Ang ina natin ang unang babaeng minahal natin dahil siya ang nag-alaga sa atin at nagparamdam ng pagmamahal na kailangan natin noong tayo'y bata pa.
Ang ina natin ang unang sumuporta sa atin at ang tumulong sa atin. Oo nga't minsan may mga tampuhan pero naaayos din naman kaagad dahil nga hindi tayo kayang tiisin ng ating ina.
Alam kong hindi lahat masuwerteng nakakaramdam ng pagmamahal galing sa kanilang ina dahil may ilang sitwasyon na maagang namamatay ang ina ng bata. May iba pang sitwasyon, katulad na lang ng sa akin.
Oo, nakaramdam ako ng pagmamahal galing sa isang ina, pero hindi ko naman pala siya tunay na ina. Tita ko siya!
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal lalo na't nalaman ko ang katotohanan na matagal nang tinago sa akin. Ang akala ko ang pinakamasakit na kasinungalingan na ipinaniwala sa akin ay ‘yong namatay si Dad dahil sa heart attack, pero nagkamali ako. May mas masakit pa pala.
Nagsinungaling na nga sa akin noon tungkol sa aking ama, pati ba naman sa ina? Ano'ng susunod? Sana ibinato na nila sa akin lahat para isahang sakit na lang ‘tong nararamdaman ko... Para isang pasadahan na lang. Bakit kailangang isa-isahin pa nila ‘tong paghihirap ko?
"Killy..." Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi't mata nang marinig ang boses ni Dad sa aking likuran.
Naririto ako sa hardin ng palasyo. Sinabi ko sa kanila kanina na gusto kong mapag-isa kaya naman pumunta ako rito para makapag-isip-isip.
"Yes, Dad? Bakit ka po naririto?" tanong ko.
"I know that you want to be alone right now. Hindi ko kasi mapigilang hindi mag-alala lalo na ngayong..." Hindi tinuloy ni Dad ang kaniyang sinasabi, pero alam ko ang gusto niyang iparating. "I'm really sorry for hiding the truth, Killy," he apologized. I can feel the sincerity in his voice, but it cannot ease the pain in my heart.
I faked my smile. "It's fine, Dad." Liar! It's not fine! It's not... f*cking fine.
Naramdaman kong naglakad si Dad papalapit sa akin. Umupo rin siya sa bench na inuupan ko at sabay naming pinagmasdan ang ganda ng hardin.
"Your mother loves you so much." Napatingin ako kay Dad nang bigla siyang magsalita. "No'ng binalak kang kunin ni Patéras sa kaniya, hindi siya pumayag. Ginawa niya ang lahat para lang hindi ka malayo sa kaniya. Isa kang mahalagang nilalang na ayaw niyang mawala sa kaniyang tabi." Pagkukuwento ni dad.
"Why are you telling this to me?" Naguguluhan kong tanong.
"Ayokong nang magsinungaling sa ‘yo, anak ko. Karapatan mo itong malaman. Karapatan mong makilala siya."
"I'm listening."
Dad nodded. "Tinugis siya ng mga kawal ni Patéras nang itakas ka niya. No'ng nahuli siya, pinatawan siya ng kamatayan ngunit hindi natuloy ang pagpaslang sa kaniya dahil nalaman ni Patéras na magkadugtong ang buhay ni Shasha at ni Hevianna. Walang nagawa si Patéras kun'di ang ipatapon si Hevianna sa dungeon. Namalagi ang ina mo roon ng ilang dekada. Sinubukan ko siyang puntahan noong ako na ang naging hari ng ating mundo pero napag-alaman ko na wala na siya sa dungeon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan na ang iyong ina."
"Kahit minsan ba Dad minahal mo si Mom?" Nagulat ako nang walang pag-aalinlangan siyang umiling. "D-Dad..." Hindi niya minahal si Mom? Pero... Pero nagkaanak sila!
"Kahit kailan hindi ko minahal si Shasha dahil hanggang ngayon ang iyong ina pa rin ang laman ng puso ko at walang makakapalit sa kaniya dito at dito." Tinuro ni dad ang puso at ulo niya kung nasaan ang kaniyang isip.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...