na sigaw ni Yoongi habang pinapadyak niya yung mga paa niya.

"Yung totoo?! Naka-drugs ka ba?!" Sigaw ni Jimin habang pinipigilan niya ang paa ni Yoongi na pumadyak dahil nababasa yung kotse niya.

Tumingin sa kanya si Yoongi na parang bata bago siya sinibian nito, para siyang isang kuting na inaapi. Napatitig sa kanya si Jimin, nagsisimula ng magbago ang isip ng binata dahil sa nakakaawang mukha ni Yoongi. 

"Okay, okay!" Pagsuko ni Jimin, "Iinom tayo sa bahay, magpaparty tayo sa bahay, sasayawan kita sa bahay!" Giit nito.

Dahan-dahang napangisi ng kakaiba si Yoongi sa ideyang sasayaw si Jimin sa bahay pero mabilis niyang itinago yung ngisi nya. 

Hinubad ni Jimin ang white shirt niya kaya naman mabilis na napatingin si Yoongi sa kanyang katawan, pasimple niyang pinagmamasdan ito kaya naman ng nakita siya ni Jimin ay bigla itong na-awkwardan.

"Jeez, Yoongi. Wag ka na ngang iinom ulit, kinikilabutan ako sa'yo." Anito bago niya inabot ang damit niya kay Yoongi.

"Suot mo 'yan, papanik lang ako sa taas. Kukunin ko mga gamit ko, babalikan kita dito." Aniya.

"Ayaw, makikita ng mga babae katawan mo." Anito kaya naman napakunot lalo noo ni Jimin habang nagpipigil ng ngiti. 

"Nakaganyan ka lang kasi tapos nakabukas yung aircon-- oh sige, papatayin ko nalang yung aircon at bubuksan ko yung bintana, basta wag kang aalis ha. Dito ka lang, babalikan kita." Anito.

Mabilis siyang hinawakan ni Yoongi sa braso bago pa siya makalabas, "Dito ka lang, bukas mo nalang balikan yun." Anito.

"Hindi pwede, Yoongss. Nandoon yung cellphone ko, babalik ako dito promise. Saglit lang." Aniya bago sya lumapit kay Yoongi para halikan ito sa noo. 

Lasing si Yoongi kaya alam niyang paggising nito ay hindi na nito matatandaan ang ginawa niya kaya naman sinusulit na niya ang pagkakataon na meron siya. 

Binuksan ni Jimin ang bintana ng kotse, aalis na sana siya ng may marealize siya nung pinasadahan nya ng tingin si Yoongi.

"Yoongs." Tawag ni Jimin kaya naman napatingin sa kanya si Yoongi, dahan-dahan lumapit si Jimin sa kanya bago nito pinunasan ang labi nito gamit ang kanyang hinlalaki.

"Please, ayokong nakikita kang may kahalikan na iba." Ani Jimin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Yoongi.

"Okay?" Tanong pa ulit nito kaya naman wala sa sariling tumango si Yoongi, para bang napapasunod siya ni Jimin kapag gantong lasing siya. Although hindi naman talaga ganoon karami ang nainom niya at nasa tamang pag-iisip pa siya.

"Good." Anito bago niya mabilis na hinalikan sa labi si Yoongi dahilan para mabilis itong pumikit at yinakap siya, napakunot ang noo ni Jimin dahil ang plano niya ay dampian lang sa labi si Yoongi pero hinihila siya nito papalapit sa kanya.

Dang! Malapit na siguro 'tong magkaroon. Sa isip-isip ni Jimin.

Napasinghap si Yoongi ng maramdaman niya yung kamay ni Jimin sa dibdib niya, natigilan siya ng makita niyang tumingin si Jimin doon bago ngumisi at tuluyan ng umalis sa harapan niya, iniwan siyang gulat sa nangyari.

Napatingin siya sa dibdib niya ng makita niyang meron na naman iyon, mabilis siyang napayakap sa sarili niya bago niya naramdaman ang unti-unting pamumula ng buong mukha niya habang pinapanuod ng tumatawa si Jimin habang naglalakad papalayo.

Natigilan si Yoongi sa panunuod kay Jimin sa paglalakad ng makita niyang papalapit si Jin sa kanya, napakunot ang noo ni Yoongi pero umarte siya ng normal.

Nang maramdaman niyang sa kanya nga papalapit si Jin ay mas lalo siyang kinabahan hindi niya alam kung bakit.

"Hey, nabalitaan ko yung ginawa nyo ng pinsan ko." Anito kaya naman napaiwas ng tingin si Yoongi lalo na ng dumungaw talaga ito sa bintana ng sasakyan.

"Nakita ko rin yung ginawa nyo ni Jimin." Dagdag pa nito.

Mabilis na napatingin sa kanya si Yoongi ng masama, bakit ba nakikialam 'to?! sa isip-isip ni Yoongi.

"I just want to tell you na hindi ang pagpapanggap na lasing ang sagot sa mga tanong mo." Sassy na sabi ni Jin bago bigla nalang nag-walk out.

Biglang natulala si Yoongi ng marinig niya ang sinabi nito.

"P-Paano niya nalaman na hindi ako l-lasing?"

Things You Need To Do When You're A GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon