Killy's POV.
"Ikaw ba ang boss nitong babaeng ‘to? Gusto ko siyang i-report dahil sa pambabastos niya sa akin!" sabi no'ng babaeng kasama ni Mr. Dark. Kay Ain lang naman siya nagrereklamo.
"Ang kulit din ng lahi mo, eh, 'no? Ako nga ang may-ari ng restaurant na ‘to!" Hirap talagang makipag-usap sa mga tanga.
"I don't believe you! Tingnan mo naman ang itsura mo sa itsura niya." Nakataas ang kilay no'ng babae habang pinapasadahan kami ng tingin ni Ain.
Ininspeksyon ko ang itsura ni Ain. "Maayos ang buhok niya at naka-formal attire siya..." So? Ano naman ngayon?
"Exactly! And look at you. You're wearing a simple plain T-shirt and a jeans. Siya ang boss dito at hindi ikaw," sabi no'ng babae habang nakaturo kay Ain.
"You're mistaken, Miss. I'm not the manager nor the owner of this restaurant," magalang na sabi ni Ain.
"Then who?" The womaN ask while raising her eyebrow.
Tinapik ni Ain ang balikat ko. "She's the owner and also the manager. If you want to report something in this restaurant then you have to report it to her." Nanlaki ang mata no'ng babae at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Ain.
Oha! Oha! Pahiya ka ngayon! Don't judge the book by its cover, ika nga.
"I can't believe this! Ikaw ang may-ari ng restaurant na ‘to pero naka-suot ka ng pang-waitress? Your the owner so you have to act like one." Teka nga! Sino ba ‘tong babaeng ‘to?
"Pwede ba? ‘Wag mo nga akong pakialaman. Stylist ba kita para pakialaman kung ano ang dapat kong ayos?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kung maging stylist man ako, hindi ko gugustuhing maging stylist mo. Tingnan mo nga ang sarili mo. Ang dumi-dumi na ng damit mo at mukhang hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo." Namumuro na ‘tong babaeng ‘to ah! Sa paraan ng pananalita niya, siya ang nagmumukhang bastos sa aming dalawa. Kulang ‘ata sa aruga ang isang ‘to eh.
"Esperanza enough! Hayaan mo si Ms. Night kung ano ang gusto niyang suotin. It's not your business anymore. Gumagawa ka na ng eksena! Nakakahiya!" Galit na sabi ni Mr. Dark doon sa babae. Esperanza pala ang pangalan no'ng babae.
Wait a minute! Her name is familiar. Parang narinig ko na ang pangalan niya pero hindi ko matandaan kung saan.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tumibok ng puso ko. Kakaibang pakiramdam na ‘to. Hindi ko maipaliwanag.
"Kung ganon mas kinakampihan mo pa ang babaeng ‘yan kaysa sa akin? Ha Lance?!" Masama ang tingin ni Esperanza kay Mr. Dark. "Ako ang girlfriend mo kaya dapat sa akin ka kumampi hindi d'yan sa babaeng ‘yan!" Sabi pa niya habang nakaturo sa akin.
"Kung mag-aaway kayong dalawa, roon kayo sa labas! Naiistorbo n'yo ang costumer ko!" Bago lumabas si Esperanza, isang matalim na tingin ang ibinato niya sa akin.
"Hindi pa tayo tapos!" Aba! Aba! Talagang humihirit pa ‘tong babaeng ‘to. Masasampal ko na talaga siya.
"Mr. Dark, sundan mo na ang girlfriend mo," sabi ni Ain kay Mr. Dark. Seryosong tumingin sa akin si Mr. Dark bago sinundan ang kanyang girlfriend. "Ayos ka lang?" tanong ni Ain.
"Oo, nakakainis lang ‘yong Esperanza na ‘yon. Akala mo kung sino kung makapagsalita." Pinagmasdan ko ang suot ko. Napailing na lang ako kasi normal naman na ganito ang suot ng mga waitress. Alangan naman magsuot ako ng gown! "Panget ba talaga ‘yong suot ko? Ito naman lagi ‘yong suot ko kapag nandito ako, ah. Ngayon lang may pumansin sa suot ko. May mantsa lang naman ng ketchup." Tsk! Naging conscious tuloy ako sa suot kko!
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...