Mukhang sa pagkakataong 'to hindi napako ang pangako ni Liam. Hindi ko lubos akalain na mabilis niyang tutuparin ang pangako niya.
Kanina lang nag-aya siyang bumalik sa mundo ng mga tao na mabilis namang sinang-ayunan ng mga bata. Dinala niya kami sa isang sikat na mall at binili ang lahat ng gusto namin. 'Yong mga bata, tuwang-tuwa sa ginawa ng papa nila. Mukhang bumabawi na nga talaga si Liam.
Ngayon naman, pupunta kami sa isang sikat na beach resort na pag-aari daw ni Liam. Hmm, I didn't know na may beach resort pala 'tong mokong na 'to.
Kasama namin sa pagpunta sina Val, Ain, at kuya Zack. Pati na rin ang mga kaibigan ni Killiav at Killiam na sina Sandara, Trisha, MJ at Theodore. Request ng mga bata na kasama 'yong mga dada at mga kaibigan nila, kahit ayaw ni Liam wala siyang nagawa. Na-miss siguro ng mga bata 'yong dada nila at gusto 'ata nilang maka-bonding ang mga kaibigan nila.
"Kainis talaga." Bulong ni Liam na ikina-iling ko. Nasa tabi ko ngayon si Liam at siya ang nagdri-drive. Kanina pa siya bulong nang bulong, hindi niya matanggap na kasama ang mga dada ng mga bata at hindi niya kami masosolo ng mga bata. Hahaha, kawawa naman siya.
"Tumigil ka nga d'yan, Liam. Mamaya marinig ka ng mga bata." Pabulong kong sita sa kaniya.
"This should be a family bonding." Iritadong bulong niya. Well it is, masyado lang talaga siyang selfish kaya iniisip niya na hindi 'to family bonding. "May magagawa ka ba para mawala 'tong inis na nararamdaman ko?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
Gigil siya, eh.
"Chocolate? You want?" I asked.
"No," he answered.
"Food?"
"No."
"Blood?"
"No."
"Kiss?"
"No—" Bigla siyang napamulagat at gulat na tumingin sa akin. "Seryoso ka ba?"
"Papa! Tumingin ka po sa daan! Mababangga po tayo!" 'Agad namang tumingin sa daan si Liam. Huh! Wala ka pala kay Killiav, eh.
"Sorry baby. Sige na, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo." Makahulugang tumingin sa akin si Liam, and then he mouthed 'later'. Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Tahimik na kami ngayon. Busy ang mga bata sa likod dahil may kaniya-kaniya silang pinagkakaabalahan. Tanaw ko na ang dagat mula sa labas ng bintana, siguro ilang minuto na lang makakarating na kami sa aming pupuntahan.
"Mama." Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Killian na tinawag ako. I darted a question look at her. "May nakalap po akong impormasyon tungkol kay Hevianna." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalang 'yon. Ang pangalan ng tunay kong ina.
"Ano ang mga impormasyong 'yon?" Mabilis kong tanong.
May kung anong tinipa si Killian sa kaniyang laptop. Matapos ng kaniyang pagtitipa, ibinigay niya sa akin ang laptop.
"Nakasaad diyan kung saang dungeon ipinatapon si Hevianna. Dungeon of Deaths, 'yon ang pangalan ng dungeon. Pero makalipas ang tatlumpu't dalawang taon, nakalaya na si Hevianna at hindi na nila alam kung nasaan na siyang ngayon," paliwanag ni Killian. "May nakapagsabi na si Quetzylto ang huling nilalang na pinuntahan ni Hevianna nang makalabas siya sa Dungeon of Deaths." Ibinalik ko sa kaniya ang laptop niya matapos kong mabasa ang mga naka-type roon.
"Saan ko pwedeng matagpuan 'yang si Quetzylto?" tanong ko. Kung siya ang huling nilalang na pinuntahan ng tunay kong ina, baka may naikuwento sa kaniya si Hevianna. Baka nga may impormasyon siya o alam niya kung nasaan ngayon ang tunay kong ina.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...