Liam! Liam! Nasaan ka?!
Bawat kuwarto na nadaraanan ko'y walang habas kong binubuksan. Kailangan kong makita si Liam! Gustong ko siyang makita!
"Killy! Tumigil ka!" Hindi ko pinakinggan si Hevianna. Patuloy lang ako sa pagbukas ng mga pinto, hanggang sa may kamay na pumigil sa akin. "I said stop!" Hevianna yelled.
"Nasaan si Liam? Sabihin mo sa akin, please..." Gusto ko siyang makita... Liam... Nasaan ka na ba?
Umiling siya. "No... Killy, hindi mo siya kailangan!"
"Kailangan ko siya!" Bigla na lang nanlambot ang tuhod ko at dahan-dahan akong napaluhod sa harap ni Hevianna. "Please, I'm begging you. Tell me where he is. Please..."
"You'll gonna do this for him? Even though he hurted you so many times? Even thought he leaves you and your children for his own happiness?" I bit my lower lip. I don't care... I don't care anymore. "Kahit na pa-ulit-ulit ka na niyang sinasaktan? Talagang hahanapin mo pa rin siya?"
"Oo..." I love him. I love him so bad that I can forgive him and forget all of the bad things that he did to me. "Wala akong pakialam kung magmukha akong martir sa paningin mo o sa paningin ng mga nilang sa mundo na 'to. WALA AKONG PAKIALAM!" Gusto ko nang matapos 'to. Miss na miss ko na siya... "Mahal ko siya, Hevianna. Sobra ko siyang mahal na kahit na sino pa ang humarang sa pagitan naming dalawa babanggain ko. Ipaglalaban ko siya kasi alam kong akin siya. Ipaglalaban ko siya dahil mahal ko siya. Ipaglalaban ko siya dahil..." My tears dropped. "D-Dahil magpapakasal pa kaming dalawa."
"No..." Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Hevianna. "Naguguluhan ka lang Killy. Hindi mo na siya mahal, 'di ba? Galit ka sa kaniya. Galit ka! Hindi mo na siya mahal, okay?! B-Baka nalilito ka lang." Isang makahulugang tingin ang binigay ko kay Hevianna, saka ako umiling.
"I love him so much." Bumagsak ang bilikat ni Hevianna. Para siyang natalo sa isang laban. "Kung mahal mo ako at kung gusto mo akong mapabuti..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Sasabihin mo sa akin kung nasaan si Liam." Napakagat si Hevianna sa kaniyang pang-ibabang labi. Makalipas ang ilang minuto na gano'n ang aming puwesto, bumuga ng isang malalim na buntong-hininga si Hevianna.
"Third floor, there's one and only room there." Napangiti ako.
"Thank you!" Finally! "One last favor. Please take care of my daughter." She just nodded.
Tumakbo ako papunta sa ikatlong palapag ng gusaling ito. Habang lumalapit ako sa aking patutunguhan, bumibilis ang tibok ng puso ko. Pinaghalong kaba, takot, at excitement ang nararamdaman ko.
Malalalim ang aking hinanga nang makarating ako sa kuwartong tinutukoy ni Hevianna.
"Ito na 'yon."
Kinakabahan ako.
Nanginginig ang kamay ko nang hawakan at pihitin ko ang doorknob. Nang itulak ko ang pinto, si Liam kaagad ang aking nakita. Payapa siyang nakahiga sa isang kama.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Pinipigilan ko ang sarili kong maging emosyonal pero hindi ko magawa...
Hindi ko kaya.
Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya.
"Hoy... Liam... Nandito na ako. Gising ka na diyan, please?" Mas lalong tumulo ang luha ka ng wala man lang kahit na anong paggalaw mula sa kaniya. "Dali na... Liam naman, eh! 'Di ba sabi mo patutunayan mo pa ang sarili mo sa amin? 'Di ba sabi mo magpapakasal pa tayo? Tayo ka na d'yan. Bilis na..." At tuluyan na akong napahagugol. "M-Mahal kita... Mahal na mahal kita, Liam."
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...