Chapter 28

2.9K 116 2
                                    

"Hindi ko alam kung bakit gusto kaming makita ni Dad. Masama ang kutob ko." Narito ako sa sasakyan ni kuya habang ‘yong mga bata naman ay nasa sasakyan ng papa nila, buti na lang may dalang sasakyan si Liam.

"Don't worry too much, Kill. Baka may importante lang na sasabihin si Dad kaya niya tayo pinapunta kasama ang mga pamangkin ko." Sana nga tama si kuya. Pinuproblema ko na si Esperanza, ayokong may dumagdag pang problema. Mas gusto kong naka-focus kay Esperanza para mabantayan ko ang mga pagkilos na gagawin niya.

"Sana nga kuya, sana nga."

Inihinto ni kuya ang sasakyan sa tapat ng isang malaking puno. Bumababa kaming dalawa sa sasakyan at gano'n din naman ang ginawa ni Liam at no'ng mga bata. Lumapit sila sa amin na puno ng pagtataka.

"Nasaan ang palasyo rito, Mama?" tanong ni Killiav.

"Wala pa tayo sa palasyo, nasa lagusan pa lang tayo." Tinuro ko ang malaking puno sa aming harapan. "‘Yang puno na ‘yan ang magdadala sa atin sa palasyo."

Lumapit si kuya sa puno at inilapat ang kaniyang kamay sa katawan nito.

"Anong ginagawa ni tito Zack?" tanong ni Killian.

"He's going to open the portal," I answered with a smile.

"Eímai Zack, yiós tou vasiliá. Anoíxte af̱tí̱n ti̱n pýli̱, as to kánoume. théloume na doúme ton sevasmó vasiliá." I am Zack, son of the king. Open this portal, let us in. We want to see the respectful king.

Pagkatapos sabihin ‘yon ni kuya, biglang naging kulay ginto ang puno at nagliwanag. Isang kulay puting pabilog na liwanag ang lumitaw sa katawan ng puno.

Bukas na ang portal.

"Tara na." Unang pumasok si kuya sa loob.

"Ipikit n'yo ang mata ninyo kapag nakapasok na tayo sa loob ng portal. ‘Wag na ‘wag n'yong ididilat ang mga mata n'yo habang nasa loob tayo dahil nakabubulag ang liwanag sa loob ng portal." Paalala ko.

"Hindi ba kami mawawala sa loob? Hindi namin makikita ang daan dahil nakapikit kami," ani Liam.

"Nope." Umiling ako. "Hindi kayo mawawala. Pagkapasok na pagkapasok natin sa loob ng portal, ito na mismo ang bahalang magdadala sa atin papunta sa palasyon, kaya ihanada n'yo ang sarili ninyo. May nararamdaman kayong puwersa na hihila sa inyo." Tiningnan ko sila isa-isa. "Handa na ba kayo?" tanong ko.

"Ready!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Killiav, come here with me." Lumapit sa akin si Killiav. Hinawakan ko ang kamay at lumapit kami sa portal pero hindi muna kami pumasok. "Kapag natatakot ka yakapin mo lang ako ng mahigpit, okay ba baby?"

Ngumiti siya at tumango. "Yes, Mama."

Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mata at pumasok sa loob ng portal. Naramdam ko ang malakas na puwersa na humihila sa akin. Maging ang mahigpit na yakap sa akin ni Killiav ay nararamdaman ko. Niyakap ko rin si Killiav, pakiramdam ko ano mang oras makakabitaw siya sa pagkakayakap sa akin dahil sa lakas ng puwersang humahatak sa amin.

Unti-unting humina ang puwersa hanggang sa hindi na namin ito maramdaman. Iminulat ko na ang aking mata at nagpalinga-linga sa paligid.

"Nandito na tayo." Anunsyo ko.

Iminulat na nila ang kanilang mata. May paghanga sa kanilang mga mata habang tumitingan sa paligid.

"So this is the Nightblood's Palace. It's so...beautiful," manghang sabi ni Killian.

"Bakit ang tagal n'yo?" Napatingin kami sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses.

"T-Tito Zack? Is that you?" tanong ni Killiav.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon