Chapter 41

2.4K 97 18
                                    

NAIINIS ako! Gusto kong ibuhos ang galit ko kay Liam at Esperanza, gustung-gusto ko pero hindi ko magawa! Hindi ko magawa sa hindi ko malamang kadahilanan.

"My Queen, pag-usapan naman natin ‘to, please. Nagmamakaawa ako, ‘wag naman ganito. ‘Wag ganito, parang awa mo na." Hindi ko siya pinakinggan. Wala akong pakialam kahit na maglumpasay pa siya sa sahig. WALA AKONG PAKIALAM! "Sige na, m-magalit ka na sa akin, ‘wag mo na akong pansinin, pero please... Please, I-I'm begging you... Don't leave. ‘W-Wag mo akong iwan, Kill. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala na naman kayo ng mga bata. Hindi ko kakayanin... H-Hindi ko kaya." Natigilan ako sa pag-iimpake ng gamit ko. Hinarap ko siya na walang kahit anong ipinapakitang emosyon. "M-My Queen. Please, stay with me. Stay by side... I'm begging, please." Akmang lalapat siya sa akin upang yakapin ako pero biglang siyang napatigil nang magsalita ako.

"Alam mo... I treat you as my knight, my protector, and especially my king." Puno ng pagsisisi ang kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa mga mata ko at mataman ko rin siyang tiningnan sa kaniyang mga mata "I thought you can protect me like I'm a special diamond that you don't want to have even a single scratch, but I was wrong. I thought you can protect me from being hurt 'cause you said that I'm your queen, but why are you always hurting me? Akala ko ba mahal mo ako? Parte ba ng pagmamahal mo ang saktan ako ng paulit-ulit? Parte ba ng pagmamahal mo na sirain ang tiwalang ibinibigay ko sa ‘yo? Ha? Liam? Kung ganon ka naman pala magmahal, e di sana una pa lang... HINDI NA KITA MINAHAL." Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Mapang-uyam akong tumawa habang nakatingin sa kaniya. Heto na naman, nangyayari na naman. "That will not work on me anymore, Liam." Sinarado ko ang maleta ko at binitbit ito. Aalis na sana ako pero niyakap ni Liam ang binti ko dahilan para hindi ako makalakad.

"N-No! Please, I-I'm begging you... Don't do this to me. Don't leave me! Nagmamakaawa ako, parang awa mo na Killy. P-Patawarin mo ako!" Nag-umpisa na siyang humagulgol. Nilulukob ng galit ang puso ko at hindi ko magawang maawa sa kaniya. He started this. "Please... My Queen..."

"Wala naman na akong dapat putulin sa pagitan natin. Walang namang tayo at hindi tayo kasal. Mas mabuti na rin siguro ‘to. Mag-usap na lang tayo ulit kapag handa na tayong dalawa. Sarado pa ang isip ko kaya hindi ko tatanggapin ang patawad at eksplanasyon mo. Huwag mo na ring ipagpilitan ang gusto mo Liam, baka kasi mapatay lang kita." I used my Igley power to free my self from him. Bitbit ang aking maleta, naglakad ako palabas ng kwarto namin. Hindi ko pa inaalis sa kaniya ang kapangyarihan ko kaya kontrolado ko pa rin ang katawan niya. Hindi siya makagagalaw hanggat hindi ko inaalis ang kapangyarihan ko.

Nang malapit na ako sa gate ng rest house, tinanggal ko na ang kapangyarihan ko sa katawan ni Liam. Nilingon ko muli ang rest house na sana hindi ko na lang ginawa dahil nanumbalik na naman sa aking alaala ang mga masasayang nangyari sa lugar na ‘to.

"B-Bakit ba sa tuwing nagiging masaya ako kapalit no'n ay sobra-sobrang sakit at kalungkutan...? Wala ba akong karapatang sumaya?" Lumabas na ako sa rest house habang nakasimangot. Inayos ko lang ang postura ko nang makita ko ang mga anak kong naghihintay sa akin sa labas. "Oh, bakit nandito pa kayo? Dapat sa loob na lang kayo ng kotse naghintay, ang init-init pa naman dito sa labas." Pinilit kong maging natural sa harap nila. Ayokong makita nila akong mahina. Alam kong naapektuhan din sila sa nangyari dahil nakikita ko sa mga mata nila ang lungkot at pagkadismaya. "Pumasok na kayo sa loob ng—" Naputol ang sinasabi ko nang biglang may malakas na boses na tumawag sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

"Saan mo dadalhin ang mga anak ko?!" tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Sasama sila sa akin," simpleng sagot ko.

"No! Hindi sila sasama sa ‘yo! Anak ko pa rin sila at may karapatan—"

"Anong karapatan ‘yang pinagmamalaki mo?" Seryoso akong nakipagtitigan sa kaniya. "Sige, kapag sumama sila sa ‘yo hahayaan kong manatili sila sa poder mo pero kung ayaw nila... Pasensyahan tayo Liam, hindi ko sila ibibigay sa ‘yo kahit na umabot pa tayo sa punong konseho at kahit ipagduldulan mo pa sa akin ‘yang KARAPATAN na sinasabi mo!" Hinding-hindi ko ibibigay sa kaniya ang mga bata. Wala akong pakialam kung tuluyan man kaming magkasira ni Liam pero hindi niya makukuha ang mga bata.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon