"RICA!" Nagulat ako nang makitang wala na sa kamay ko ang baril. "What are you doing?! Balak mo bang patayin si Mr. Dark?!" May inis sa boses ni Ain. Pagkatapos niya ako titigan ng masama kay Mr. Dark naman niya ibinaling ang masama niyang tingin. "Ayaw namin ng gulo Mr. Dark, kung professional ka talagang businessman alam mo kung kailan susukuan ang taong ino-offer-an mo. Ako na ang magsasabi sa 'yo, kapag hindi mo tinigilan ang boss ko..." Itinutok ni Ain ang baril sa ulo ni Mr. Dark. "Ako mismo ang papatay sa 'yo."
"Tara na," sabi ni Mr. Dark sa kaniyang mga bodyguards. Umalis na sila at sumakay sa isang magara at mamahaling kotse.
Speaking of kotse. Nadispatsa na kaya ni Val 'yong kotse ko? Sana oo.
Tumingin ako kay Ain. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin. Walang buhay ang kaniyang mata at napakaseryoso ng kaniyang mukha. Heto na naman! Nararamdaman ko na naman 'yong init na nanggagaling kay Ain at parang mas tumitindi ito sa tuwing nagagalit siya.
Ano bang klaseng pakiramdam 'to?
"Bakit?" Seryoso kong tanong. Pinilit kong itago ang utal sa boses ko, mabuti nga't nagawa ko.
"Wala..." Bigla na lang siyang nag-walk out. Pumasok siya sa kusina, sumunod ako at nakita ko siyang nagluluto. Nakatulala siya pero gumagalaw ang kaniyang kamay at hinahalo ang kaniyang niluluto.
Hinawakan ko siya sa balikat bahagya siyang napa-igtad sa gulat at napatingin sa akin. "May problema ba?" tanong ko.
"Wala." Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Napabuntong-huninga ako, "Ain. Galit ka ba sa akin? Kilala kita at alam ko kung galit ka o hindi."
"Hindi ako galit sa 'yo," Aniya at pinatay ang kalan na kaniyang pinaglulutuan. Humarap siya sa akin na may seryosong expression. "Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin, pero siguro naman may karapatan kang malaman ang mga nakikita ko sa tuwing kasama kita," aniya, na nagpagulo sa aking isipan.
"Nakikita? What do you mean?"
Bumuntong-hinga siya bago magsalita. "Naalala mo ba noong unang beses tayong magkita? Kumakain ako rito no'n tapos bigla kang lumabas sa kusina dahil may nagrereklamong customer." Oo, naalala ko 'yon. Iyon din ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaibang init kahit naka-aircon ang restaurant. "Nang magtagpo ang mga mata natin no'ng oras na 'yon, iba na ang kutob ko sa 'yo. May kutob na ako na hindi ka tao." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Kung ganoon parehas pala kami, may kutob na rin ako noon na kakaiba siya. 'Yon nga lang, hindi ko inisip na hindi siya tao. Tao naman si Ain, 'di ba? "Ginawa ko ang lahat para mapalapit sa 'yo at para makilala ka ng husto. 'Yong ginawa mo kanina sa baril no'ng mga kasama ni Mr. Dark, alam kong ikaw ang nagpalutang no'n. Noong mga oras na 'yon, napatunayan ko na hindi ka talaga tao. Ano ka ba talaga, Rica? O dapat mas tamang Killy ang itawag ko sa 'yo." Mas lalo akong nagulat. Ang daming tanong na tumatakbo ngayon sa isip ko. Paano? Paano niya nalaman na Killy ang pangalan ko? "Paano ko nalaman ang pangalan mo? Simple lang, nagpaimbistiga ako. Kinuhanan kita ng picture at ipinakita iyon sa kakilala ko. Pagkakita niya ng picture, nalaman niya na kaagad kung sino ka." Ilang beses akong napalunok, paniguradong hindi pangkaraniwan 'yong kakilala niya. Sigurado ako hindi tao ang tinutukoy niyang kakilala niya. "Ang nakakapagtaka lang, tanging pangalan mo lang ang nalaman niya, maliban doon ay wala na. Kaya gusto kong malaman ngayon kung sino ka ba talaga."
Umiling ako, "Hindi ko maaring sabihin sa iyo. Konpidensyal ang aking pagkatao. Hindi ako basta-basta nagbibigay ng impormasyon tungkol sa sarili ko." Hindi pa ngayon dahil kahit ako ay inaalam pa ang buo kong pagkatao.
"Isang tanong na lang. Tao ka ba o hindi?"
"Gaya nga ng sabi mo, may kutob ka na hindi ako tao. Pwes tama ka, hindi ako tao. Ikaw? Tao ka ba?" Seryoso kong tanong.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...