Chapter 51

2.2K 90 0
                                    

Hi Purplebabiesssssss!!!!

Excited na ba kayo? Kasi ako...? SOBRANG EXCITED NA!

WHY?

Ahm... I'm not that really happy kasi malapit na matapos ang Heaven University at for sure na mami-miss ko ang panganay kong si Killy. Masaya ako dahil mababasa n'yo na ng buo ang Heaven University. I just want to inform you, my babies. Hindi ako sigurado kung less than 60 chapters, exact 60 chapters, or more than 60 chapters 'tong Heaven U. Basta ang sigurado ko lang ay hindi na 'to aabot ng 70 chaps.

Sana nagustuhan ninyo ang book 2 ng Half Blood Academy which is itong story na 'to. Ginawa ko talaga 'to para mapasaya kayo. Maraming-maraming salamat. Mahal ko kayo, Purplebabies.

************************************

'Sa isang mapanganib na sitwasyon.
Ang aming desisyon, ang tanging solusyon.'

Hindi ko mapigilang hindi kilabutan sa tanawing nakikita ko habang patuloy kaming lumalakad sa lugar na 'to. Hindi nauubusan ng mga bangkay na inaagnas na sa paligid, at napansin ko rin na makulimlim at parang hindi umaabot ang sinag ng araw sa lugar na 'to kahit nakikita ko ang kalangitan.

Ang creepy lang na may ganitong klaseng lugar na umusbong sa ilalim ng Heaven University. Kumbaga sa ilalim ng Higera Forest ay mayroon pa ulit na gubat. Gubat sa ilalim ng gubat. Weird right?

"How can the tress and plants survive here?" May matataas na puno sa paligid. Gubat na gubat talaga siya pero may mga bangkay sa paligid. "And how can this place exist? Gusto kong malaman kung paano nagkaroon ng gubat sa ilalim ng gubat? Hindi naman tayo pumasok sa loob ng portal para makapunta sa lugar na 'to. Paano? Hindi ko maintindihan." Kanina pa kami naglalakad. Hindi ko nga alam kung naliligaw na ba kami!

"May barrier na naghihiwalay sa gubat na 'to at sa Higera Forest maging sa Heaven University. Maraming daan para makapunta sa lugar na 'to pero iilan lang ang nakakaalam sa mga lagusan na 'yon, at 'yong kuweba kung nasaan tayo kanina ay isa mga lagusan. Ang pinakamadaling daan ng hindi humaharap sa bantay." Napakunot ang noo ko at mas lalo akong naguluhan.

"Ang ibig mo bang sabihin ang ibang lagusan upang makapunta sa lugar na 'to ay may nagbabantay?" Tumango si Esperanza bilang sagot. "Kung gano'n bakit walang nagbabantay sa lagusan na dinaan natin kanina?"

"Si Hevianna ang may-ari ng lagusan na 'yon. Desisyon niya kung maglalagay siya ng bantay, pero sa lakas na mayroon si Hevianna, hindi niya na kailangan pa ng bantay sa lagusan na pag-aari niya."

"Bakit?" Pag-uusisa ko.

"Nakikita niya kung sino ang pumapasok at lumalabas sa lagusan na 'yon. Kaya paniguradong alam niya na na pupuntahan natin siya." Napatango ako. Gaano ba kalakas si Hevianna? Napapansin ko na kapag pinag-uusapan namin siyang dalawa ni Esperanza, nakikita ko sa mga mata niya ang paghanga.

Maybe my real mother is really strong and powerful.

"We have to move fast." Napatigil kaming dalawa ni kuya nang marinig ang sinabi ni Esperanza. Nakatingala siya sa kalangitan at may pagkabahala ang ekpresyon ng kaniyang mukha.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon