Chapter 12

3.4K 113 8
                                    

Killy's POV.

Iminulat ko ang aking mata. May kakaiba akong nararamdaman na para bang wala akong saplot.

Bigla akong bumalik sa katinuan at sinilip ang aking katawan sa ilalim ng kumot.

"What the f*ck!" Pabulong kong mura. Wala! Wala talaga akong saplot! Wala kahit isa!

Napatingin ako sa aking tabi. Isang gwapong lalaki na mahimbing na natutulog, maging siya ay walang saplot.

Tang*na Killy! Anong kagagahan ang ginawa mo?!

Agad akong bumababa ng kama at pinulot ang aking damit na nakakalat sa sahig. Kaagad ko itong sinuot at nagmadaling lumabas ng kwartong iyon. Pero paglabas ko, isang bar na walang tao ang tumambad sa akin.

"May problema po ba Ma'am?" Napatingin ako sa aking likod. Isang lalaki na may hawak na isang balde na may lamang tubig at mop ang aking nakita.

"Saan ang palabas sa lugar na ‘to?!" Pasigaw kong tanong. Gusto ko nang lumabas sa impyernong lugar na ‘to! Hinding-hindi na ako babalik kahit na kailan!

"Doon po." Tinuro niya ang pintuan sa gilid. Agad akong tumakbo papunta roon. Binuksan ko ang pinto at lumabas.

Madilim pa ang kalangitan kaya naman kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na ba ngayon.

5:47 Am.

Nahagip ng aking mata ang aking kotse na nakaparada sa gilid. Pumunta ako roon at sumakay sa aking kotse. Pinaandar ko ito palayo sa lugar na ngayon ay itinuturing kong impyerno.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na lumuluha. Ang hirap kasi! Naibigay ko ang pagkababae ko! At ang mas malala kay Mr. Dark o Liam pa!

"Ano ba Killy?! Ano bang nangyari?! Anong ginawa mo?!" Inis na tanong ko sa sarili ko. Wala akong matandaan! Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na ‘yon!

Namalayan ko na lang na nasa tapat na pala ako ng bahay ni Ain. Bumaba ako sa aking kotse para pumasok sa loob ng bahay ni Ain pero napatigil ako nang makita si Ain sa labas ng kaniyang bahay. Duguan at ang lalim ng paghinga niya.

"AIN!!" Lumapit ako kay Ain at tiningnan ang kaniyang kalagayan. "Sh*t! Ain! Wake up! Hey! What happened Ain? Hey!" May problema pa nga akong tapos sumabay ka pa Ain! Hay! Buhay!

"R-Rica..."

"Ain! Gising ka na ba? Sinong gumawa sa ‘yo nito? Sabihin mo sa akin nang mapatay ko kaagad!" Wait! Baka may makakita sa amin dito sa labas. Isipin pa nila ako ang gumawa nito kay Ain.

Binuhat ko si Ain papasok sa kaniyang bahay. Nakuha ko ang susi sa bulasa niya kaya naman nakapasok kami kaagad. Kabisado ko na ang bahay ni Ain dahil minsan ko na siyang nilooban at ninakawan, joke! Wala namang mananakaw rito sa bahay ni Ain, eh. Madalas akong nandito dati kaya kabisado ko ang bahay niya.

Nang makapasok kami sa kwarto ni Ain, ‘agad ko siyang inihiga sa kama. Kumuha ako ng bulak at alcohol para linisin ang sugat niya.

"‘Lang'ya! Akala ko matutulungan mo ako ngayon pero mukhang ikaw ang nangangailangan ng tulong ko," bulong ko habang nililinis ang sugat niya. "Ano bang nangyari sa ‘yo Ain? Nakipag-gang fight ka ba? Ano magpapakamatay ka?! Dapat sinabi mo kaagad para ako na mismo ang tatapos sa buhay mo." Go Killy. Magpanggap ka lang na walang nangyari sa ‘yong masama, ituon mo lang ang atensyon mo kay Ain para makalimutan mo ang nangyari sa inyo ni Mr. Dark doon sa Dark Club. Self support, galing ko talagang magpanggap.

"R-Rica..." Tawag ni Ain sa pangalan ko. "A-Ayos k-ka lang b-ba?" Naaawa ako kay Ain. Lagot sa akin ang gumawa nito sa kaniya. Sisiguraduhin ko na mas malala pa ang mangyayari sa kanila.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon