Chapter 20

3.4K 107 13
                                    

Killian's POV.

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa aming lahat matapos magsalita ni Killiam. Nagpapakiramdaman lang kaming lahat at tila hindi alam kung ano ang dapat na sabihin.

"Ahm..." Nabaling ang atensyon naming lahat kay Killiav. "I think we should introduce our self to... Ahm..." Tiningnan ni Killiav si Killiam. "Please kuya." Killiav do her puppy eye-look. Naku po! Lagot ka na Killiam.

"K-Killiav..." Napaatras si Killiam. I know that he will do what Killiav's wanted. "F-Fine!" Sabi na, eh. Hindi matitiis ni Killiam si Killiav lalo na kapag nag-puppy eye na si bunso. Too bad for Killiam, buti na lang hindi tumatalab sa akin ang paawa effect ni Killiav. "I'm Aldryn Harry Laurent Killiam Nightblood. Ang panganay na anak ni mama Killy. Just call me Killiam." Walang emosyong pakilala ni Killiam.

"I'm Allish Harra Lauran Killian Nightblood. Ang pangalawang anak ni Mama. Killian ang madalas na itawag sa akin." Wala gana kong pagpapakilala. Kailan kaya matatapos ‘to? Gusto ko nang mag-training. Mas mag-e-enjoy ako sa training room o kaya naman sa Higera Forest kaysa rito sa lugar na ‘to.

"Hi Papa! I'm Almony Harris Lauren Killiav Nightblood. Just call me cutie—I mean Killiav." Killiav introduced herself enthusiastically.

Sa aming tatlo, parang si Killiav ang hindi nagalit kay Papa. Siya rin ang tumulong kay Mama para mabilis makapag-move on.

Napatingin kaming lahat kay Mama nang hawakan niya si Killiam sa braso at ipakilala pa kami ng lubos. "Killiam is a half demon and half vampire. Mabilis siyang natututo ng mga bagay-bagay. May isang salita siya. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga, hindi mo siya mapipilit. He reminds me of you Liam, malamig ang pakikitungo niya sa iba pero katulad mo may tinatago rin siyang sweetness.

"Si Killian, half demon at half wolf. Mana sa akin ang batang yan. Alam mo naman siguro ang ugali ko, Liam. Sa kanilang tatlo masasabi ko na si Killian talaga ang bihasa sa pakipaglaban. Maliit pa lang yan marunong nang humawak ng nakamamatay na armas. Mahilig siya sa street fights at gang fights. Suplada yan at laging nakataas ang kilay.

"Si Killiav, hindi pa tukoy kung ano ang dugong dumadaloy sa katawan niya. Pero ang sabi ni Dad sa akin, may dugong tao raw si Killiav. Mabait si Killiav at mapagmahal, hindi siya mahilig sa patayan. Ayaw niya rin sa mga away at—" Napatigil si Mama sa pagpapaliwanag at napatitig sa binti ni Killiav. "What happened to you? Bakit puro pantal ‘yang binti mo?!" tanong ni Mama at umupo pa para malapitang makita ang mga pantal ni Killiav sa binti.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon