Killian's POV.
Hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko 'yong parusa sa 'min ni mama. Hindi ako makapaniwala-No! Ayoko talagang paniwalaan.
"What now?" Napatingin ako kay Killiam at nag-iwas muli ng tingin.
This is all my fault!
"Sa tingin n'yo ba gusto ni Mama na mapalapit tayo kay papa? Kasi di ba, puwede naman siyang magbigay ng ibang punishment pero bakit 'yon pa? Baka gusto na talaga ni Mama na mabuo ang pamilya natin," sabi ni Killiav.
"Sa tingin ko hindi." Kontra ni Killiam. "Alam ni mama na ayaw natin kay papa. Ginawa niya 'yon para pahirapan tayo." Naramdaman kong bumaling ng tingin sa akin 'yong dalawa. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo Killian? Bakit ka nakipaglaban kay Papa?"
"Gusto kong matakot siya sa akin. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi siya welcome sa pamilya natin." I still have plans. Sigurado akong magiging successful 'yon kapag malapit siya sa akin.
"Ate, please stop it," ani Killiav. "Alam kong galit kayo ni kuya kay Papa pero hindi naman 'ata maganda kung-"
"Kung ano Killiav?" Matalim ko siyang tiningnan.
"Ate naman... Nag-aalala lang naman ako, baka kung ano ang mangyari sa 'yo. Ayokong may nasaksaktan sa inyo, mahal ko kayo ni kuya, eh."
"Maingat ako, alam ko ang ginagawa ko. Kapag sumuko na si Papa saka ko lang ititigil ang mga planong tumatakbo sa isip ko."
"Kumusta naman si papa?" tanong ni Killiam.
Napakunot ang noo ko. "Why the hell are you asking me? Pakialam ko naman sa kaniya." I roll my eyes.
"What I mean is how's the fight? Is he good?"
I tsked. "He's not good. He's a pro."
"A pro?" Killiam asked.
"Yeah. I shouldn't underestimate him. Ang galing niyang humawak ng espada, mas magaling pa siya sa akin at aminado ako roon. Ang dami niyang alam na techniques. I wonder if he's also good at hand to hand combat." Sword and hand to hand combat is my main.
"'Yong pagsipa niya sa 'yo? Malakas ba?" tanong ni Killiav.
Umiling ako. "Hindi niya nilalabas ang buo niyang lakas kaya nga nainis ako sa kaniya."
"Bakit ka naman naiinis kay papa? Ayaw ka lang niyang saktan." Natigilan ako sa sinabi ni Killiav. Isang masamang tingin ang ibinato kay Killiav nang makabawi ako sa pagkagulat.
"Ano? Paanong ayaw niya akong saktan? Sinapa niya ako tapos dumadaplis pa 'yong espada niya sa katawan ko. Kung ayaw niya talaga akong saktan, dapat nagpatalo siya."
"That is why he gave up. Sumuko si Papa dahil ikaw ang gusto niyang manalo," ani Killiav.
"Daming alam." Umirap ako.
"Hindi mo ba naiintindihan, ate Killian?" tanong ni Killiav.
"Ano ba ang dapat niyang intindihin Killiav? They just fought, nothing more, nothing less," Killiam said.
"I agree with Killiam." I said while nodding.
Killiav sighed and shook her headhead. "Why I am the only creature here who can understand the situation?" She pouted.
I chuckled. "'Cause you're understanding."
"I'm curious, ano ba ang ibig mong sabihin Killiav? Bakit mo ba pinagtatanggol si Papa? Kami ang kapatid mo, dapat sa amin ka kumakampi," sabi ni Killiam.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...