Killy's POV.
Nakatitig ako sa nakaluhod na si Esperanza sa harap ko habang may tumulong luha sa kaniyang pisngi.
She look so hopeless.
Mapang-uyam akong natawa. Tang*na mas hopeless pa nga ako kaysa sa babaeng ‘to.
"Anong sabi mo?" tanong ko. Gusto kong marinig muli ang sinabi niya dahil ayaw rumihistro sa utak ko.
"M-May anak akong pinuprotektahan. ‘Yong ama ng anak ko ay nasa panganib, kailangan kong ibalik ang lalaking mahal ko. Kailangan ko siya, at magagawa ko siyang maibalik sa tulong mo." Hindi ako makapaniwala na luluhod si Esperanza sa harap ko para hingin ang tulong ko.
Pero nakababahala ang sinabi niya...
"S-Sino ang ama ng anak mo?" Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Isa lang naman ang alam kong lalaking minahal niya.
Si Liam.
Imbis na sagutin ang tanong ko. May inilabas siyang litrato sa kaniyang bulsa ay inabot sa akin habang nanginginig ang kaniyang kamay.
Kinuha ko ang litrato at pinagmasdan ito. Nakita ko si Esperanza na may kasamang bata at isang lalake. Mukha silang masaya sa picture habang pinagigitnaan ang anak nila.
"A-Ain..." Tinitigan ko nang mabuti ang lalake sa litro. Hindi ako maaaring magkamali, si Ain ang lalaking ‘to! "K-Kung gano'n si Ain ang ama ng anak mo? A-Ang asawa mo?" Matagal ko nang kasama si Ain. Simula nang pamahalaan ko ang restaurant ni Lolo Andes, kasama ko na si Ain.
Mahigit limampung taon.
"H-Hindi ko siya asawa." Pag-amin niya. "Hindi kami kasal pero may anak kami. Mas pinili naming manatili sa mundo ng mga tao dahil doon paniguradong hindi kami hahabulin ng mga tauhan ng punong konsehal." Tumingin siya sa mata ko. "Ina sa ina, Killy. Alam mo kung gaano kahigpit ang patakaran ng mundong ito pagdating sa pag-aasawa. Hindi maaaring magkaroon ng anak ang isang babaeng naninirahan sa mundong ito lalo na kung hindi kasal sa lalake. Alam kong alam mo ang kinahaharap ko ngayon dahil parehas tayo ng sitwasyon." Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumayo. "Ang pinagkaiba lang natin, kinatatakutan ang angkan mo kaya ayaw kang galawin ng punong konsehal. Pero ako? Anong laban ko?"
"H-Hindi ko maintindihan..." Nagdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Hindi ko alam! Naguguluhan ako! "I-Imposible ‘yang sinasabi mo. Si Liam... Paano si Liam? ‘Di ba kaya ka naririto kasi gusto mong sirain ang pamilya namin? Esperanza, ‘yong mga ipinakita mo sa akin noon. Ang paglayo mo sa akin kay Liam at pag-angkin sa kaniya kahit sa akin siya! Totoong-totoo ang lahat ng iyon."
She shook her head. "No, it's part of the plan." Natigilan ako sa sinabi niya.
"P-Plan?"
She nodded. "Wala akong nararamdaman para kay Liam. Wala akong pakialam sa inyo. Nadawit lang ako sa gulo n'yo nang makilala ko ang ina mo."
"Si Mom? Si Shasha Nightblood?" Anong kinalaman ni Mom dito? Mas lalong akong naguguluhan!
"Ang tunay mong ina." Parang huminto sa pagpintig ang puso ko. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako o malulungkot o magagalit—Hindi ko na alam!
"S-Si H-Hevianna?" Tinanguan niya ako. Literal na nanginginig ang kamay ko ngayon. Sa sobrang daming nangyayari, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. "A-Anong kinalaman niya sa nangyayari ngayon?" Gusto ko ng sagot. Gusto kong mapanatag ang isip ko...
At gusto kong malaman kung kalaban ba o kakampi ang aking tunay na ina.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...