Chapter 4

4.6K 156 7
                                    

"Ate! Ate! Bakit ka umiiyak?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi nang makita ko si Val na naka-indian sit sa aking kama. "Ate, may nang away ba sa ‘yo?" Isip bata! Ano akala niya? Cute na siya dahil nagboboses bata siya at umaarteng parang bata? Mukha siyang tanga sa ginagawa niya.

"Pwede ba Val?! Umalis ka nga rito sa kwarto ko! Kailangan ko ng privacy, kaya pleases lang umalis ka na! Hindi kita kailangan!" May inis na sabi ko. Gusto kong mapag-isa. Hindi ko kailangan ng karamay. Kaya ko naman ‘to kahit mag-isa lang ako, kaya kong harapin ang problema ng mag-isa! Hindi ko kailangan ng kahit na sino!

"Mahina ka." Gulat akong napatingin kay Val nang sabihin niyang mahina ako.

"A-Ano? Ako? Mahina?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bingin ka ba? Oo, ikaw, mahina ka. Mahina ka pagdating sa mga mahal mo sa buhay. Mahina ka pagdating sa kanila," sabi ni Val na ikinatigil ko.

Tama siya, mahina ako pagdating sa mga mahal ko sa buhay. Kapag napalapit na sa akin ang isang tao o isang nilalang, hindi ko na sila hinahayaang mawala sa akin. Hindi ko kasi kaya.

"Lahat naman tayo may kahinaan, Val. Kahit tayong mga imortal."

"Tsk! Kaya ayokong mapalapit sa mga kaibigan ko. Natatakot kasi ako na kapag sobrang napalapit na ako sa kanila, hindi ko na kaya kapag nawala sila o mapalayo ako sa kanila,"  seryosong sabi ni Val "Pero kailangan nating tanggapin na wala na sila dahil wala naman tayong magagawa. Lahat ng bagay nagbabago, walang permanente sa mundong ito kahit sa mundo natin." Tama si Val. Walang permanente kahit sa mundo ng mga imortal.

"I know. Siguro kailangan ko munang mag-isip-isip. Maraming bumalik na memorya sa akin pero alam kong meron pa ring mga memoryang hindi pa bumabalik." Mga memoryang kailangan kong maalala sa lalong madaling panahon.

"Imbis na magmukmuk ka rito, bakit hindi ka nalang gumawa ng paraan para bumalik na ng tuluyan ang memorya mo?"

"Paano ko gagawin ‘yon? Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula."

"Akong bahala sa ‘yo. Tutulungan kita hanggang sa tuluyan mo ng maalala ang lahat."

"T-Talaga?" Seryoso ba siya?

Bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Nako! Sabi ko na nga ba nang gag*g* lang ‘tong mokong na ‘to "Syempre joke lang. Masyado ka namang mapaniwalain. Kaya ka nasasakatan, eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. "You know? I can kill you right now. You really pissing me off!" Pero mukhang hindi siya natinag sa sinabi ko. Nakangiti pa rin kasi siya. Alam n'yo ‘yong ngiting nakakainis? ‘Yong kapag nakita mo ‘yong ngiting ‘yon sa kausap mo gugustuhin mo siyang paslangin? ‘Yon kasi ‘yong nakikita ko kay Val, gustung-gusto ko siyang patayin ngayon.

"Woah! Woah! Easy, ang brutal mo naman masyado." Inirapan ko siya.

"So what now? Are you going to help me... or not?" Pinahaba ko ang aking kuko. Napalunok siya ng itapat ko iyon sa dibdib niya. Mamamatay siya kapag dinukot ko ang puso niya.  "So? What's your decision?"

"Okay! Okay! Fine! I will help you until you remember everything."

"Good decision, Val. Good decision."

"You don't have to repeat that I'm good. I already know it. I already know that I'm a good looking man."

Napailing ako. Seriously? "I said good decision, not good looking man. Ang hangin mo talagang lalaki ka."

"I'm just telling the truth. Good looking man naman talaga ako at isa iyong katotohanan."

"Sabi mo, eh." Napailing muli ako. Ngayon ko lang napansin na tumigil na ako sa pag-iyak at pansamantala kong nakalimutan ang inis ko kay Dad. Nawala na rin ‘yong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Val, ‘di ba ang sabi mo tutulungan mo ako?"

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon