Chapter 18

3.2K 109 15
                                    

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong ilaw na tumatama sa mukha ko.

Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang dalawang tukmol na kinukuhanan ako ng litrato habang tulog. Napatigil sila nang makitang gising na ako at masamang tumingin sa kanila.

"K-Killy, gising ka na pala." Napakamot si Val sa kaniyang batok.

"N-Nasa Pilipinas na tayo," sabi ni Ain na nakatingin sa ibang dereksyon.

Kinusot ko ang aking mata at humikab. Nakaramdam na naman ako ng ilaw na tumama sa mukha ako.

"Ano ba! Tigilan niyo ang pag-picture sa akin!" Inis na sabi ko sa kanilang dalawa.

"Pang wallpaper at lock screen lang," sabi ni Val.

"Oo nga, tama si Val," pagsang-ayon ni Ain.

"Tigil-tigilan n'yo akong dalawa. Sabihin n'yo nga, kanina pa ba tayo naririto?" tanong ko.

"Oo, mga isang oras na ‘ata," sagot ni Val.

Napamulagat ako. "Ano?! Isang oras? Bakit hindi n'yo ako ginising?!" Gulat na tanong ko. Nag-iwas lang silang dalawa ng tingin at mas piniling huwag sagutin ang tanong ko. "‘Wag n'yo nang sagutin! Alam ko na kung bakit." Napailing na lang ako. Mukhang naging busy sila sa pagkuha ng pictures ko kaya hindi na nila namalayan ang oras. "Tara na, baka mabangasan ko pa kayong dalawa." Bumababa ako ng eroplano. Nakasunod sa akin ‘yong dalawa habang nakatingin sa cellphone kanilang at nagpapaligsahan pa kung sino ang may pinakamagandang kuha ng litrato ko.

Hay...! Ano ba ang dapat kong gawin sa dalawang ‘to?

Nakarating kaming tatlo sa parking lot. Buti naman at natapos na sila sa pagpapataasan.

"Sa ‘yong kotse ba ang gagamitin, Val?" tanong ko.

Umiling si Val. "Nope. ‘Yong kay Ain daw ang gagamitin, ‘yon ang sabi niya," ani Val.

Bumaling ako kay Ain. "Ain?"

"That's my car," Ain said while pointing the white Mitsubishi on our right side. "So... Let's go?"

"Tara na. Katabi ko si Killy sa backseat" Inakbayan ako ni Val.

"No!" Pagtutol ni Ain at inalis ang braso ni Val na naka-akbay sa balikat ko. "Sa shotgun seat u-upo si Killy. Ikaw sa back seat, at ako naman sa driver's seat. Gets?" Sinundot-sundot pa ni Ain ang noo ni Val.

"Mas lalong hindi! Sige, ikaw na sa driver's seat tutal sa ‘yo naman ‘yang kotse, pero kaming dalawa ni Killy sa back seat," sabi ni Val.

"I'm not your driver, you bastard!" Masungit na sabi ni Ain.

"Mukha ka namang driver, kamukha mo nga yung driver ko, eh." Mapang-asar na sabi ni Val na may nakaka-asar na ngiti.

As usual, nag-away na naman ‘yong dalawa at ako na naman ang a-awat sa kailang dalawa. 

"TIGIL!!!" Sigaw ko. Agad naman silang sumunod at lumayo sa isa't isa. "Hindi ba talaga kayo magkakasundong dalawa?! Lagi na lang kayong nag-aaway! Ano?! Magta-taxi na lang ako kung ganiyan kayo!" Mas malala pa sila kaysa sa mga anak ko. ‘Yong tatlo kong anak isang saway ko lang titigil na, pero itong dalawang ‘to ilang beses ng sinasaway hindi pa rin tumitigil.

"Sorry..." Sabay nilang sabi.

Napairap na lang ako. "Tara na, sa back seat ako. Kayong dalawa sa harap."

Sa susunod magdadala na talaga ako ng kutsilyo para magsaksakan na lang silang dalawa, at least kapag gano'n makakapanood pa ako ng live na action na sa parking lot ang setting.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon