Chapter 19

3.2K 120 8
                                    

Killiam's POV.

"Killiam!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong may tumatawag sa akin. "Hoy! Ano? Wala kang balak na lingunin kami?" I sighed. Bakit na naman ba?

"What?" tanong ko nang lingunin ko sila. "Ano na naman bang kailangan n'yo sa akin?"

"Hindi ka talaga aware sa nangyayari sa paligid mo ‘no?" Mataray na tanong ni Sandara.

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Ms. Braces?" I always calling her as Ms. Braces because she have braces attached on her teeth.

"Don't call me Ms. Braces! My name is Sandara, S-A-N-D-A-R-A!" Ang sungit talaga ng babaeng ‘to.

"Bro, ‘yong kapatid mo inaaway na naman," sabi ni Mj habang nakapamulsa.

Sh*t naman!

"Sino sa kapatid ko?" Seryoso kong tanong.

"Si Killiav." Napatingin ako kay Trisha nang magsalita siya. Madalang lang siyang magsalita pero sa tuwing naririnig ko ang boses niya, I feel something...

Aish! Hindi, hindi gano'n ‘yon Killiam.

"Nasa quadrangle sila. Tara na, bagal-bagal. Mamaya kung ano na ang ginawa ni Estina kay Killiav," sabi ni Sandara. Hinila niya si Trisha papuntang quadrangle, sumunod naman kaming dalawa ni Mj.

‘Yong Estina Jemny na naman na ‘yon ang umaapi sa kapatid ko? Ayaw niya talagang tigilan si Killiav. Makakatikim na siya sa akin!

Nang makarating kami sa quadrangle, ang daming mga istudyante ng Heaven U. ang naririto.

Tsk! Ano kayang ginawa nung Estina na ‘yon sa kapatid ko?!

"Kawawa naman si Killiav."

"Oo nga, lagi na lang siyang inaaway ni Estina. Hindi kasi lumalaban."

"Oh, my god! Ano yong hawak ni Estina?"

Ilan lang ‘yan sa mga bulungang naririnig ko sa paligid.

Wait! Ano ba ang hawak no'ng Estina na ‘yon?

"AHHH!!!" Narinig ko ang pagsigaw ng kapatid ko, at kasabay no'n ay bigla akong nakaramdam na parang may kung anong gumagapang sa katawan ko.

Mabilis kong hinawi ang mga half bloods at pure bloods na nakaharang sa daan ko. Nang makarating ako sa harap, nakita ko si Killiav na punong-puno ng pulang langgam sa katawan, at si Estina na tumatawa habang pinapanood ang kapatid ko.

"Killiav!" Agad akong lumapit sa kaniya at tinulungan siyang alisin ang mga langgam sa katawan niya.

"Kuya! Help me, please! It hurts!" Maluha-luha si Killiav habang inaalis ang mga pulang langgam sa katawan niya.

Cures that bitch Estina for doing this to my sister!

Umuhip ang malakas na hangin, hinawakan ko si Killiav para hindi siya tangayin. Sa tulong ng malakas na hangin na ‘yon, natangay ang mga pulang langgam sa katawan ni Killiav.

"Kuya, there's still ants inside my clothe," ani Killiav.

"What?!" Aish! We're in a public place, hindi puwedeng hubarin ni Killiav ang uniporme niya! Paano na?

"What the hell is happening here?" Napatingin ako kay sa likuran ko ng may magsalita.

"Killian..." it's Killian, my sister.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon