Spane's POV.
Who the hell is that? Kakampi ba namin siya o kalaban? Bakit niya kami tinulungan sa plano namin sa pagkuha sa mga anak ni Killy? Anong motibo niya?
Kung kalaban man namin siya o kakampi, kailangan pa rin naming idistansya ang sarili namin sa kaniya. Alam kong malakas siya at alam kong hindi namin siya kakayanin kung sakaling makabangga ulit namin siya. Ramdam ko ang kapangyarihan niya sa bawat sulok ng Hegera Forest, at nasabi rin sa akin ni Spike na paniguradong maliban kina Killy at ang mga kasamahan niya, alam na raw ng nilalang na ‘yon na naroroon kami kaya naman mas tinaasan namin ang aming depensa.
Nakagugulat lang ang pagtama ng El Nebre sa puno kung saan kami nagtatago. Hindi ko alam kung sinadya niya ba ‘yon gawin para lumabas kami o nagkataon lang dahil naka-iwas sina Liam.
"Spane." Bahagya akong napag-igtad nang may humawak sa balikat ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ki. "Gising na ‘yong tatlong bata." Si Spike pala.
Tumango ako. "Susunod ako." Sinuot ko ang itim kong hooded cloak pati na rin ang maskara tumatakip sa aking buong mukha.
Tinungo ko ang silid kung saan nakagapos ang tatlong anak ni Killy. Ang akala ko malakas ang tatlo ‘to, pero mukhang wala naman silang binatbat. Lalo na ‘yong pinakabata sa kanila.
"Itong tatlo na ‘to ba talaga ang sisira sa plano natin? Eh, bakit parang sila pa ‘ata ang tumutupad sa mga plano natin sa ina nila?" Napatingin sa akin ‘yong tatlong bata nang marinig nila akong magsalita.
Ang panganay na si Killiam ay nakatingin sa akin na wala man lang makikitang kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha. Para bang wala siyang pakialam kahit nasa delikadong sitwasyon sila ngayon.
Si Killian naman na pangalawa sa anak ni Killy ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Sa halos limampung taon na pagsusubaybay ko sa kanila. Masasabi kong itong si Killian ang nagmana sa ugali ni Killy.
‘Yong bunsong anak naman ni Killy na si Killiav ay nakatingin sa akin habang may pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Dapat lang na mag-alala siya dahil ano mang oras ay maaari silang mamatay nang sabay-sabay.
"Sino ka ba?" Seryosong tanong ni Killiam na hindi mapagkit ang tingin sa akin.
"Spane." Tanging sagot ko.
"Tsk! This is boring! Pwede bang pakawalan mo na lang kami tapos magtuos tayong dalawa, hindi ‘yong tinatali mo kaming tatlo rito. Duwag ba kayo, ha?" Napakuyom ang kamao ko sa sinabi ni Killian. Mayabang ang isang ‘to katulad ng ina niya. Nasa delikadong sitwasyon na nga, nakuha pang magyabang.
"Please po, pakawalan n'yo na kami. Baka po nag-aalala na ang mama namin." Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi ni Killiav. May pagkatanga rin ang isang ‘to, parang si Liam lang.
"Kinuha nga namin kayo kasi gagawin namin kayong pain para mapatay namin ang ina n'yong si Killy, tapos gusto mong pakawalan namin kayo? Hah! Bakit naman namin gagawin ang katangahan na ‘yon?" Kawawang mga bata. Kung sa una pa lang ay nawala na kayo, eh, di sana wala kayo rito.
"You already did a stupid decision." Nawala ang ngisi sa labi ko nang makita ko ang masamang tingin ni Killiam. Nanlamig ang buo kong katawan sa paraan ng pagtingin niya. Para siyang si Liam na may nakakatakot na tingin at aura. "Dapat nagtago na lang kayo at mas piniling obserbahan kami nang patago. Hindi n'yo alam kung anong klaseng nilalang ang kaharap n'yo ngayon." Palihim aking napalunok. Alam kong hindi nila nakikita ang reaksyon ko ngayon dahil sa cloak at maskarang suot ko pero inaamin ko na natatakot ako sa aura ni Killiam. Nakakatakot siya na parang sa oras na lapitan ko siya ay bigla na lang akong bumulagta sa sahig.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...