Chapter 9

3.4K 134 11
                                    

Spane's POV.

"Anong sabi n'yo?! Natakasan kayo no'ng Killy na ‘yon?! Ano bang klaseng pagbabantay ang ginagawa n'yo?! Mga p*nyeta! Mga walang kuwenta!" Galit na sigaw ko. Argh! Isang maling desisyon ang ginawa kong pagpapadala ng sulat kay El Rio. Ang tanga-tanga mo talaga Spane!

"Huminahon ka Spane. Hindi makakatulong ang pagsigaw mo," mahinahong sabi ni Spike.

"Anong gusto mong gawin ko?! Tumalon sa sobrang tuwa dahil natakasan sila ni Killy?! Magpa-party dahil papunta na ngayon ang pesteng Killy na ‘yon sa Half Blood Academy para alamin ang makaraan niya?! Ano Spike?! Ano?!" Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang inis. Mga walang silbi!

"Mag-relax ka, ‘yon ang gusto kong gawin mo."

"Relax? Hah! Paano ako makakapag-relax kung papunta na sa Half Blood Academy si Killy at nagkita na si Zack at ang kaniyang ama sa ilusyong ginawa ko!" Bwisit na Zack ‘yon! Ang bilis niyang nakita ang ama niya. Ang akala ko ay aabutin pa ng siyam-siyam bago niya mahanap ang ama niya pero nagkamali ako! Hindi nangyayari ang mga gusto kong mangyari!

"Hawak mo pa rin si Zack at El Diablo. Hindi pa bumabalik sa isip ni Killy ang alaala niya. Nasa ‘yo pa rin ang alas, Spane. Kaya ang dapat mong gawin ay mag-relax at mag-isip ng susunod na gagawin."

"Tama ka Spike... Tama ka."

Killy's POV.

Nandito na ako. Kaharap ko na ngayon ang malaking gate ng Half Blood Academy. May kaba at excitement akong nararamdaman  pero mas nangingibabaw ang kaba.

"Easy lang." Nagulat na ako nang may humawak sa kamay ko. Si Val. "Nanginginig ‘yong kamay mo." Binawi ko ang aking kamay. Hindi ako komportable kapag may lalaking humahawak sa kamay ko.

"Okay lang ako," sabi ko at matipid siyang nginitian.

"Sigurado ka ba Heavenly? Baka hindi kayanin ng utak mo. Pwede naman tayong bumalik sa ibang araw," wika ni tanda pero mabilis akong umiling.

"No. I'm fine. Naririto na tayo, hindi na ako uurong." Tipid akong ngumiti.

"Killy! ‘Yong kaibigan mo!" Napatingin ako kay Mom ng bigla siyang sumigaw. Napatakbo ako papunta sa kanila. Nakita ko si Vam na nakayuko. Ang ulo niya ay nakapatong sa manibel, may naririnig din akong mahinang daing galing sa kaniya.

"Vam, anong nangyayari sa ‘yo?" Mas lalo akong nag-alala ng hindi siya sumasagot. Tanging mahihinang daing lang ang naririnig ko.

"Hayaan mo lang siya," sabi ni tanda.

"Hayaan? Bakit ko naman gagawin ‘yon?! Nakikita mo ba ang kalagayan ni Vam?"

"Unti-unti ng bumabalik ang alaala sa kaniyang isip. Hayaan mo lang muna siya," ani tanda.

Bakit bumabalik na ang mga alaala ni Vam? Bakit ‘yong sa akin hindi pa? Wala bang sira ‘tong utak ko? Baka mayro'n kasi, eh.

Mga ilang minuto ang nakalipas bago naging maayos ang kalagayan ni Vam. Putlang-putla siya at pawis na pawis. Parang naubos lahat ng energy niya.

"Ano Vam? Kaya pa?" tanong ko. Tumingin lang siya sa akin pero hindi siya sumagot. "Dito na lang kaya muna kayo ni Val. Pababantayan muna kita sa kaniya tapos babalikan nalang namin kayo rito." Marahang umiling si Vam.

"No... K-Kaya ko pa naman," tugon ni Vam. Ramdam ko sa boses niya ang panghihina. Gusto ko sana siyang pigila pero lumabas na siya ng kotse. Inalalayan ko naman siya dahil mukhang matutumba siya.

"Sigurado ka ba na kaya mo Vam?" Nag-aalalang tanong ni Mom sa kaniya.

"Opo. Kaya ko po, Queen Shasha," sagot ni Vam at tipid ng nginitian si Mom.

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon