28

7.1K 472 337
                                    

"Pool party, huh?" Tanong ni Yoonji sa sarili niya habang tinitingnan nya ang buong paligid.

Wala man lang nakapag-inform sa kanya sa pool party iyon kaya naman naka-pants siya at itim na leather jacket habang naka-sneakers. Tiningnan niya ng masama si Jimin na nagwawala na ngayon sa pool, magkasama lang sila sa bahay pero hindi man lang sinabi sa kanya.

Inirapan niya ito bago siya pumasok sa loob ng bahay ni Namjoon, napansin niya na malaki naman ang bahay nito at mukhang anak mayaman pero bakit hindi siya marunong mag-toothbrush.

Nakita ni Yoonji si Jennie kaya naman mabilis itong napangiti.

"Jennie!" Sigaw ni Yoonji bago siya nagtatakbo patungo dito pero ng makita siya ng dalaga ay mabilis itong nag-iwas ng tingin kaya naman naguluhan si Yoonji.

"Jennie..." Pagtawag ulit ni Yoonji pero hindi pa rin siya pinapansin nito hanggang sa hinawakan na siya sa braso.

"Ano ba?!" Sigaw ni Jennie bago niya tiningnan ng masama si Yoonji na naguguluhan.

"Iniiwasan mo ba ko? Galit ka ba?" Tanong ni Yoonji ng mapansin niya ang pagkairita ni Jennie sa kanya.

Inirapan lang siya nito kaya mas lalong naguluhan si Yoonji. 

"May ginawa ba kong masama--"

"Wala! Wala kang ginagawa pero may hindi ka sinabi!" Sigaw ni Jennie, "Hindi ko alam kung pinagtitripan mo lang ba ako o ano, pero bakit hindi mo sinabi sa akin na may relasyon kayo ni Jimin?" 

"Wait, what?!" Napakunot ang noo ni Yoonji, "Wala kaming relasyon! What the hell?!" Sigaw nito pabalik kaya naman halos nagtitinginan na ang ibang tao sa kanila.

Bahagyang naging malumanay ang mukha ni Jennie, "P-Pero sabi niya." Anito.

Natigilan si Yoonji bigla, "S-Siguro sinabi niya lang yun k-kasi sinabi ni... ni Yoongi! Tama, sinabi ng kapatid ko sa kanya na huwag daw akong hayaang mag-boyfriend, k-kaya pinagkakalat ni Jimin na... m-may relasyon kami, pero wala. Wala talaga, panakot lang niya yung sa mga lalaki pero walang lumapit sakin." Pagsisinungaling nito.

Nitong mga nakakaraan ay nagiging pro na si Yoonji sa pagsisinungaling.

"Talaga?" Tanong ni Jennie na parang nahihiya sa mga sinabi niya.

"Oo, promise." Anito, "Pero may girlfriend talaga si Jimin, pero hindi ako ah." Dipensa nito.

"Teka, ano? May girlfriend siya?" 

"Oo, sobrang arte." Ani Yoonji habang hinahawi niya ang buhok ni Jennie, "Nakakairita, tapos alam mo ba? Narinig ko nung nakaraan na parang sinisiraan ka niya sa mga kaibigan niya." Pagsisinungaling pa ni Yoonji. 

"S-Sino yun?" Tanong ni Jennie.

"Si Maureen." 

"Ahh, that bitch." Gigil na sabi ni Jennie ng maalala niyang minsan na niya itong nakasagutan ng sa dati nitong boyfriend na nagkakagusto sa kanya kahit na hindi naman iyon pinapansin ni Jennie ay sinisisi pa rin siya nito.

"Nakakairita no? Di naman maganda, maputi lang." Chismis pa ni Yoonji, sinasadya nyang siraan si Maureen para may makasama siya sa oras na pagtripan niya yung higad na yun, pero di niya inexpect na talagang may inisan na si Jennie at Maureen.

"Pero teka nga, bakit ba nakaganyan kang damit?" Tanong ni Jennie ng makita niya ang suot ni Yoonji.

"Di naman kasi ako nainform." Anito. Medyo inis dahil nagmumukha siyang tanga, kahit man lang sana nakapag suot siya ng malaking white shirt, shorts at flip flops hindi yung ganto.

"Uhh, pero may extra akong dala. Gusto mo?" Tanong ni Jennie.

Napakunot ang noo ni Yoonji ng maisip niya kung anong sinasabi ni Jennie, bumaba ng tingin ni Yoonji kay Jennie na naka-one piece swimsuit na kulay neon pink. 

"No." Mabilis na sabi nito.

Biglang natigilan si Yoonji at Jennie ng makita nilang dalawa si Jimin na pumapasok sa loob ng bahay habang naka-akbay kay Maureen na naka-two piece na halos wala ng suot.

Pareho silang napatingin ng masama sa dalawa, "Two piece ba yung dala mo?" Wala sa sariling tanong ni Yoonji at tumango si Jennie.

Sabay na lumabas si Yoonji at Jennie ng bahay para magtungo sa pool, maniwala man kayo o sa hindi pero nakasuot ng isang pastel pink na may lining na black si Yoonji. Pero dahil nahihiya siya sa pinagsusuot niya ay may nakabalot pa rin na tuwalyang puti sa kanya.

Hindi niya maisip kung bakit niya naisipang magsuot ng ganto. 

"Ay wait lang, hinahanap ako ni Lisa." Sabi ni Jennie bago siya nag-paalam kay Yoonji, ayaw sana niya na iwan siya nito dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya pero wala na, iniwan na siya nito at naiwan na siya mag-isa sa gitna.

Lalo pa at nakita niya si Jimin na nakikipagharutan na naman sa girlfriend niya, hindi man lang siya nito pinapansin kaya mas lalong naiinis si Yoonji, kahit nasa bahay sila ay hindi rin siya pinapansin nito, kahit ang totoo ay nagpapapansin siya. 

Kaya ang nangyari ay hindi na rin siya pinansin ni Yoonji, mataas rin kasi ang pride nito at ayaw niyang magbaba ng pride.

"Yoonji!" Tawag ni Hoseok kaya naman napatingin sa kanya ito.

"Nandyan ka pala, kanina pa kita hinahanap." Anito. Ngumiti lang si Yoonji sa kanya.

Napatingin si Hoseok sa  tuwalyang ni Yoonji bago ito napakunot ang noo, "Wala ka pa bang sunblock kaya di mo matanggal yung tuwalya?" Tanong nito sa kanya.

Napatingin si Yoonji kay Jimin ng maramdaman niya ang titig nito sa kanya, bahagyang napangiti si Yoonji bago siya nagbalik ng tingin kay Hoseok, "Oo eh. Pwede mo ba kong lagyan?" Tanong nito ng makita niya ang sunblock sa kamay ni Hoseok.

"L-Lagyan? Sure." Ani Hoseok. 

Mabilis na naupo si Yoonji sa gilid bago niya tinanggal ang tuwalya niya, biglang natigilan si Jimin mula sa malayo ng makita niyang nakaswimsuit ito, napaisip tuloy siya kung papano nalaman ni Yoongi na pool party ito.

At saan nya nakuha ang maliit na telang iyon!?

Napalunok si Jimin ng biglang pumasok sa isip nya ang imahe na lalaking si Yoongi na nakatwo piece kaya naman mabilis niyang sinampal ang sarili niya para mawala sa isip iyon. Biglang namula ang buong mukha niya kaya naman nilublub nya ang kanyang sarili sa pool. 

Bakit siya nagsuot ng ganoon?! Ang hirap alisin sa isip ni Jimin dahil siya lang naman ang may alam na lalaki talaga siya. 

Siya ang naiilang para kay Yoongi.

Umahon si Jimin mula sa ilalim ng tubig para makasagap ng hangin, hinawi niya ang kanyang basang-basa na buhok gamit ang kanyang kamay, hindi niya alam na pinagmamasdan siya ni Yoongi mula sa malayo.

Nang magtama ang kanilang paningin ay mabilis na nag-iwas ng tingin si Yoongi

Habang si Jimin naman ay mas lalong tumagal ang tingin sa kanya ng makita nito ang kamay ni Hoseok sa hinahaplos ang kanyang balat.

Mabilis na napayukom ng kamao si Jimin bago siya nagmamadaling umahon sa pool at mabilis na naglakad patungo kay Yoongi. 


Things You Need To Do When You're A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon