Chapter 15

3.2K 110 15
                                    

Killy's POV.

"May gusto ka pa ba baby girl?" tanong ni Kuya sa akin.

Nakakapanibago, dati hindi siya ganito pero ngayon sobra ang concern at pag-aalaga niya sa akin. Pero at the same time nakakatuwa.

"Pahingi pa ako ng palabok at gatas, kuya." Lagi akong nagc-crave sa palabok at gatas. Siguro ganito talaga kapag buntis.

Well, kahit hindi naman ako buntis, laging gusto ng tiyan ko ang palabok. ‘Yong gatas naman, hindi masyado dahil chocolate ang mas kinakain ko noon.

"Give me your plate, kukuhanan pa kita," sabi ni kuya. Ibinigay ko sa kaniya ang plato at baso ko.

"Here, thank you," I said with a smile on my face.

Agad niyang nilagyan ng palabok tapos nilagyan niya rin ng gatas ang baso ko

"Anything for you baby girl."

Bumukas ang pinto kaya napatingin kami ni kuya sa pintuan. Pumasok ang mga Spiders, kasama si Val at Ain. Rumihistro ang pag-aalala sa kanilang mukha nang makita akong naka-upo sa hospital bed.

"Guys, buti nakabisita kayo," nakangiti kong sabi, para kahit papaano ay mawala ang pag-aalala nila.

"Kill! Okay ka lang ba? Akala namin kung ano na ang nangyari sa ‘yo!" Nag-aalalang sabi ni Janine.

"Wala kayong dapat ipag-alala. Okay naman ako." Isang kasinungalingan ang sinabi ko. Hindi ako okay, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Liam ang tungkol sa anak namin.

"Nag-alala kami ng sobra sa 'yo. Hanap kami nang hanap pero hindi ka namin makita," sabi ni Ain.

"I appreciate your care and concern for me," nakangiti kong sabi sa kanila.

Tumingin ako ng masama kay kuya. Pa-inosente naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Hey, you! Why you didn't tell them that I'm here?! You make my friends worried!" Inis ko siyang binato ng unan pero nasalo niya iyon kaya mas lalo akong nainis.

"Hindi ko na naisip ‘yon," sabi ni kuya at ibinalik ang unan sa tabi ko. Inirapan ko nga siya.

"Ate Hill, may dala kaming chocolate para sa ‘yo. Gusto mo ba?" tanong ni Ryza habang iwinawagayway ang dalawang chocolate bar na hawak niya.

"Yes, please," I chuckled. I sounded like a kid who craves for a bar of chocolate.

"Okay, bubuksan ko na." Kinuha ni Ryza ang isang maliit na gunting sa pouch na dala niya at ginupit ang itaas na bahagi ng balot ng tsokolate. "Here. Eat it up." Nakangiti ko namang tinanggap ‘yon.

Kakagatin ko na sana tsokolate pero nakaramdam ako na masusuka ako sa amoy ng tsokolate. Parang hinahalukay ang simura ko.

Mabilis akong bumaba ng kama at tumakbo papunta sa banyo. Tumapat ako sa isang maliit na lababo at doon inilabas ang gustong ilabas ng sikmura ko.

Nagmumog ako at naghilamos. Gosh! Ang hirap magbuntis!

"Are you okay Killy?" Nag-aalang tanong ni Val.

"Yeah..." I sighed, "I'm fine. I'm good." Another lie.

"Bakit ka nagsuka ate Hill? Hindi naman masama ang amoy at lasa ng chocolate na ‘to ah," ani Killmer.

"Yeah, para sa inyo. Pero iba kasi sa akin. Amoy sunog na ewan ‘yong naamoy ko." It's really stinky and disgusting! "Kailangan n'yo nang masanay, parte ‘yon ng pagbubuntis ko." I do have knowledge about a pregnant woman. Ako lang naman ang nag-aalaga kay Mom noong pinagbubuntis niya si Killmer hanggang sa ipanganak na nga ni Mom ang bunso namin.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon