Chapter 1

9.8K 212 17
                                    

Rica's POV.

Bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapanaginipan ko na naman ang masamang panaginip. Hindi ko alam pero paulit-ulit ko na lang napapaniginipan ang pangyayaring ‘yon.

Ang pangyayaring hindi ko alam kung totoo o gawa lang ng malikot kong isipan.

"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!" Lagi na lang. Kapag napapanaginipan ko ‘yon biglang sumasakit ang ulo ko.

Hindi naman totoo ang panaginip, kaya binabaliwala ko na lang dahil ang panaginip na 'yon ay imposibleng mangyari sa totoo buhay.

Nakahawak ako sa ulo ko at pinilit na maglakad papunta sa banyo. Gusto kong maligo, para mawala ang sakit ng ulo ko.

Ginawa ko na lahat ng morning rituals ko. Nagsuot din ako presentable at kumportableng damit matapos maligo dahil kailangan kong pumasok sa trabaho.

Nagtatrabaho ako bilang isang chef sa restaurant na ibinigay sa akin ng lolo ko. Hindi naman 'yon gano'n kalaki at kasikat na restaurant, sapat lang para magkaroon kami kita na tutustos sa pang-araw-araw naming pangangailangan.

Nang matapos ako sa pagtali ng buhok ko, aalis na sana ako sa harap ng salamin pero napansin kong naging kulay berde ang kulay ng mata ko. Ilang beses akong kumurap at kinusot ang mga mata ko. Nang dumilat ako...

"Mukhang guniguni ko lang." Lumabas na ako ng kwarto ko at kinalimutan ang nangyari kanina. Imposible naman na maging kulay berde ang mata ko.

Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko kaagad si lola na nagtatahi. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Ano'ng ginagawa ng mahal kong lola?" malambing kong tanong.

"Tinatahihaan kita ng diyaket. Laging gabi ang uwi mo at wala ka man lang dalang panlamig. Kaya ito, ginagawan kita." Napangiti naman ako sa sinabi ni lola.

"Ang sweet naman ng lola ko, kaya mahal na mahal kita." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap.

"Pumunta ka na sa kusina, baka tapos nang lutuin ng lolo mo ang almusal mo."

"Ikaw lola? Hindi ka pa po ba kakain?" tanong ko.

"Mamaya na, tatapusin ko muna ‘to."

"Sige po, puntahan ko lang po si lolo." Tinanguan lang ako ni lola at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Pumunta ako sa kusina at doon ko nakita si lolo na naghahain ng almusal namin.

"Ako na po." Kinuha ko sa kamay ni lolo ang mga pinggan. "Dapat tinawag n'yo po ako sa kuwarto ko para natulungan po kita rito. Dapat nga po ako na ang nag-aalaga sa inyo ni lola."

"Kaya ko pa naman apo, ayaw rin namin ng lola mo na maging pabigat sa 'yo. Marami ka ng inaasikaso kaya hayaan mo na kami ng lola mo na tulungan ka kahit dito sa mga gawaing bahay lang."

"Lo' naman! Kahit kailan po hindi ko inisip na pabigat kayo ni lola. Mahal na mahal ko po kayo at nagpapasalamat po ako na kayo ang nakakuha sa 'kin."

"Mahal na mahal ka rin namin apo, kahit na—"

"Kahit na hindi n'yo po ako tunay na apo." Natahimik kamig dalawa. Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakapagsalita muli. "Pero kahit na gano'n pinaramdam n'yo pa rin sa 'kin ang pagmamahal na kailangan ko, sobra-sobra pa nga po." Hindi nagsalita si lolo. Mukhang may inaalala na naman siya. "Tatawagin ko lang po si lola." Nilisan ko na ang kusina at pinuntahan si lola.

Sinabi ko na sabay-sabay na kaming kumain, buti na lang tapos na siya sa kaniyang tinatahi kaya sabay na kaming pumunta sa hapag-kainan.

Tahimik lang kaming kumakain sa hapag-kainan at tangging ang pagtama lang ng kubyertos sa plato ang naririnig ko. Patapos na akong kumain nang magsalita si lolo.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon