'N-Nasaan ako?'
Unti-uniting iminulat ni Liam ang kaniyang mata. Masakit ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang likod dahil sa nangyari nang mahiwalay siya sa kaniyang mga kasama.
Ang natatandaan niya lang ay may naramdaman siyang presensya na paparating kaya napatakbo siya sa liwanag, pero matapos no'n ay wala na siyang maalala.
"Oh, gising ka na pala." Napatingin si Liam sa pinanggagalingan ng boses, at doon nakita niya si Railey na nakatali ng kadena.
"Railey? A-Ano... N-Nasaan tayo?" Bakit kasama niya ngayon si Railey? At bakit parang may nararamdaman siyang kakaiba?
Napatingin siya sa kaniyang bukung-bukong, at doon nakita niyang may kadena rin na nakatali sa kaniya.
Sinubukang alisin ni Liam ang kadena ngunit kahit anong pagpuwersa niya'y hindi ito nasisira. Para bang may kapangyarihan na nasa kadena para hindi ito masira ng basta-basta.
"‘Wag ka na magsayang ng lakas. Hindi mo matatanggal ang kadenang ‘yan," walang emosyong sabi ni Railey.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Liam.
"Sa tingin mo ba hahayaan ko ang sarili ko na manatili rito ng mahigit limampung taong? Hindi. Kilala mo ako Liam, hindi ako gano'n kahina pero ang kapangyarihan na nasa kadenang ‘yan ay masyadong malakas. Kahit anong gawin mo hindi mo ‘yan masisira."
"Mahigit limampung taon ka ng naririto?" Gulat na tanong ni Liam. "Kaya ba kapag nakakasama namin ang mga Spiders ay wala kayo ni Janine? Teka nasaan na nga ba si Ja—" Naputol ang dapat na itatanong ni Liam nang biglang suntukin ni Railey ang pader na malapit sa kaniya.
Nagulat si Liam sa ginawa ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit niya ‘yon ginawa.
"R-Railey... B-Bakit?"
"Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan ng babaeng ‘yon sa harap ko!!!" Natigilan si Liam nang makita ang galit sa mga mata ni Railey. "H-Hindi siya si Janine! Hindi na siya ang babaeng minahal ko! Masama na siya Liam! At siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to!" Napatungo si Railey at nagsimulang lumandas ang mga butil ng luha sa kaniyang pisngi. Mahal na mahal niya si Janine pero ang mga ginawa nito ay hindi niya mapapatawad.
"Hindi ko maintindihan. Anong nangyari kay Janine?"
"Maayos pa ang lahat no'ng nasa Half Blood Academy tayong lahat, pero nagbago siya simula nang mamatay tayo at nabuhay muli. Napag-alaman namin na hindi talaga siya isang Varona, hindi talaga siya totoong anak ni tita Xylarsa at tito Khang Lhar na kinilala niyang magulang. Ampon lang siya, ngunit dahil pinalaki siya sa mundo namin, natutunan niya ang mga paraan naming mga dwarf. Dahil walang nakakaalam na ampon lang siya, inakala namin na tunay siyang may lahing dwarf.
Nalaman naming dalawa amh katotohanang ‘yon dahil may mga alaalang bumabalik sa isipan ni Janine simula nang mabuhay siyang muli. Mga alaala ng kaniyang nakaraan. Noong siya'y bata pa. Simula no'n ayaw niya nang tinawag siya na Janine o Jane. Nagbago rin ang ugali niya, at kinamuhian niya ang mga Nightblood." Tumigil si Railey sa pagsasalita at tumingin kay Liam.
"Kung gano'n siya ang may kagagawan nito sa ‘yo? Kinulong ka niya rito nang mahigit limampung taon?" Tumango si Railey bilang pagtugon.
"Tinanong niya ako kung tutulungan ko ba siya sa plano niya. Ang paslangin ang mga Nightblood."
"Ano?! Nababaliw na ba siya?!"
"Hindi. Hindi siya baliw. Nasa katinuan siya at alam niya ang ginagawa niya." Napakagat si Railey sa kaniyang pang-ibabang labi. "Sadyang wala na ang Janine na kilala natin, wala na siya. Ang bagong katauhan niya ngayon ang totoong siya. Pinalaki siya ng mga kinilala niyang magulang na puno ng pagmamahal kaya ng makilala natin siya noon ay isang mapagmahal na nilalang na sobrang bait, pero walang katotohanang hindi nabubunyag. Ang katotoohan kung sino siya talaga ang nagbago sa kaniya. Ang totoong Janine ay likas na masama. Ang totoong siya... si Spane Voccos."
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...