Chapter 58

2.2K 68 7
                                    

Third person's POV.

Isang malademonyong ngiti ang naka-ukit sa labi ni Spane habang siya'y nakatingin sa isang salamin kung saan nakikita niya sina Killy at ang mga kasamahan nito na nakikipaglaban sa kaniyang mga alagad.

Paparating na sila, at habang lumilipas ang oras, mas lalong tumitindi ang pagnanasa ni Spane na makalaban si Killy.

Hindi na siya makapaghintay.

"Bakit ang tagal nila?! Gano'n ba kahirap tapusin ang mga alagad ko?! Hah! Nakakatawa! Sa mga alagad ko pa nga lang nahihirapan na sila, pa'no pa kaya kung ako na? Baka duguan na sila ‘di pa nila ako napapatay." Mapagmalaking wika nito.

"Wala pang kasiguraduhan ‘yan." Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at tiningnan ng masama ang nilalang na biglang sumulpot sa tabi niya. "Huwag ka munang magmalaki ngayon dahil wala ka pa namang nagagawa. Baka ‘yan pa ang maging sanhi ng pagkatalo mo." Mapang-uyam na natawa si Spane at tinaasan ng kilay si Spike.

"Sa totoo lang Spike, hindi na ako magtataka na habang naglalaban kami ni Killy ay bigla mo na lang akong saksakin sa likod." Lumapit siya sa kaniyang kapatid at pinakatitigan ito. "Wala na akong tiwala sa 'yo. 'Yong katiting na tiwalang pinanghahawakan ko, nawala na ngayon-ngayon lang." Nginisian ni Spane si Spike na para bang wala lang sa kaniya, na parang hindi siya naapektuhan, pero taliwas ang sinasabi ng kaniyang mga mata.

"Spane, ano ba ‘yang mga pumapasok sa isip mo? ‘Di ba ang sabi ko sa ‘yo kasama mo ako kasi ako ang kapatid mo. Sasamahan pa rin kita sa plano mo kasi kapatid kita!"

Umiling si Spane. "Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa ‘yo Spike, kung ‘yong kilos mo ba o ‘yong mga sinasabi mo. Minsan kasi sinasabi mong nasa panig kita pero minsan pinapamukha mo sa akin na walang kuwenta ‘tong gagawin natin. Ano ba talaga Spike? Ano ba talaga ang gusto mo?"

"Kung ano ang gusto mo, susuportahan kita."

"Akala ko ba gusto mong gumanti? Bakit ngayon hanggang supporta ka na lang? Spike, tayong dalawa ang inagrabyado! Nawalan tayo ng magulang dahil sa kanila!" Sa tuwing naaalala ni Spane ang pagyayayaring iyon ay ‘agad na sumisiklab ang galit na pilit niyang pinipigilan. Gusto niyang ilabas ang galit na ‘yon kapag nagkaharap na silang dalawa ni Killy. "Gaya ng dati Spike. Sumama ka man o hindi, wala akong pakialam. Huwag ka lang maging sagabal sa mga plano ko—dahil kung hindi wala na akong ibang magagawa kun'di patayin ka at isama ang bangkay mo sa bangkay nila kapag napatay ko na sila. Nagkakaintindihan ba tayo, Spike?" Hindi sumagot ang kaniyang kapatid. Nanatili itong nakatingin sa kaniya na walang emosyon ang mukha.

Napairap na lang si Spane bago nilisan ang kuwarto at para makapaghanda na rin siya.

Naiwan si Spike sa kuwartong iyon habang nakatingin sa mahiwagang salamin kung saan nakikita niya sina Killy na napatumba ang lahat ng mga alagad ni Spane at ngayon ay nasa harap na ng isang lumang mansyon.

'Nandito na sila,' sabi ni Spike sa kaniyang isip.

Wala siyang balak na isuot ang kaniyang hodded cloak at ang kaniyang face mask. Wala na siyang pakialam kung makita man siya ni Killy o nino man.

Sa oras na 'to, magulo ang isip ni Spike at hindi niya kayang magdesisyon ng maayos.

~•~•~

NASA harap na ng isang mansyon sina Killy. Sobrang dami ng kanilang nakaharap kaya sila natagalan. Hindi nila alam kung saan galing ang mga halimaw na ‘yon. Basta bigla na lang silang sumulpot sa kung saan.

"Nandito na tayo," anunsyo ni Hevianna.

Lahat sila ay nakatingin sa malaking pinto ng mansyon. Malaki at mukhang nakakatakot dahil sa kalumaan. Marami ring umaaligid na uwak sa paligid at para bang nakatingin sa kanilang ang mga uwak na ‘yon.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon