Chapter 52

2.1K 81 2
                                    

Hindi ako mapakili sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung tatayo ba ako, lalakad, o ano!

"Bakit ba kasi ako iniwan ni kuya rito?" Inis na bulong ko.

"Puwede ba? Mag-relax ka ng diyan! Istorbo ka, eh." Napatingin ako kay Kelly nang biglang siyang magsalita. Nakataas ang kilay niya sa akin at halatang inis na inis siya sa akin.

"B-Bakit? A-Anong ginawa ko sa 'yo?" Naguguluhan kong tanong.

"Can't you see I'm working?! Nadi-distract ako sa 'yo! 'Di ka mapakali!"

"B-Bakit ka ba nagagalit?" Grabe! Parang sarili ko lang ang kausap ko.

"Nakakainis ka kasi!"

"Bakit ka naiinis sa akin?"

"Kasi ikaw na lang lagi ang—basta! Naiinis ako sa 'yo! Bakit ka ba kasi nagpakita pa?! Dapat nanatali ka na lang doon sa taas!"

Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ng kambal ko.

"Hindi ka ba masaya na nagkita na tayo? Hindi ko alam na may kambal ako at paniguradong ikaw alam mo na kambal mo ako at nag-exist ako sa mundong 'to. Naguguluhan ako Kelly. Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin, eh, wala naman akong ginagawa sa 'yong masama." Isang mapang-uyam na tawa ang binigay niya sa akin.

"Wala kang alam!" Madiin niyang sabi.

"Kung gano'n ipaalam mo sa akin!" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat at deretso tumingin sa mailap niyang mga mata. "Sabihin mo sa akin, Kelly. Kambal mo ako at handa akong intindihin kung ano man 'yang hinanakit mo sa akin. Please, sabihin mo sa akin Kelly." Tumingin siya sa mata ko at kitang-kita ko ang galit mula ro'n. "Kelly..." Nagulat na lang ako nang tabigin niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya at naglabas ng baril saka ito ipinutok sa direksyon ko ng tatlong beses. Tumama ang mga bala sa tiyan, binti, at braso ko.

"Ito ang tatandaan mo, Killy." Lumapit siya sa akin at kinuwelyuhan ako. "WALA. AKONG. KAPATID." Pabato niya akong binitiwan dahilan para mapa-upo ako sa sahig. Matalim niyang akong tiningnan bago niya nilisan ang silid na kinasasadlakan namin.

Nakatulala lang ako sa pintong pinaglabasan ni Kelly. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit gano'n ang trato niya sa akin. May nagawa ba ako? May sinabi ba ako sa kaniya na hindi niya nagustuhan?

Bakit ba siya gano'n sa akin?

Makalipas ang ilang minuto, saka lang ako bumalik sa huwisyo. Tumayo ako at inalis ang bala ng baril na nasa katawan ko.

Hindi ako makapaniwala na kaya akong barilin ng sarili kong kambal.

May problema siya sa akin, nararamdaman ko 'yon. Kung ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang kinagagalit niya, puwes ako ang gagawa ng paraan para malaman kung ano 'yon.

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko itong bumukas. Umaayos ako ng tayo nang makita ko si Hevinna na pumasok at mukhang wala na siyang ibang kasama.

"Nasaan ang kapatid ko?" tanong ko. Si kuya Zack ang tinitukoy ko.

"Kasama niya si Esperanza." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kumusta ka naman?"

"Alam mo ang sagot sa tanong na ‘yan."

"Anong ibig mong sabi—"

"Please..." I begged. "Ngayon lang tayo nagkaharap. Ngayon lang kita personal na nakita, kaya sana naman wala ng kasinungalingan. Nandito ako hindi para makipagkumustahan sa ‘yo. Naririto ako dahil gusto kong klaruhin ang mga katanungan na nasa isip ko na alam ko na ikaw ang makakasagot. Miserable na ang buhay ko simula ng pinanganak mo ako, habang lumalaki ako, at hanggang ngayon. Alam kong saksi ka sa paghihirap ko, alam kong nakita mo akong naghirap at pinahirapan." Tumingin ako sa mata niya na may halo-halong emosyon. "Isa ka sa mga nilalang na nagpahirap sa akin."

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon