Killy's POV.
Sa harap talaga ng mga reporters?! What the h*ll! Ano bang nasa isip ko? Nahihibang na yata ako!
"Anong ginagawa mo rito Ms. Night?" tanong ni Liam nang makabawi sa pagkagulat. Bumalik ang dati niyang ekspresyon na seryoso. "Can't you see that I'm in the middle of interview?" Naku naman! Kung alam ko lang, e di sana hindi na ako pumunta rito ng ganitong oras! Ugh! So stupid!
"Correction, it's 'Nightblood' and your surname is not just Dark, it's Darknight," I corrected him.
"Miss, sino ka po? Ano po ang koneksyon mo kay Mr. Dark?" tanong nang isang reporter. Okay! Lahat ng camera nakatutok sa amin!
"I'm just an acquaintance of Mr. Dark," sagot ko sa tanong ng reporter. Hinarap ko muli si Liam. "We need to talk, it's about our past." Hininaan ko lang ang boses ko. Maraming chismoso't chismosa sa paligid. Hindi na ako magtataka kapag nakita ko ang sarili ko sa T.V mamaya.
"What about our past? Do we have?" tanong ni Liam.
"Of course we have!" I exclaimed.
"Tumigil ka nga!" Napatingin kaming dalawa ni Liam sa babaeng nasa likod niya. Wow, a bitchy witch. "How could you?! ‘Wag ka ngang gumawa ng iskandalo rito! Have some respect!" May galit sa tono ni Esperanza.
"Respect? Ikaw ba? Ni-respeto mo ba ang relesyon namin ni Liam? Di ba hindi?! Kasi kumabit ka! Ang lakas ng loob mong sabihang kabit ‘yong artistang si Faith, eh, wala ka namang pinagkaiba sa kaniya!" Kapal naman ng mukha niyang mag-demand ng respect! Pasabugin ko kaya mukha ng babaeng ‘to?
My precious babies, stay put lang kayo d'yan, ha? ‘Wag n'yong gagayahin si mommy. Masama ‘to.
"Walang'ya ka!" Akmang susugurin ako ni Esperanza pero hindi niya nagawa dahil humarang si Liam.
Sayang naman! Gusto ko pa naman makapag-unat-unat, exercise ba, kumbaga.
"Tumigil nga kayong dalawa! Nakakahiya! Nasa harap kayo ng camera! Maraming reporters sa paligid!" Madiing bulong ni Liam, sapat na para marinig namin.
"Paalisin mo siya Lance! Ginugulo lang niya tayo!" Ako? Nang gugulo? Wow! Kung hindi siya kumabit at b-in-rainwash si Liam, e di sana walang mangyayaring gulo!
"Wow! Ikaw rin ba ang nagbigay ng pekeng pangalan na ‘yon kay Liam? Ganon ka ba ka-desperada? Nabuhay muli kami pero wala kaming maalala kaya t-in-ake advantage mo ‘yon!" Wala akong pakialam kung may reporters sa harap. Kung ano man ang maging bunga nito, handa akong harapin.
Para sa mga anak ko.
"That's not true! Ikaw ang sinungaling! Matagal na kami ni Lance! Malandi ka kasi kaya gusto mo siyang maagaw sa akin!" Namumula na sa galit si Esperanza.
"Enough!" Ma-awtoridad na sabi ni Liam. Humarap siya sa akin na nakakunot ang noo. "Ti thélete?! Échoume mia symfo̱nía, thymi̱theíte?"
[Translation: What do you want?! We have a deal, remember?]Mapang-uyam akong tumawa. "Pes mou, ti eínai pio si̱mantikó gia esás? I etaireía sas í̱ to paidí mas? af̱tí̱ i̱ skýla í̱ na eínai o patéras sto paidí mas? Epiléxte, Liam."
[Translation: Tell me, what's more important for you? Your company or our child? That bitch or being father to our child? Choose, Liam]"Bitch please!" Napatingin kami kay Esperanza. Kulang ba sa atensyon ang babaeng ‘to?! Kanina pa siya, eh! "Sigurado ka ba na kay Liam 'yang dinadala mo?" May naka-ukit na nakakainis na ngisi sa mukha ni Esperanza.
"Oo, siguradong-sigurado ako. Gaya ng kung gaano ka kasigurado na hindi kami magkakabalikan ni Liam." Nagbago na naman ang ekspresyon ni Esperanza. Nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan ng galit. "Ano Liam? Nakapili ka na ba?" tanong ko kay Liam.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...