Killiaf's POV.
"Happy birthday to you!" Oh come on! This birthday party is too childish! "Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday Killiaf!" Walang gana kong hinipan ang kandila sa ibabaw ng cake. Seryoso ba sila? Ang tanda-tanda ko na may pa birthday party pang nalalaman. Buti hindi sila nagdala ng clown dahil kung ginawa nila ang bagay na ‘yon baka hindi na magpakita sa kanila tuwing birthday ko.
They treating me like a kid! I hate it! I really really hate it!
"Happy birthday, baby." Mama kissed my cheeks and hugged me. "Bakit hindi ka mukhang masaya?" biglang tanong nito.
"I'm happy—not really. I just..." Paano ko ba ‘to sasabihin kaya mama nang hindi nasasaktan ang damdamin niya? Ang hirap naman! "Never mind."
"Killiaf, puwede ka namang magsabi sa akin. Huwag ka ng mahiya." I look at my mother's beautiful face. I'm so lucky to have her.
"I don't like parties. I hate being on the crowd and all of them are looking at me. Hindi ko po gusto ang pakiramdam na ‘yon." Nakakahiya man pero ‘yon talaga ang nararamdaman ko. It's weird, I should be happy because they wasted their time to come here at my birthday party.
I'm so mean.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad? We thought that you like to have a birthday party, so we gave you one." Aish! Pakiramdam ko ang sama-sama kong nilalang. Nag-effort ang magulang at mga kapatid ko para rito, and here I am, didn't give a damn. "Okay, I understand. Next time hindi na kami maghahanda ng birthday party for you. We will just celebrate your birthday privately. Is that okay with you?"
Napangiti ako at tumango. "I would love that. Thank you Ma! I love you so so much!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Asikasuhin ko lang ang mga bisita. Maiwan muna kita," sabi ni Mama.
"Sige po." Ngayon makakahinga na ako ng maluwag. No birthday party next time! Yes! Yes! Ye— "Huh?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang may nakita akong lalake sa na nasa gilid. Hindi siya nakikisaya sa party katulad ko. May hawak siyang laptop habang nakakunot ang noo at mabilis na nagtitipa sa keyboard nito na para bang mahalaga sa kaniya ang bawat segundong lumilipas. Nilapitan ko siya at pinilit kong itago ang presensya ko upang hindi niya mapansin ang paglapi—
"What do you want, my dearest niece?" Seryoso ang ekspresyon niya. Walang makikitang kahit ano, blangkong-blangko.
Shoot! Napansin niya ako! Ang lakas ng pakiramdam niya.
"Uh... Hi tito! What's up?" Tumabi ako sa kaniya at bahagyang sinilip ang ginagawa niya sa laptop.
"I'm kind of busy right now." Halata nga. "How about you? What's up?" He's talking to me while his attention is in his laptop.
"Bored," I simply answered.
"Nothing new, you're always bored on your birthday party."
"Because I hate birthday parties."
"Knew it." He look at me. "So, how old are you?" he asked out of nowhere.
"I'm existing in this word for approximately 60 years, but look at me. I looked like a 17 years old human teenager." Napairap na lang ako at napailing.
Mas mabagal ang pagtanda ko kumpara sa triplets kong katapid. Ang sabi sa akin ni papa, 50 years pa lang daw mukha na silang 18 years old pero ako? 60 years na 17 pa rin, kainis.
I'm wondering, how can they determine our age based on our physical appearance? A 17 years old and 18 years old human teenager looks the same! Mahirap ma-determine ang totoong edad ng isang tao kung ang pisikal na katauhan nito ang pagbabasihan dahil mayroong mukhang 18 na kahit 15 pa lang. Mayro'n namang 18 na pero mukhang 12 years old. ‘Di ba? Ang gulo!
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...