Chapter 23

3K 109 0
                                    

Killian's POV.

"Ayos na ba d'yan Ain?" tanong ni tito Val kay dada Ain.

"Oo, eh, d'yan ba?" Balik na tanong ni dada Ain kay tito Val. Nag-thumbs up lang si tito Val kay dada Ain bilang sagot.

Inaayos nila ‘yong kusina namin. Napagalitan kaming tatlo dahil nalaman ni Mama na nag-away kami ni Killiam. Damay-damay talaga kahit na isa lang sa amin ang may kasalanan, kaming tatlo ang napapagalitan.

Akala ko nga paparusahan kami, buti na lang mukhang good mood si Mama.

Lumapit ako kay dada Ain at binigyan siya ng juice.

"Inom ka muna dada, baka napapagod ka na." Kinuha niya ang juice na nasa kamay at sumimsim ng kaunti. "Masarap ba, Dada?" Nakangiti kong tanong. Sana naman kahit sa pagtimpla ng juice magka-talent ako. Hindi na nga ako marunong magluto baka hindi pa rin ako marunong magtipla.

"Masarap Killian, sobra." Mas lalo akong napangiti sa tugon ni Dada, lalo na no'ng ubusin niya lahat ng juice na nasa baso. "Thank you Killian, the best talaga ang mga drinks na hinahanda mo. Wala ka mang talent sa pagluluto, at least may talent ka sa paggawa ng mga inumin."

"Masaya ako dahil nagustuhan mo ang inuming hinanda ko para sa 'yo, Dada." Masaya kong saad. Maliban kay Mama at sa mga deadly weapon na nagbibigay ng kaligayahan sa akin, pati si dada Ain napapasaya ako.

"Ako Killian? Hindi mo ba ako bibigyan ng juice?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses ng aking papa. Napakuyom ang kamao ko. Gusto ko siyang sipain palabas ng kuwarto namin pero alam kong magagalit sa akin si Mama kaya hinahayaan ko na lang siya. Ako na ang umiiwas pero papansin talaga ang isang ‘to. "Gusto ko ring matikman ang juice na gawa mo. Puwede?" Nakangiting niyang tanong.

Pinigilan kong paikutin ang mata ko sa harap niya kahit gustung-gusto kong gawin! Pilit na lang akong ngumiti kahit na ayaw ko.

Kailan kaya aalis ‘to? Dapat hindi na lang siya bumalik. Eh, di sana hindi ako naba-bad trip ngayon! Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya.

"Sige, magtitimpla lang ako." Pumunta ako sa gilid at kinuha sa cabinet ang mga prutas na kakailanganin ko.

Lagyan ko kaya ‘to ng lason? Para naman tuluyan nang mawala ang magaling kong ama!

Tsk! Hindi nga pala tinatablan ng lason ang mga bampira. Wala rin kaming lason dito. Kainis! Mukhang kailangan kong pagtiisan ang mukha ni Papa.

"Ayan na." Sinadya kong lakasan ang paglapag ng babasaging baso sa lamesa. Gumawa ito ng ingay na para bang nagdadabog ako.

Nginitian ako ni papa at agad nakinuha ang baso at tinungga ang laman nito. Naiinis ako sa ngiti niya! Manhid ba siya para hindi maramdaman na ayaw ko sa kaniya? O sadyang ipinapakita niya lang sa akin na wala siyang pakialam kahut na galit ako sa kaniya?

Argh! Ginagalit niya talaga ako!

"Masarap nga!" Nakangiting sabi ni Papa. "Ang galing naman ng anak ko, mana kay papa niya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Argh! That's it! I'm really pissed off!

"Hindi ako nagmana sa ‘yo. Hindi ko gugustuhing magmana sa isang manloloko at babaerong katulad mo." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ‘yon. Siguro dahil naiinis na talaga ako sa kaniya—Nope! Scratch that—Naiinis na talaga ako sa kaniya, as in inis na inis! Natigilan si Papa, kitang-kita sa mukha niya ang hiya at lungkot. "Bakit hindi ka magalit sa akin? Bakit hindi mo ako itulak at itangging anak mo ako?! Diba gano'n ka naman?! Tinanggi mong anak mo kami noon tapos ngayon bigla ka na lang babalik at sasabihing anak mo kami?! Na gagawin mo ang lahat para mabuo ulit ang pamilya natin!" Lumapit ako sa kaniya at tumingala nang kaunti. Tumingin ako sa mga mata niya. "Kahit anong gawin mo hindi ka na namin tatanggapin!" Madiin kong sabi.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon