Chapter 60

2.8K 84 8
                                    

Killy's POV.

"Gumising ka. Killy!"

Sino ‘yon? Bakit pakiramdam ko para akong nakatulutang sa ere?

"Killy, xýpna." Killy, wake up.

Pamilyar ang boses niya. Parang si...

Bigla akong napabalikwas ng bangon. Sh*t! Nahihirapan din akong huminga! Para akong tumakbo hanggang sa maubos ang lakas ko.

"Buti naman at gising ka na." Napatingin ako sa aking gilid.

"H-Hevianna?" Tumingin-tingin ako sa aking paligid nang makarinig ng mga boses galing sa iba't ibang nilalang. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ‘to.

"Nandito na tayo Killy, sa nakaraan ni Spane." Oo nga pala, hiniling ko kay Havianna na dalhin ako sa nakaraan ni Spane. Gusto kong ako mismo ang makakaalaman ng karaan niya para totoo ang lahat ng impormasyon na malalaman ko. Kaysa naman ipakuwento ko sa kaniya ang kaniyang nakaraan na siguradong hindi niya gagawin o kung gagawin man niya—paniguradong ang ilang impormasyon ay gawa-gawa lamang at putol ang iba.

Kaya mas mabuti na rin siguro na ako mismo ang dumayo sa nakaraan niya. Mas makatotohanan ang makikita ko rito.

"Teka Hevianna, baka naman bigla tayong sugurin ng mga nilalang na ‘to. Tingnan mo naman ang hitsura at pananamit natin kumapara sa kanila. Paniguradong malalaman kaagad nila na dayuhan tayo, sa sobrang dami ng mga ‘to siguradong mahihirapan tayo," bulong ko kay Hevianna.

"Voccos ang lahat ng mga ‘yan, at huwag kang mag-alala, hindi nila tayo nakikita." Napanganga ako sa sinabi ni Hevianna.

"Kung gano'n ganito karami ang angkan ni Spane?!" gulat kong tanong.

Tumango naman si Hevianna bilang pagtugon. "Sa loob ng mahabang taon na nabubuhay sila, patuloy silang nagpaparami."

"Bakit nila ginagawa ‘yon?"

"Para masakop nila ang mundo," tugon niya. "Nasa palasyo na ‘yon si Spane. Makatatakbo ka ba ng mabilis?"

Tumango ako, "Oo naman."

"Kung gano'n, sundan mo ako."

Kasabay ng pagtakbo ni Hevianna ang siyang pagtako ko. Mabilis si Hevianna kumpara sa akin, hindi ko pa nakikilala ang buo niyang pagkatao pero may pagkakataon pa naman akong malaman ‘yon. Nananatili siyang misteryo ng buhay ko. Marami siyang nalalaman, para bang kaya niyang basahin ang buhay ng isang nilalang sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa isang nilalang.

Bigla akong napatigil nang mapansin kong huminto sa pagtakbo si Hevianna at nasa loob na kami ng isang silid na walang laman—malamlam din ang liwanag sa kuwarto na ‘to.

"Hayun si Spane at ang kaniyang ama." Napatingin ako sa dalawang nilalang na tinuro ni Hevianna.

Naglalaban ang dalawa, at parehong seryoso ang kanilang hitsura. Walang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa kanilang mga mata habang naglalaban.

"Bata pa si Spane ng mga panahong ‘to. Bata pa lang siya'y sinasanay na siya ng kaniyang ama sa pakikipaglaban, actually, lahat ng mga bata rito ay katulad ni Spane, pero bukod-tangi si Spane na sa ganiyang edad ay sobrang lawak na ng kaalaman sa pakikipaglaban." Biglang napatingin si Hevianna sa pinto ng silid na ito. "May paparating." Naging alerto ako at nakatutok lamang ang paningin ko sa pintuan. Maaari kayang may nakasunod sa amin? O kaya naman may nakakaalam din ng paraan na ginamit ni Hevianna para makapunta kami rito?

"Patéra." Si Spike, pero binata pa lang siya sa panahon na ‘to. Isa rin siyang Voccos, dahil tinawag niyang ama ang lalakeng kasama ni Spane sa training. "Gumawa si mi̱téra ng makakain, magpahinga raw po muna kayo," sabi nito.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon