Chapter 42

2.4K 90 5
                                    

Killy's POV.

Sa wakas! Natapos na rin namin ni Lucaf ang problema. Malaya na sila sa kamay no'ng matandang hukluban na 'yon.

"Maraming salamat Killy. Salamat at tinulangan mo kami." Kanina pa nagpapasalamat sa akin si Lucaf, hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos magpasalamat.

"Walang anuman. Hindi naman natin magagawa 'to kung wala ang tulong ni Dad at kuya. Saka, may karapatang maging malaya ang kahit na sinong nilalang. Hindi sila nararapat magpasailalim sa kapangyarihan ng mas nakatataas sa kanila. May karapatan silang o tayo magdisisyon nang naayon sa ating gusto." Nakita kong nagkaroon ng lungkot sa mga mata ni Lucaf. Nag-iwas ako ng tingin dahil nababatid ko kung ano ang ibig sabihin ng kalungkutang iyon. "Ayos lang ako Lucaf. Wala kang dapat ipag-alala." Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Desisyon ko 'yon, at pinasisisihan kong nagdesisyon ako na hindi nag-iisip ng maayos.

"Hindi mo naman kailangang ngumiti kung hindi mo gusto o kung napipilitan ka lang. Mas maganda pa rin ang natural at totoo mong ngiti." Nag-iwas ako ng tingin at hindi na nagbalak pang sumagot. Ayokong pag-usapan ang mga ganitong paksa dahil napupunta ang mga ganitong paksa kay Liam. "Hindi mo ba siya kakausapin? Anim na buwan na rin ang nakaraan, baka naman-"

"Ayoko muna siyang pag-usapan." Pagputol sa sinasabi niya.

"Pasensya na." Tinanungan ko lang siya. "Aalis na ako, Killy. Pakisabi na lang kay haring El Diablo at prinsipe Zack ang aking pasasalamat. Maraming salamat muli." Gamit ang kaniyang mga pakpak, lumipad na siya sa kalangitan hanggang sa hindi ko na siyang makita.

Naglabas ako ng isang mabigat na buntong hininga. Kailangan ko ng bumalik sa Heaven University. Nami-miss ko na ang mga anak ko at paniguradong ganoon din sila.

Sa mga buwan na nagdaan, palagi nilang tinatanong sa akin kung nakausap o nagkaayos na kami ni Liam. Nakakatuwa kasi kahit papaano nawala na 'yong galit nila sa papa nila. Napalapit na ang loob nila sa maikling panahon na kasama nila ang papa nila.

"Hey." Napatingin ako sa likurad ko. "Why are you still here? Are you not going to return to Heaven University?" tanong ni kuya habang naglalakad papunta sa akin.

"Babalik na. May bigla lang pumasok sa isip ko."

"It's him, right?"

"Yeah."

He stand beside me and look to our beautiful garden. "Do you love him?" Natigilan ako sa tanong ni kuya. Kalaunan ay napatungo ako.

"Sobra," I answered.

Kahit na anong gawin niya, kahit na ilang beses niya akong saktan. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nawawala 'tong pagmamahal ko para sa kaniya. Kahit sabihin pa nila na ang tanga ko dahil ilang beses na akong sinaktan ni Liam pero heto pa rin ako... Patuloy pa rin siyang minamahal.

"Then go and get him. Get what you think you deserve and be happy. You're being tough for your whole life, you always protect us, you always sacrifice yourself and your happiness for the sake of your love ones. You didn't think of your own happiness." Hindi ako sumagot at nanatiling nakatungo. Totoo ang mga sinabi ni kuya at hindi ko itatanggi 'yon. "We can fight for ourselves. It's time to fight for your own battle. Fight for your family. Ipaglaban mo ang karapatan mo." Tears dropped from my eyes as I nodded. Niyakap ako ni kuya at hinagod ang likod ko. "If you think Liam is yours, then get him no matter what happened. We, Nightbloods, are not a weaklings. So be stronger than before. Don't let that Esperanza win this fight. You're the one who deserves to win. In this game, you are the winner." I nodded several times. My brother is right. This is my game and I'm the winner, I have to take my price. My happiness...

Heaven University (Book 2 of Half Blood Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon