Nagising si Yoongi ng maramdaman niyang gumalaw ang kama niya kaya naman mabilis siyang napalingon sa gilid niya at nakita niya ang matalik niyang kaibigan na nakahiga sa tabi niya habang nakangisi na para bang alam na niyang lilingon si Yoongi sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Papaano ka nakapasok dito? Di ba sabi ko sa'yo wag ka ng pupunta dito." Malamig na sabi ni Yoongi.
"Baka nakakalimutan mong may susi ako ng apartment mo?" Mas lalong lumawak ang ngisi ni Jimin ng makita niyang bumalik na naman ang resting bitch face ng kaibigan niya.
"Kapag di ka pa umalis dito pagbilang ko ng tatlo sisipain kita palabas ng apartment ko." Banta nito.
"Isa." Pagbilang ni Yoongi pero mas lalo lang humilata si Jimin sa kama niya.
"Dalawa." Mariin na sabi nito pero pinikit na ni Jimin ang mata niya.
"Tatlo!" Sigaw na nito pero bigla nalang siyang hinila ni Jimin ay niyakap siya habang nakahiga sila sa kama niya.
"Bitawan mo nga ako pandak! Manyak!" Tinutulak siya ni Yoongi papalayo sa kanya pero mas lalong ginaganahan si Jimin na yakapin siya at wag bitawan hanggang sa tuluyan itong mainis sa kanya.
Minsan talaga ay gustong-gusto niyang sinasagad yung pasensya ni Yoongi dahil mas lalo niyang nakikita na hindi siya kayang tiisin nito.
"Ayoko, sabihin mo muna sa akin na papayagan mo na kong pumunta sa apartment mo."
"Argh! Ano ba! Nasa apartment na nga kita tapos gusto mo pa ng permiso ko! Kahit naman sabihin kong wag kang pumunta pupunta ka pa rin! Baliktad kasi utak mo." Singhal ni Yoongi pero natawa lang si Jimin sa kanya bago siya nito binitawan sa pagkakayakap.
"Nakaayos na lahat ng gamit mo at yung ibang damit mo, gusto mo rin bang palitan na natin ng pink 'tong kwarto mo?" Biro ni Jimin.
"Subukan mo! Mas lalo kitang papaliitin." Banta nito.
"Wow, nagsalita ang matangkad, sa totoo nga niyan ay mas malaki na ako sa'yo ngayon kaya kapag tinawag mo kong pandak mas pandak ka na pero sabagay dati ay 1cm lang naman ang angat mo sa akin, at isa pa hindi naman talaga ako pandak, mas malalaki lang talaga yung mga kaklase natin sa akin." Pagdedepensa pa niya sa sarili niya.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Yoongi bago siya tumayo na sa kama at iniwan doon si Jimin na naghihimutok dahil lang sa salitang pandak.
Dumiretso si Yoongi sa ref para kumuha ng makakain pero nakasunod agad sa kanya si Jimin, "Hindi ka ba nagsusuklay ng buhok?" Tanong ni Jimin kay Yoongi.
Kaya naman inangat ni Yoongi ang ilang buhok niya para tingnan iyon, "Hindi naman siguro kaylangan magsuklay kahit nasa bahay ka, wala namang makakakita sa akin." Bored na sabi ni Yoongi.
"Bakit? Para sa iba ka ba magpapaganda, hindi para sa sarili mo? At isa pa madalas akong pumunta dito kaya nakikita ko pa rin na di ka nagsusuklay."
"Ikaw lang naman yung makakakita sa akin, tanggap mo naman ako kahit hindi ako nagsusuklay, dati nga pumupunta ka dito ng hindi pa ko naliligo ng tatlong araw anong nangyari? May nagbago ba sa tingin mo sa akin?" Sarkastikong tanong nito.
"Sabagay, pero kahit na! Kaylangan mo pa rin magsuklay." Aniya.
Napairap sa kawalan si Yoongi ng makita niyang kinuha na naman ni Jimin ang notebook kung saan niya sinulat yung listahan.
4.) Brush your hair.
Hindi makapaniwala si Yoongi na talagang isinama pa iyon ni Jimin, ang totoo niyan ay ang pinakaobvious na katangian ni Yoongi ay tamad, kaya naman tamad na tamad siyang suklayin ang buhok niya.
Pakiramdam tuloy niya ay kaylangan niyang maging masipag kapag babae siya dahil napakaraming ginagawa ng mga babae. Ngayon ay medyo naiintindihan na niya kung bakit ang tagal ng mga babaeng maggayak at ang tagal rin ng mga ito sa restroom.
"Oh ayan, nilagay ko siya sa list kaya dapat magsuklay ka na, kaylangan mo yun ng hindi madry ang buhok mo at hindi rin iyan masira." Paalala ni Jimin.
"Bakit ba napakarami mong alam sa pangbabae? Naging babae ka na rin ba?" Sarkastikong tanong ni Yoongi sa kanya pero natawa agad si Jimin.
"Talaga lang alam ko yung ginagawa ng mga normal na babae dahil madami na akong kaibigang babae at hindi kasi ako katulad ng iba diyan na pagkatapos ikama ay kinabukasan hindi na kilala." Parinig ni Jimin sa kanya.
"Kahit papaano ay nakikipagkaibigan pa ako sa kanila pagkatapos, at minsan dumodoble ako kapag willing talaga sila, bakit hindi di ba?" Nakangising tanong pa nito.
"Kadiri ka Jimin, pwede bang wag mong sabihin sa akin 'yan kung gusto mong kumana ng kumana umalis ka sa apartment ko at maghanap ka ng mga pakawala sa kalsada." Iritadong sabi ni Yoongi habang naghahanda siya ng makakain niya.
May pa na hindi nagbago kay Yoongi, iyon ang yung matulis na tabas ng dila niya, masyado siyang diretsong magsalita, hindi niya alam yung salitang dapat ifilter dahil sasabihin niya kung ano mismo ang nakikita niya at nasa isip niya.
"Ohhh, nagsalita ang kalinis-linisan sa lahat. Sa pagkakatanda ko mas malala ka pa sa akin dati, tapos ngayong naging babae ka lang parang naiintindihan mo na yung mga nararamdaman nila ah?" Ani Jimin.
Natahimik si Yoongi, napaisip tuloy siyang bigla kung papaano kung hindi siya naging babae. Baka hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tinitigilan ni Jimin ang gawain nilang dalawa, I mean si Yoongi lang, dahil ginagawa pa rin ni Jimin ang mga gawain nila ni Yoongi.
Hindi na kumibo si Yoongi dahil abala na siya sa pagkain, si Jimin naman ay pinapanuod lang ang kaibigan na kumakain, hindi man lang siya inalok nito.
Well, hindi naman talaga siya inaalok nito kahit nung lalaki pa sya dahil kusa na siyang kumukuha ng pagkain sa ref ni Yoongi ng hindi iyon tinatanong, sadyang nag-eexpect lang Jimin na medyo magbabago na ang ugali ni Yoongi at magiging normal na babae na ito at aalukin siyang kumain kasama niya.
Pero kahit naman maging babae si Yoongi ay si Yoongi pa rin iyon, hindi pa rin naman mababago ang ugali niya, ang pisikal na katawan lang ang mababago sa kanya at pati na rin ang mga nangyayari sa mga normal na babae pero hindi siya.
Dahil kung sino na siya noon ay iyon pa rin naman siya ngayon.
Kaya naman kahit nagtatampo si Jimin ay isinantabi niya iyon, wala rin naman siyang magagawa kaya naman kinuha nalang nya ang suklay sa gilid at lumapit siya kay Yoongi, habang kumakain si Yoongi ay sinusuklay na siya ni Jimin.
Bahagyang napatigil si Yoongi sa pagkain nang maramdaman niya ang kamay ng kaibigan niya sa buhok niya, kalaunan ay pinagpatuloy nalang ni Yoongi ang pagkain niya at hinayaan si Jimin na suklayin ang maiksing buhok niya.
Total ay tamad rin naman siya kaya hinayaan na niyang ibang tao nalang ang gumawa noon para sa kanya.
"Wala pa naman akong bagong girlfriend, dapat palitan mo yun eh." Biro ni Jimin sa kaibigan niya.
"Bakit ko naman papalitan? Inutusan ba kitang makipaghiawalay? At saan naman ako hahanap ng papalit sa girlfriend mo." Sarkastikong sabi pa nito.
"Hindi mo naman kaylangan maghanap, di mo naman kaylangan lumayo."
"Magtigil ka Park Jimin kung ayaw mong mabalian ng buto."
Natawa nalang si Jimin at pinagpatuloy nalang niya ang pagsusuklay sa buhok ni Yoongi.
BINABASA MO ANG
Things You Need To Do When You're A Girl
FanficSikretong malupet, pwedeng pabulong? Papaano kung yung kaibigan mong lalaki ay bigla nalang humingi ng tulong sa'yo dahil nawawala ang kanyang ari? Anong gagawin mo?