Chapter 13

3.3K 113 18
                                    

Killy's POV.

"Hindi ko alam na isang sampal pala ang paraan ng pagbati mo sa iyong bisita. Ganiyan ka rin ba sa iba mong mga basita? Ms. Night?" Seryosong tanong ni Liam. Mukhang hindi niya inalintana ang sampal na iginawad ko sa mukha niya.

"Hind, special ‘yon, para sa ‘yo lang." Napatingin ako kay Ain. Nakakuyom ang kamo niya at gumagalaw ang kaniyang panga. Mukhang anumang oras ay aatakihin niya na si Liam. "Ain, leave us. Sa kusina ka muna." Nakakunot ang noo niya ng ibaling niya ang tingin niya sa akin.

"No way!" Pagtutol niya. "Paano kung may gawin ulit sa ‘yo  ‘tong g*go na ‘to?!" Nagulat na lang ako nang biglang sapakin ni Ain si Liam. "G*go ka! Pagkatapos mong babuyin si Rica magpapakita ka pa rito! Hayup ka! Papatayin kita!" Walang tigil niyang pinagsasapak si Liam.

"Ain! Ano ba?! Tumigil ka!!" Pinigilan ko si Ain. Susuntukin niya sana ulit si Liam pero hindi ko hinayaang mangyari ‘yon. Sinalo ko ang kamao ni Ain gamit ang aking kamay. "I SAID STOP!!" Sigaw ko kay Ain. Tumigil siya ngunit matalim pa rin ang tingin niya kay Liam. "Labas! Lumabas ka, Ain!" Seryoso akong tumingin sa mga mata niya. Hindi pa nga siya magaling naghahanap na naman siya ng sakit ng katawan!

"We're not done yet!" Madiin na sabi ni Ain kay Liam. Bago siya lumabas ng opisina ko, binangga niya muna ang balikat ni Liam.

"Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Gusto kong malaman kung naaalala mo ba ako Liam. Okay lang sa akin kahit may mahal ka ng iba, basta sabihin mo lang sa akin ang totoo..." Tumingin ako sa mga mata niya, pagkalito ang tanging nakita ko. "Naaalala mo ba ako, Liam?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi kita maintindihan Ms. Night. Lance ang pangalan ko at hindi Liam. Wala rin akong maalala na magkakilala tayo noon."

"Pero ikaw si Liam!" Kainis!  Tama na Killy! ‘Wag mo nang ipagpilitan. Hindi ka talaga niya naalala... "‘Yong nangyari sa atin? Ano ‘yong nangyari sa atin?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Tungkol doon. Gusto kong kalimutan na lang natin ang nangyari sa atin. Wala lang naman ‘yon. It's just a simple plain sex." Nagpantig ang tenga ko. Napakuyom ang kamao ko at nagtangis ang aking bagang. "I have girlfriend, Ms. Night. Ayokong masira ang relasyon naming dalawa. Mahal na mahal ko si Esperanza."

"Kalimutan? Wala lang? Simple plain sex?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa mga mata niya. Gusto ko siyang hampasin sa ulo nang baka sakaling maalala niya ang lahat. Pero paniguradong walang mangyayari... Wala na. "Hah! Pagkatapos mo akong halayin sasabihin mong kalimutan ko na lang ‘yon?! Ha?! Palibhasa kasi walang nawala sa ‘yo!"

"Para sa atin rin ‘to Ms. Night. Kapag nalaman ng lahat ang nangyari sa atin, sa tingin mo ano ang sasabihin nila sa ‘yo? Sa ating dalawa! Babagsak tayong dalawa Ms. Night! Mawawala ang lahat sa atin! At hindi ko hahayaang mangyari ‘yon."

"Ang selfish mo! Idadamay mo pa ako, eh, halata naman na sarili mo lang ang iniisip mo! Nasa ‘yo ang girlfriend mo at pati ang kumpanyang pinaghirapan mo! Hindi ako tanga Liam!" Bakit?! Bakit ako nasasaktan?! Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko! Bakit?! "Wala akong pakialam kung malawa o bumagsak ang restaurant ko. Alam mo kung bakit?" Hindi mo alam Liam. Kasi katulad ko ay wala ka ring maalala. "Kasi may mga kaibigan pa ako. Si Janine, Railey, Ryza, Jessie, Shanlee, at Juliuse. Nandiyan rin si lolo Andes at lola. Si Mom at si tanda. Mawala man sa akin ang restaurant na matagal ko ng pinakaiingatan, hindi naman sila mawawala sa akin. Eh, ikaw? Sa oras na malaman ng lahat ang nangyari sa atin, hindi lang kumpanya mo ang mawawala... Pati ang pinakamamahal mong si Esperanza." Nagtangis ang bagang ni Lance at akmang sasampalin ako pero itinapat ko sa leeg niya ang matalim kong kuko.

"Hindi ako natatakot sa ‘yo. Hindi mo ako kilala kaya—" Pinutol ko ang sinasabi niya.

"Kilala kita. Kilala kita base sa kuwento sa akin ng mga kaibigan natin." At masasabi kong ibang-iba ka na ngayon Liam.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon