Killiav's POV.
"This is your fault Killiav! Bakit ka ba kasi pumapayag na magpaapi roon sa Estina na ‘yon?! Alam mo naman na ano man ang mangyari sa ‘yo mangyayari rin sa amin! Magkadugtong ang buhay nating tatlo!" May bahid ng inis sa boses ni ate Killian. Wala akong nagawa kundi ang tumungo at mag-iwas ng tingin.
"Sorry na ate, alam mo naman na noon pa man ayoko nang nakikipag-away." Sumusunod lang ako kay Mama. Alam kong may malalim na dahilan si mama kung bakit ayaw niya kaming palapitin kay Estina. "Alam ko naman na konektado tayong tatlo, sorry talaga ate, sorry..."
"Patawarin mo na si Killiav, Killian. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari," walang emosyong sabi ni kuya Killiam.
"Yeah right! Kung lumaban lang sana siya, eh, di sana hindi nangyari sa ating tatlo ‘to! Buti sana kung siya lang ‘yong magkakaroon ng pantal at maglalagay no'ng... No'ng madulas na langis na ‘yon!" Nagpa-una nang maglakad si Killian.
Napanguso na lang ako habang naglalakad.
Naiintindihan ko si ate Kilian. Kasalanan ko naman talaga, kung nilabanan ko lang sana si Estina eh, di sana hindi kami magkakapantal.
"Killiav," tumingin ako kay kuya Killiam, "huwag mong isipin ‘yong sinabi ni Killian, alam mo naman ‘yong ate mo na ‘yon, ‘di ba? Minsan talaga hindi niya iniisip kung tama pa ba ‘yong sinasabi niya." Nginitian ko si kuya Killiam at tumango.
"Naiintindihan ko si ate Killian, kuya. Minsan talaga kailangan na lang natin intindihin ang nararamdaman ng iba, kasi baka napangungunahan lang sila ng emosyon nila kaya hindi na nila napapansin ang mga salitang lumalabas sa bibig nila," sabi ko. Ibinaling kong ang tingin ko kay kuya nang mapansin ko ang kakaibang katahimikang bumalot sa amin. "Kuya?" Nagtataka kong tawag sa kaniya. May kakaibang ekspresyon sa mukha niya. I think he's...
Amazed?
He shook his head. "Sorry, humanga lang ako sa ‘yo, hindi ko alam kung paano mo naiintindihan si Killian. Minsan ko ng siyang nakaaway, at alam mo ‘yon, pero no'ng nag-away kami hindi ko siya maintindihan. Para siyang salita na mahirap e-spelling-in," sabi ni kuya Killiam.
Napatango-tango ako. "That's my point. Kapag hindi natin naintindihan ang may galit sa atin, magagalit din tayo sa kanila at ‘yon na ang magiging mitsa ng away. Kaya nga nananahimik na lang ako at pinapakinggan si ate Killian, bawat salitang lumalabas sa bibig niya pinapasok ko sa sistema ko, hindi para pasamain ang loob ko kun'di para intindihin siya."
"Napaka-understanding mo talaga Killiav, pero tandaan mo, hindi sa lahat ng oras kailangan iniintindi mo ang kung sino man. Matuto ka ring lumaban lalo na kung alam mong dehado ka na at hindi mo na sila madadaan sa pagiging understanding mo." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang sabihin ‘yon ni kuya. "Dahil alam mo na sa oras na may mangyaring masama sa ‘yo—pati kaming dalawa ni Killian madadamay. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo kami ng ate mo, Killiav, hindi sa lahat ng oras maipagtatanggol ka namin."
"You're scaring me, kuya." Huminga ako nang malalim upang mapakalma ang aking sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Ayokong may masaktan ng dahil sa akin. Ayoko...
Naramdaman kong hinawakan ni kuya ang nanginginig kong kamay. "I'm sorry, Killiav. ‘Wag mo na lang intindihin ‘yong sinabi ko. I didn't mean to scare you, I'm really sorry." Paghingi ng tawad ni kuya.
I just smile at him and nodded. "It's okay kuya. Tama ka naman, dapat alam ko na kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi dapat ako umaasa sa inyo ni ate." Tumigil kami sa paglalakad ni kuya Killiam dahil nasa tapat na kami ng pinto ng kuwarto namin.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...