57

5K 339 274
                                    

"Anong nangyari sa'yo?"

Nag-angat ng tingin si Yoongi sa taong nagsalita, bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Hoseok, napangiwi siya ng bahagya dahil hindi naman sila ganun ka-close para i-close niya ang mukha nila sa isa't isa, kaya lumayo si Yoongi.

"As if namang hindi mo pa nababalitaan." Malamig na sabi ni Yoongi bago niya nilagpasan si Hoseok.

"Right." Ani Hoseok bago siya biglang sinundan nito, "Tara! Gamutin natin 'yan." 

Hinawakan siya ni Hoseok sa wrist niya kaya naman nabigla si Yoongi, agad niyang iwinakli ang kanyang kamay kaya nagulat si Hoseok sa ginawa niya.

"Hindi ko kaylangan ng tulong mo, salamat na lang." Medyo naiinis nang sabi ni Yoongi bago siya naglakad sa ibang direksyon pero mabilis siyang hinabol ni Hoseok at hinawakan ulit siya sa kamay.

Binalingan niya ng masamang tingin si Hoseok pero bumungad lang sa kanya ang nakakasilaw nitong ngiti, kaya naman nawala ang masamang tingin niya dito at napalitan iyon ng walang ekspresyon.

"Nah, ako yung tutulungan mo." Nakangiting sabi nito bago siya hinila nito kaya naman panay ang pagpapabigat ni Yoongi.

"Ayoko nga sabing sumama sa'yo." Nanggigil ng sabi ni Yoongi.

"Ah basta! Malapit lang dito yung apartment ko." Hinila siya ni Hoseok kaya naman wala ng nagawa si Yoongi kundi ang magpatangay kay Hoseok.

Kahit masama ang loob ni Yoongi ay wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob ng apartment nito tutal nandito na rin naman siya at pagod na siyang makipagtalo pa.

"Maupo ka muna dyan, kukunin ko lang yun first aid kit ko sa banyo." Ani Hoseok bago niya iniwan si Yoongi na nakaupo sa sofa niya.

Pagbalik niya ay napansin niyang panay ang tingin ni Yoongi sa buong bahay niya.

"Hindi ko alam na mayaman ka pala." Mahinang sabi ni Yoongi.

"Hindi ako mayaman, yung magulang ko lang." Natatawang sabi ni Hoseok bago siya naupo sa tabi ni Yoongi. "Ayoko rin naman na umaasa sa kanila, gusto ko ngang magtrabaho ayaw naman akong payagan." Pagkwento ni Hoseok habang hinahanda niya ang bulak.

Dahan dahan niyang dinampi iyon sa labi ni Yoongi pero bago pa yun madikit sa labi ni Yoongi ay lumayo na siya.

"Dude, hindi natin gagawin yung katulad ng mga eksena sa tv, that's weird." Nagpapanic na sabi ni Yoongi.

Natigilan saglit si Hoseok dahil sa sinabi ni Yoongi hanggang sa natawa siyang bigla bago siya napatango tango habang tumatawa, "Right." Natatawa pa rin na sabi nito bago niya inabot ang bulak kay Yoongi.

"Ikaw na lang maglagay sa sugat mo." Inabot ni Hoseok iyon pero napatingin lang si Yoongi dun.

"Di ba yan mahapdi?" Tanong ni Yoongi, medyo nag-aalangan.

"Ako na kasi, kaya nga kita pinapunta dito." Sabi ni Hoseok bago niya kinuha ulit ang bulak kay Yoongi.

"Correction, pinilit, kinaladkad, walang pahintulot." Giit ni Yoongi kaya naman natawa na lang si Hoseok.

"Magdodoctor ako." Sabi ni Hoseok bago siya nagtaas baba ng kilay kay Yoongi.

"Seryoso?" Nag-aalangang tanong ni Yoongi, hindi kasi niya alam kung nagbibiro ba 'to o seryoso dahil nakangiti pa rin.

"Seryoso yun, kaya kapag nasasaktan ka ulit lapit ka lang sakin." Natatawang sabi nito bago siya nagsimulang lagyan ng gamot ang sugat sa labi ni Yoongi.

Pero lumayo ulit ng bahagya si Yoongi, "Dude--"

Bago pa makalayo ng tuluyan si Yoongi ay hinila siya ni Hoseok papalapit sa kanya.

"Relax Yoongi, hindi ko gagawin yung mga napapanuod mo sa drama, di ko alam na nanunuod ka pala ng mga ganun."

"Hindi naman ako nanunuod noon, si Jim--" Napatikom si Yoongi ng labi nang mag-angat ng tingin sa kanya si Hoseok, "Yung kasama ko bahay madalas manuod ng drama kaya napapanuod ko na rin." 

"Okay?" Medyo awkward na sabi ni Hoseok bago niya pinagpatuloy ang pagdampi ng bulak sa labi ni Yoongi. 

Nanatili sila sa ganung pwesto, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, for sure hindi naawkwardan si Hoseok pero Yoongi ay medyo naawkwardan na. Lalo na ang sinasakop na ng katahimikan ang apat na sulok ng apartment ni Hoseok.

At tuluyan na siyang nilamon ng lupa nang magsimulang magsalita ulit si Hoseok.

"Bakit hindi na lang ikaw ang sumama sa akin sa prom?" Panimula nito.

"D-Dude..." Tuluyan ng lumayo si Yoongi kaya naman natawa ulit si Hoseok dahil sa reaksyon ni Yoongi.

"I mean wala si Yoonji, wala akong kasama sa prom, ikaw na lang ang pumalit sa kanya samahan mo ko sa prom?" Nagtaas baba ng kilay si Hoseok kaya naman napangiwi si Yoongi.

"Pareho tayong lalaki, t-that's weird." Nag-iwas ng tingin si Yoongi.

"So what? Pupunta lang naman tayong dalawa ng magkasama, teka... May date ka ba?" Tanong ni Hoseok habang nililigpit na niya ang mga gamit.

"W-Wala naman..." Sagot ni Yoongi habang tinitingnan niya ang labi niya sa salamin.

"Good! Tayo na lang dalawa, okay?" Ngumiti sa kanya si Hoseok bago ito naglakad papunta sa banyo para ibalik ang first aid kit, pinanuod lang siya ni Yoongi na naglakad patungo sa banyo.

Napabuntong hininga si Yoongi nung tumalikod ito, ano na naman ba itong pinasok niya?

"Dito ka na kumain ng hapunan." Sabi ni Hoseok nung lumabas na siya ng banyo.

"Hindi na, malamang hinihintay na ko ni Jin sa bahay." Sabi ni Yoongi kahit wala naman talagang pakealam si Jin sa kanya.

"Magkasama kayo ni Jin sa bahay?" Gulat na tanong ni Hoseok.

"Oo, nakikitira lang muna ako." 

"Di ba kasama nya rin si Jennie sa bahay?" Tumango na lang si Yoongi bilang sagot sa tanong ni Hoseok.

"Kasya kayong tatlo? May extra room ako dito, if ever na kaylangan mo ng malilipatan pwede naman sa akin muna, malaki rin naman 'tong apartment ko." Suhestyon nito pero umiling agad si Yoongi.

"Hindi ko naman kaylangan pa ng malilipatan, okay naman si Jin na sa kanila muna ako makitira." Kasinungalingan, nabubwisit na sa kanya si Jin minsan dahil ang tamad niya.

Tumango si Hoseok bago ito naglakad patungo sa kusina, "Dito ka na kumain ha, ako na magsasabi kay Jin na dito ka kakain."

"Hindi na--"

"Hindi ako tumatanggap ng hindi kapag nag-aaya akong kumain sa amin, dyan ka lang magluluto lang ako saglit." Naglakad si Hoseok patungo sa ref at pinanuod naman siya ni Yoongi.

"Marunong ka magluto?" Tanong ni Yoongi, gulat dahil hindi niya inexpect na marunong ito ng gawaing bahay.

"Bakit ako magluluto kung hindi ako marunong? At isa pa ang tagal ko ng nakatira mag-isa dito, malamang kahit hindi ako marunong dati ay matututo ako dahil kaylangan ko, pero wag ka masyadong mag-expect ah, marunong lang ako pero hindi magaling." Sabi ni Hoseok bago magsimulang ihanda ang mga ingredients.

"Ganun ba yun? Bakit si Jim--" Tumigil ulit si Yoongi sa pagsasalita nang marealize niyang magsisimula na naman siya sa pagbanggit sa lalaki.

"Huh?" Hindi narinig ni Hoseok ng maayos ang sinasabi ni Yoongi.

Umiling lang si Yoongi bago ito ngumiti at tumayo sa pagkakaupo niya, "Tulungan na kita dyan." 

"Marunong ka rin magluto?" Gulat na tanong ni Hoseok.

"Anong akala mo sa akin? Mag-isa lang rin ako dati sa apartment ko." Natatawang sabi ni Yoongi bago niya tinulungan si Hoseok sa pagluluto.

Nagsimula silang magkwentuhan tungkol sa mga simpleng bagay na napagsamahan nilang dalawa dati kahit hindi sila ganun kaclose habang nagluluto silang dalawa, dun na kumain si Yoongi.

Sobrang dami nilang pinagkwentuhanan kaya naman hindi na nila namalayan ang oras.

Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon