Killy's POV.
"El Rica, tara na. Baka mahuli ka pa sa interview mo." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Val.
"Can you cancel it? You know that I hate interviews." Naglagay ako ng pink lipstick sa aking labi at inayos ang aking kilay. Hindi ko tinapunan ng tingin si Val, busy ako sa paglalagay ng makeup sa aking mukha.
"Hindi maaari ang gusto mo El Rica. Isa ka ng supermodel at sikat na actress dito sa Greece. Siguro naman alam mo kung bakit gusto ng interview ng mga reporters, right?" Napa-irap na lang ako sa sinabi ni Val.
"Yeah, yeah. I know."
"Bilisan mo na d'yan. Ang sabi ng manager mo, 'tha érthete, an sas arései í̱ óchi'," Val said.
[Translation: You will come, whether you like it or not.]I sighed, "Okay, fine. I surrender. Pupunta na ako." Balak ko pa man sanang pumuslit. Ayoko talagang pumunta sa mga interview kasi may naaalala ako.
Lumapit sa akin si Val at hinaplos ang buhok ko, "Limampung taon na ang nakalipas Killy. Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?"
Napakunot ang noo ko sa tanong ni Val. Is he referring to Liam?
"Alam kong limampung taon na ang nakalipas Val. May kalendaryo dito sa bahay." I glare at him. "At pwede ba? ‘Wag na nating pag-usapan pa si Liam. Matagal ko na siyang kinalimutan."
"Wala naman akong sinabing si Liam ah." A playful smile curve on his lips.
"But you're referring to him," I said while raising my right eyebrow.
"Nami-miss ko na ‘yong triplets, especially Killiav." Pag-iiba ni Val sa usapan.
"I miss them too, really."
"Tara na. Para matapos na ang interview at makabalik na tayo sa Pilipinas," sabi ni Val na mukhang mas excited pa sa akin.
"Hold my hand." Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya.
Nagtataka man, hinawakan niya pa rin ang kamay ko. Nag-teleport kami papunta sa kotse niya. Mas mabilis kung gagamitin ko ang teleportation ko.
"Woah, that was cool," namamanghang sabi ni Val. "Tell me, bakit mo na-isipang gamit ang kapangyarihan mo? It's been a long time since I saw you using your power," sabi ni Val habang binubuhay ang makina.
"Baka may paparazzi na nag-aantay. Alam mo naman siguro ‘yong nangyari noon nang makita tayong magkasama. Ang akala nila nagd-date tayo kahit hindi naman," I said as I fasten my seatbelt.
Natatawang umiling si Val, "Yeah, I remember that. Nagalit pa nga sa ‘yo ang manager mo dahil sa issue na ‘yon."
"Let's not talk about that. Mag-drive ka na, baka mahuli pa tayo sa flight natin."
"Mahihintay naman tayo ng eroplano. ‘Yong eroplano ko ‘yong gagamitin natin kaya walang problema kahit pa mahuli tayo," Walang pagmamadali niyang pinaandar ang kotse patungo sa paggaganapan ng interview.
"Kapag nakarating na tayo sa Pilipinas dumaan muna tayo sa opisina ni kuya. Sasama raw siya sa atin papunta sa mundo ng mga imortal."
"Akala ko ba mauuna na si prince Zack na pumunta sa mundo natin."
I sighed. "‘Yon nga rin ang akala ko, pero alam mo naman si kuya di ba? Masyado siyang busy. Nagkaroon siya ng biglaang meetings kaya hindi siya nakapunta kaagad sa mundo natin." Alam kong gustong-gusto na ni kuya na makabalik sa mundo ng mga imortal—sa mundo namin, pero tambak ang gawain niya sa kumpanya kaya hindi siya makapunta.
BINABASA MO ANG
Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)
Fantasy[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magiging maayos na nga ba ang lahat? Nararapat lang bang ibalik ang kanilang buhay? Sa pangalawang pagkak...