Chapter 39

2.6K 104 13
                                    

"Kill..." Naramdaman kong may marahang yumuyugyog sa balikat ko. Hindi ko na lang pinansin kung sino ‘yon dahil antok na antok pa talaga ako. "My Queen, gising na. Malapit na mag-alas-dose ng hatinggabi." Bigla kong naalala ang birthday ng mga bata kaya naman tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at nag-inat-inat.

"Anong oras na?" tanong ko habang kinukusot ang aking mata.

"Sampung minuto na lang mag-aalas-onse na ng gabi." Tugon ni Liam na naging sanhi ng pagkagulat ko.

"What?! Pero hindi pa ako nakakapaghanda! Ni hindi pa ako nakakapagluto!" Ano nang gagawin ko?! Isang oras at sampung minuto na lang mag-uumpisa na ang birthday party ng mga bata!

"Kalma lang, my queen."

"Paano? Paano kumalma? Liam! Hindi—" Natigilan ako nang bigla niyang siniil ng halik ang labi ko na buong puso kong tinugon.

Nairita ako nang ilayo niya ang labi niya sa labi ko. Ugh! Na-miss ko ‘yong labi niya!

"‘Di ba sabi ko kalma lang? Kailangan ba halikan muna kita bago ka kumalma? Pampakalma mo ba ang labi ko?" Nakangisi ngunit kalmado niyang tanong. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"K-Kalmado na ako," utal kong sagot.

"Good." Tinapik niya ang ulo ko at ginulo ang aking buhok.

"Aso lang?!" Naiinis kong tinabig ang kamay niya na nasa ulo ko na bahagya niyang ikinatawa. "So, what now? Hindi pa ako nakapaghahanda. Importante ang karaawan ng mga anak ko Liam, alam mo ‘yan." Ugh! Nag-uumpisa na akong ma-stress! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!

Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit, pero hindi sapat ‘yon para mawala ang pagkabahala ko. Ayokong malungkot ang mga bata. Ayokong nakikita silang malungkot lalo na ngayong kaarawan nila.

"Nakasimangot na ang asawa ko." Panlalambing ni Liam at hinalikan ang noo ko. "Huwag ka nang mag-alala, nakapaghanda na kami sa baba. Maayos na ang lahat. Hindi ko naman hahayaang hindi matuloy ang birthday party ng mga bata." Natigilan ako sa sinabi niya.

"I-Ikaw? Ikaw ang naghanda? Seryoso? Hindi ka nagbibiro?"

He pouted. "Mukha ba akong nagbibiro? Seryoso ako, my queen." Bigla ko siyang niyakap dahilan para parehas kaming mapahiga sa kama.

"Thank you! Hindi ko alam kung anong gagawin kung wala ka. Thank you Liam! Thank you so much!" Napatulala siya sa akin na ikinataka ko. Mga isang minuto ang nakalipas bago ko napansin ang posisyon naming dalawa. Nakapaibabaw ako sa kaniya at kalahating dangkal na lang ang pagitan ng labi namin. "Liam..." Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labi niya.

"My queen, can you kiss me?"

"Kailangan ba no'n?"

"Yeah, I'm tired and I'm sure that your kiss can remove my tiredness, please?" He used his puppy-eye look. Kamukha niya si Killiav kapag gano'n siya.

I sighed. "Fine." Pagsuko ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napapikit ako nang maglapat ang labi naming dalawa. Parang may bultahe ng kuryente na pumasok sa loob ng katawan ko at napakapit ako sa bedsheet nang mas lumalim ang paghalik ni Liam.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas bago naghiwalay ang labi namin. Wala akong pakialam. I miss his lips and it feels like heaven! I want to taste it again and again. His kiss is so damn addictive!

"S'agapó̱." I love you.

Panandalian akong hindi nakahinga nang marinig ko ang salitang ‘yon. Madalas kong naririnig ang mga salitang ‘yon sa kaniya noon pero bakit ngayon parang unang beses niyang sinabi ‘yon?

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon