Chapter 10

3.6K 127 19
                                    

"Nagkakilala na pala kayo ng kapatid kong si Jane," sabi ni Janine. Naikwento na rin nila sa akin ang lahat. Nang magkamalay raw sila hindi raw nawala ang alaala nila. Pati ang mga magulang daw nila ay nagulat dahil patay na sila pero bigla na lang daw silang sumulpot sa kanilang kwarto na buhay na buhay.

"Oo, ang bait nga ng kapatid mo. At saka no'ng una ko siyang nakita parang may bigla akong naalala, lalo na no'ng sabihin niya sa akin ang kaniyang ppangalan. I feel something like deja vu.

"‘Yon ay dahil ako siya dati." Napakunot ang aking noo. Ha? Ano raw?

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan."

Bahagya siyang natawa. ‘Yong tawa na may halong lungkot. "Wala ka nga pa lang maalala." Eh? Makakalimutin ba siya? Nakalimutan niya kaagad na nabura ang memorya ko. "Dati kasi sinisi ko ang aking sarili sa pagkamatay ni Jane. Nagpanggap ako bilang Jane para naman maiparamdam ko sa aking sarili na nasa tabi ko pa rin ang kapatid ko. Binago ko ang aking sarili. Maging ang aking pangalan. ‘Yong Janine na matapang at palaban, naging Jane na matalino at tahimik. Nakilala mo ako bilang Jane, kaya siguro pamilyar sa ‘yo ang mukha at pangalan ng aking kapatid."

"Kung gano'n namatay ang kapatid mo noon at nagpanggap ka bilang siya tapos kagaya natin, nabuhay rin siya." Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pamilyar sa akin ang mukha ni Jane.

"Ate Hill! Ate Hill! Ate Hill!" Napatingin ako sa likuran ko. "Ate Hill! Sabi ko rito ka lang sa tabi ko, eh." Nakasimangot na sabi ni Killmer. Nagtataka ako... Bakit Ryza ang tawag sa kaniya ng iba? Ang sabi niya naman sa akin Killmerianna ang panglangan niya.

"Hindi naman ako mawawala."

"Eh, kahit na. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita." Nakangiti akong napa-iling. Batang ‘to talaga. "Excited na akong makita si Mom.Eh,h si Kuya Zack at si Dad? Wala ba sila rito?" Nawala ang ngiti sa aking labi, pero ‘agad ko ring ibinalik dahil baka mahalata ni Killmer na may problema. Kakikita pa lang naming dalawa, ayokong problema kaagad ang ibibigay ko sa kaniya. Mas okay na kami muna ni tanda at Mom ang makakaalam.

"Wala pa si kuya Zack at Dad. Hindi pa namin sila nakikita." Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"Ha? Bakit? Hindi ba nabuhay si Dad? Eh, si kuya Zack? Di ba hindi naman siya namatay?" May lungkot ang boses ni Killmer habang nagtatanong siya. Kahit na gusto kong sagutan ang tanong niya ay hindi ko magawa dahil kahit ako'y walang alam. Ang akala ko ay nabuhay nga si Dad pero isa palang impustor ang kasama naming dalawa ni Mom.

"Saka na ako magpapaliwanag. Si Mom na lang ang magsasabi, okay ba?" Pinilit kong ngumiti. Ayokong sa akin manggaling ang lahat. Naaawa ako kay Killmer kasi ang bata niya pa para makaranas ng ganitong problema.

Nakarating kami sa headmaster's office. Kumatok muna si Vam sa pinto. Hindi nagtagal ay binuksan na ni tanda ang pintuan. Nanlaki ang mata niya ng makita ang babaeng nasa tabi ko.

"Magkakilala ba tayo? Bakit parang kilala kita?" tanong ni tanda kay Killmer.

"Ako po si Ryza Brazil." Nahihiyang pakilala ni Killmer.

"Sa katawan Ryza, pero sa kaluluwa Killmerianna." Napakunot ang noo ni tanda, mukhang hindi niya maintindihan ang kung paanong napunta ang kaluluwa ni Killmerianna sa katawan ni Ryza. Pinalawanag sa kaniyang ng mga kasama ko ang lahat. Todo explain talaga sila kay tanda, habang ako? Ito, nananahimik. Bahala sila magsayang ng laway.

"Naiintindihan ko na. Siya pala ang pangatlo kong apo. Matagal din tayong hindi nagkita Killmer. Naaalala mo pa ba ako?" tanong ni tanda kay Killmer.

"H-Hindi po, eh..." Nag-iwas ng tingin si Killmer at napakapit sa laylayan ng damit.

"Ano ba tanda! Tinakot mo ang kapatid ko, eh."

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon